SEVEN

69 39 9
                                    

"Nerd! Ito oh! Perfect ka na naman!" Tinapon sa akin yung papel ng isa sa mga alalay ni Olivia.

"Thanks." Hindi ko man lang siya tinignan habang sinasabi ko yun.

"Such a b*tch!" Pasigaw niyang bulong, ewan ko kung bulong pa iyon dahil rinig na rinig ko naman.

"Sinong sinasabihan mo? Sarili mo? Tama ako diba." Kalmado kong sagot sa kanya.

"No I'm not!" Nagsisimula na siyang mainis.

"So sinong tinatawag mo na b*tch? Yung amo mong pusit na malapit nang masunog?" Medyo natawa ako sa huling sinabi ko.

"Nerd!!" Narinig ko ang hakbang ni Olivia papalapit sa akin. Malay ko bang nandito siya.

Patakbo akong lumabas ng classroom pero naabutan nila ako sa hallway. Buti nalang lunch break ngayon kaya wala masyadong tao.

"Where do you think your going?" Taas kilay na tanong ni Olivia habang humahakbang papalapit sa akin.

"Sa..sa cafeteria. Oo sa cafeteria! Nagugutom na kasi ako." Palusot ko

"Really? Parang hindi ka naman gutom eh." Mas lalo pa siyang lumapit sa akin kasama yung mga alipores niya. Ngayon nakapalibot na sila sa akin.

"Paano mo malalaman kung hindi ako gutom? Ikaw ba ako?!"

"Ha? Hindi kita gets." Ang slow talaga ng bakikay na ito.

"Wala! Kasi wala kang alam!" Alam ko masakit yung sinabi ko pero sana matanggap niya na rin kung anong utak ang mayroon siya.

"Nakakainis ka na ha! Hold her girls." Utos niya sa mga alipores niya.

"Ano bang balak mong gawin sa akin?"

"Sabunutan ka at sirain yang salamin mo para wala ka ng makita at magmukha kang taong grasa. Dida ang talino ko!" Wow! Just wow!

"Okay. Bilis na para matapos na. Pero dapat sasabunutan din kita." Nagugutom na ako.

"No way! I don't want your dirty hands on me." Ang arte.

"Eh di wag! Kakain nalang ako! Bye." Nagsimula na akong maglakad pero pinigilan niya ako.

"Okay fine. Such a nerd!" Pagkasabi niya yon sinabunutan ko na siya. Nanalangin din ako na sana walang makakita sa amin.Nagsabunutan kami ng ngasabunutan.

"I hate you nerd!"

"Your welcome." Ngumiti ako sa kanya. For sure hindi niya nanaman magegets.

Well pinagpatuloy lang namin yung cat fight namin ng hindi kami inaawat o ano pa man. Pero napatigil kami dahil sa sigaw.

"All of you! Go to my office! Now!!" Haallaaaa!!!!! Si Mr. Jones yung sumigaw.

"This is all your fault nerd." Matabang na bulong sa akin ni Olivia.

Hindi ko na siya pinansin at nagsimula nang maglakad. Nakatingin lahat ng mga taong dinadaanan namin sa amin. Sino bang hindi titinigin? Mukhang kakagising palang namin dahil sa magulong buhok at gusot gusot na uniform.

Nakapasok na kami sa office ni sir Jones ng sobrang tahimik hindi namin alam ang gagawin namin. Halata na sa itsura ni Mr. Jones na nadismaya siya sa nakita niya kanina.

"Miss Pren, your in trouble again." Huminto siya pero nagsalita siya ulit. "One week suspension."

"But Mister-." Angal ni Olivia pero hindi siya pinatapos ni Mister Jones.

"I'll call your parents. You may go now." Tinuro niya ang pintuan. Padabong naman siya umalis kasama yung mga alalay niya.

"Miss delos Reyes, alam kong may kasalanan ka din sa nangyari kanina pero hindi kita isususpend dahil sa scholarship mo pero ibabawas ko yun sa grades mo."

"Mayroon pa po bang paraan para mabalik po yung grades ko sa dati?" Kinakabahan ako. Napa-isip si Mister sa sinabi ko.

"Well mayroon naman." Tumingin ng deretso sa akin si Mr. Jones.

"Ano po yun?"

"You have to tutor one of the new students. Kapag nakapili ka na ng taong tuturuan mo yung grades niya ang ibabawas namin sa grades mo. Para maibalik mo yung dati mong grades o mas mataas pa kailangan mo ring pataasin yung grades ng tinuturuan mo. Kapag hindi mo nagawa iyon tatangalin namin ang scholarship mo." Napanganga ako sa sunod sunod na sinabi ni Mr. Jones.

I guess wala akong choice. Parehas lang ang mangyayari kapag hindi ko gagawin ang pinapagawa nila. And speaking of new students, ang MF lang naman ang alam kong nag transfer dito pero hindi naman lahat ng tao dito sa Legend high kilala ko.

"Sino po ang tuturuan ko?"

"May mga bago ka namang kaklase kaya sa kanila ka nalang mamili para hindi ka na mahirapan sa lessons na ituturo mo."

"You mean Moonlight Fire?" Mapakla kong tanong.

"Yes iha, bakit ayaw mo ba sa kanila?" Oo ayaw ko! Baka maging alalay lang nila ako noh!

"Ayaw ko-." Biglang bumukas yung pinto.

"Oh! Boys mabuti nandito na kayo. Naguusap lang kami ni Ms. delos Reyes tungkol sa inyo." Hindi kaya!

"Anong sinasabi niyo sa kanya?" Tanong ni Angus.

"Sino ba ang may kailangan ng tutor?"

"Not me." Tipid na sagot ni Cedric.

"Tutor is not fun. I only like fun." Parang batang nagmamaktol si Angus.

"Its okay for me." Binigyan ako ni Jett ng nakakalokong ngiti.

"Ayaw ko sa mga manyak!" Tinignan ko siya ng masama.

"Then we left no choice." Lahat kami timingin kay Syd.

"What?" Taas kilay niyang tanong. Bakla talaga.

"You need a tutor." Sabi sa kanya ni Mr. Jones.

"No I don't."

"Yes you do. You always have failing grades since grade school." Paliwanag ni Mr. Jones sa kanya pero parang hindi parin siya payag sa plano.

"I can take care of my studies on my own because I have brains."

"You do have brains but you don't have any motivation."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago ako sumingit sa disgusyon nilang mag ama.

"Ganito nalang kapag natalo mo ako sa isang test maghahanap nalang ako ng ibang tuturuan."

"Ganyan ka ba kadesperada?" Tsk.

"Syd, watch what your saying!" Napatayo si Mr. Jones dahil sa ginagawa ng anak niya.

"Sabihan mo pa ako niyan at kakasuhan na kita ng reckless imprudence, I bet nasa tamang age ka na. Nakakapag drive ka na nga eh." Ngumiti ako ng mapakla.

"What happend?!" Sabay sabay nilang tanong sa amin pwera lang si Cedric na busy sa pagbabasa at tumingin lang sa amin.

"Nothing Mister." Hindi ko siya tinignan at pinag paloy parin ang pagtitig ng deretso sa mga mata ni Syd.

"Okay, fine I'll do it." Madali lang naman palang sumuko itong isang ito.

"Good." Tumingin ako kay sir bago magsalita ulit. "Shall we Mr. Jones?" Huminga siya ng malalim dago kumuha ng dalawang answer sheets sa lamesa niya.

"Answer all of this and pass it to me when you're done." Sinuot niya ang salamin niya at pinagpatuloy niya ang pagpirma ng mga papeles.

Madali lang naman lahat ng pinapasagutan ni Mr. Jones dahil naalala ko naman lahat ito kahit na hindi pa naturo sa amin yung iba. Nag advance study kasi ako pero mayroon ding hindi ko pa alam kaya medyo nahirapan ako. Nung natapos na ako iniabot ko na kay Mr. Jones yung papel. Wala pang limang minuto ipinasa na rin ni Syd ang papel niya. Pinacheck ni Mr. Jones ang mga papel sa secretary niya.

"The one who got the highest score is.." Kinakabahan ako. Sana ako. Sana ako!

"Just say it." Singit ni Syd sa tatay niya.

"Chill, the one who got the highest mark in this test is Ms. Delos Reyes. Congratulations." Nagbunyi ako sa utak ko. Ngumiti ng malungkot si Mr. Jones kay Syd pero deep inside natatawa siya dahil sa nangyayari sa beast mode na anak niya.

"Sorry son, better luck next time."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now