THREE

102 48 11
                                    

"Kyahhh!!!" Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa sigawan. Sino ba yang lalaking yan? Sino ba sila? Sinamantala ko ang pagkakataon na tumakas nung palibutan siya ng mga tao.

"Stupid fan." Sinubukan nilang tumakas doon pero sobrang daming tao ang nagkakagulo kaya tumakbo na papaalis doon. Kahit na madaming tao at masakit ang tuhod ko ginawa ko paring tumakbo para makalayg lang sa lugar na iyon.

Bago ako bumalik ng classroom dumaan muna ako sa restroom para mag ayos ng gusot kong damit. Paalis na dapat ako pero may humarang sa akin. Si Olivia kasama ang mga alipores niya.

"Nerd! What did you do to our Syd?!" Tinulak tulak niya ako hanggang sa mapaupo ako.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo!" Masakit pa yung tuhod ko pati ba naman puwetan ko! Aish!

"Anong hindi mo alam?! Nadumihan mo ang damit ni baby Syd!" So Syd pala yung pangalan niya.

"Hindi ko naman sinasadya eh! Kasalanan ko bang natapilok ako at nabitawan ko yung shake na hawak ko?!"

"Pagbabayaran mo yung ginawa mo kay Syd!" Sabi nung isa sa mga alipores niya.

"Ang kulit niyo naman! Wala ba kayong maintindihan sa salitang hindi ko alam?!"

"Don't you dare talk back!" Sigaw ni Olivia. Susugudin na niya sana ako pero napigilan ko siya.

"Ang mga katulad mo talaga. Ang tanging alam lang ay ang mapasabak sa cat fight. Sa bagay hindi mo nga ang table of elements." Pinagmasdan ko muna siya bago magsalita ulit.

"Wala akong oras sa ganitong laro kaya tigilan niyo na ako." Naglakad na ako palabasng restroom bago pa ako kainin ng buhay ng mga pusang gala na yun.

Pumasok ako sa classroom at mukhang nadoon na silang lahat. Ang sama ng tingin ng iba kong kaklase baka dahil nakita nila yung nangyari kanina. Umupo ako sa upuan ko.

"Lulu saan ka galing?" Tumabi sa akin si Shanlie.

"Sa North Korea, namasyal lang ako sandali." Nilapat ko ang mukha ko sa desk ko para matulog sana kaso nag ring na yung bell hudyat na magsisimula na ang afternoon classes.

Naging boring ang hapon ko dahil may meeting daw ang mga teachers kaya tambay nanaman kami sa garden. Nag babasa ako ngayon ng isang novel habang nagsasound trip.

"Ano bang nangyari kanina? Bakit daw nagkakagulo ang mga studyante kanina?" Narinig kong tanong ni Shan kay Crisanto.

"Ewan ko din! Baka naman may dumating na gwapo dito sa school sayang naman hindi ko nakita." Nanghihinayang ang boses niya.

"Eh ikaw naman kasi puro lalaki nalang inaatupag mo! Ilang boses ko bang sasabihin sayo na pera lang ang gusto nila sayo! Pera lang! Hindi ikaw!"

"Alam mo, bagay talaga kayong dalawa ni Luna na mag bestfriend kasi pareho kayong harsh."

"Bagay talaga kami! Ikaw kanino ka ba bagay? Kay Dagul?" Tumawa pa siya. Tsk ang ingay nilang dalawa. Tinanggal ko yung earphones ko at tinignan sila ng masama.

"Tumahimik na nga kayong dalawa. Hindi niyo ba nakikita nagbabasa ako o balak niyo lang talagang ituloy ang pag sira ng araw ko." Mukha namang natakot yung dalawa.

"Sorry na! Ituloy mo na yang pagbabasa mo! Go! Gora!" Sabi ni Crisanto.

"Fly fly away!" Tumawa silang dalawa sa mga sinasabi nila.

"Wala talaga kayong kwentang kausap." Umiling iling ako at tinuon ko ulit ang tingin ko sa binabasa ko.

Nagbubulungan parin yung dalawa kahit na alam naman nilang rinig na rinig parin yung pinaguusapan nila. Natapos ko yung binabasang libro ko ng hindi namamalayang wala na pala yung dalawa.

Tsk. Iniwan nanaman nila ako. Buti nalang at bumalik agad sila na may dalang pagkain.

"Kainan na!" Sigaw ni Shan.Kumuha ako ng french fries at sinubo ito ng buo.

"Hinay hinay lang bakla! Ikaw ang bumili?" Sarcastic niyang tanong.

"Hindi, pero ako ang kakain so back off." Tinarayan ko siya.

"Wow! Maraming salamat dahil kakainin mo ang pinamili namin!"

"Anytime." Sumubo ulit ako ng fries.

"Pag nakakakita ka talaga ng fries nagiging monster ka! Nag extend pa yung bunganga mo para lang walang makawala sa mga sinubo mo." Apila ni Shan.

"Stressed kasi ako."

"Kailan pa naging hindi?" Sumimangot siya.

"Kumain ka nalang kung hindi ako ang kakain lahat nito." Turo ko sa mga pagkain.

"Quiet na girl baka hindi na tayo makauwi ng bahay mamaya." Singit ni Crissy.

Pinabayaan ko na sila sa pagkukulitan basta ako kumain nalang. Masarap yung mga pagkain mas lalo na dahil libre! Hahaha!

"Good afternoon, students please proceed to the gymnasium. I repeat, proceed to the gymnasium." Napahinto kami sa ginagawa namin dahil sa nagsalita mula sa speaker ng garden.

"Alam mo ba kung anong gagawin sa gym?" Paguusisa ni Shanlie.

"No." Tipid kong sagot.

Naglakad na kami papuntang gymnasium. Pagkadating namin doon hindi namin alam kung saan kami sisingit sa dami ng tao.

"Doon nalang tayo dumaan!" Turo ni Shanlie sa gilid na wala masyadong tao.

Sinundan namin siya hanggang makaabot kami sa may bandang unahan. Mainit. Sobrang init. Bakit hindi pa ba mag umpisa ang kung ano mang sasabihin nila? Balak ba nilang parusahan ang mga studyante nila? Sumasabay pa yung ingay ng mga studyanteng malulupet.

Nag lakad si Mr. Jones papunta sa gitna ng stage. Siya ang napaka gwapo naming principal he's also the owner of this school tinatawag namin siyang Mister Jones dahil yun lang ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Ayaw niyang ipamahala sa iba ang pinaghirapan ng ama niyang paaralan kaya siya mag isa ang namumuno dito. Actually may anak na daw siya kaso walang nakakaalam kung sino siya dahil hindi naman siya dito nag-aaral.

"Everyone please settle down. I have an announcement to make. Were here to welcome some of the latecomers this school year."

"Sino ba yung mga latecomers na yan? Mukhang espesyal sila ah." Narinig ko galing sa katabi kong babae.

"Ginagawa namin ito dahil kailangan nating magtulungan sa isa't isa. You need to treat them as your kind, you need to treat them as a student who's only willing to be here because they want to graduate. After senior high school they will continue to study here for collage." Ang tanging naririnig lang sa buong gymnasium ay ang boses ni Mr. Jones.

"Matagal kong hindi pinaalam sa inyo kung sino ang anak ko. He was homeschooled dahit sa mga projects niya at ayaw niya pang mag take over sa paaralang ito." Huminto siya saglit bago magsalita ulit.

"Let's stop all of the nonsense and let me present to Moonlight Fire!" Biglang dumagundong ang buong gymnasium. Lumabas ang apat na familiar na lalaki mula sa backstage.

Unang lumabas ang isang singkit na lalaki na may pagka cute pero parang nerd din dahil sa salamin niya. Pangalawa baman ang isang mukhang play boy at kumindat pa sa mga studyante. Sumunod naman ang lalaking mukhang ang moto lang sa buhay ay 'YOLO' gumiling giling siya na parang walang nanunuod sa kanya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nung nakita ko ang prisensya ng huling lumabas. Gusto kong magtanong kung sino ba talaga sila. Sino ba talaga siya? Pero hindi ko magawa kaya nakinig nalang ako sa susunod ba sasabihin ni Mr. Jones.

"Students please settle down. As you all know this is Moonlight Fire. They will have their last concert on saturday and after the concert they will be a regular student." Nilapitan ni Mr. Jones si Syd at umakbay dito.

"I almost forgot, this is Syd Jones my son."

Chasing StarsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu