TEN

55 32 7
                                    

"Ayos lang ba siya?" May nag salita. Bakit may nararamdaman akong buga ng hangin papunta sa ilong ko?

"Hindi ko pa alam." Narinig kong sambit ng isa.

"Paanong hindi mo alam eh ikaw ang nagbabantay sa kanya!" Aish ang ingay.

"Bakit ba ang kulit mo?! Doctor ba ako para malaman agad ang kondisyon niya kada tanungin mo ako?!" Natandaan ko na ang boses nilang pareho kahit na hindi ko pa sila nakikita.

"Stop it, will you?" Sabi ng panibagong boses.

"Stop na daw kung hindi papalabasin na namin kayo." Sabi pa ng isa.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" May pagka irita sa boses ni Shanlie.

"Kami nga dapat ang nagtatanong sa inyo yan."

"Tambayan kaya namin ito." Sabi pa ng isa.

"Ang ganda niya talaga kapag walang salamin tapos tulog hindi niya lang maamin sa sarili niya." Boses ni Shan.

"I know right, mana kaya siya sa akin."

"Ang layo friend. Mag hanap ka nalang ng kambing o kabayo baka sakaling magkamukha pa kayo nun."

"Alam niyo kanina pa kayo! Ang ingay niyo hindi ko tuloy marinig yung pinapanuod ko."

Dahil sa mga maiingay na boses na naririnig ko pilit kong minulat ang mga mata ko pero sobrang labo pa nito. Ginusot ko ito gamit ang kamay ko kahit na nahihirapan parin akong gumalaw sa sakit na dumadaloy sa buong katawan ko.

"Wag ka munang gumalaw baka mabinat ka." Sabi ni Shanlie.

"Girl eto oh, binilihan ka na namin ng bagong salamin dahil nasira yung luma." Sabi naman ni Crissy. Isinuot niya sa akin ang salamin kaya biglang luminaw ang paligid. Nakita ko sila Cedric, Jett at Angus na nakaupo sa couch habang busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Wala si Syd? Teka, bakit ko ba siya hinahanap?

Nasa loob kami ng isang malaking kwarto na condo type. Nakahiga ako sa isang malaking higaan na may oxygen sa tabi nito.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba maalala?" Takang tanong ni Shan.

"Wala kang maalala?!" Nagwawalang tanong ni Crisanto. "Ilan ito? Anong pangalan ko? Anong pangalan ng diyosang nasa harap mo?"

"Tinatanong ko lang kung bakit ako nandito pwede namang iuwi niyo na ako sa bahay."

"Gaga! Hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan ang itsura mo." May point naman siya.

"Ilang oras na ba akong tulog?" Gumapang si Shanlie sa kama at humiga sa tabi ko.

"I dunno, mga isang araw na siguro. Tinawagan lang kami kahapon ng madaling araw nila Jett na nandito ka daw. Ewan ko nga kung paano niya nakuha yung number namin eh." Baka kinalkal nila sa cellphone ko. Sa susunod lalagyan ko na nga ng password.

"Paano sila mama? Alam ba nila?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang nag aalala.

"Hindi, sinabi namin na nag sleep over tayo kay Crissy para hindi sila gaanong mag alala sayo. Buti nalang sabado ngayon at walang pasok ngayon dito sa school.

"Nasa school tayo?"

"Oo teh nandito pa tayo sa loob ng campus pero nasa tagong mini house tayo ng MF."

"Ang swerte natin noh!" Gumapang si Crissy papalapit sa amin at binatukan si Shanlie.

"Wag ka ngang maingay baka marinig nala tayo."

"Kill joy talaga tong baklang pusit na ito." Bulong niya pero rinig na rinig naman.

"Narinig ko yun!" Bulyaw ni Crisanto kay Shan.

"Narinig ko din yun!" Singit naman ni Angus.

"Pwede ba Angus tumahimik ka nalang. Makikisabay ka pa sa dalawang ito eh." Galit kong sabi sa kanya.

"Sorry na Luna! Alam mo ba marami akong alagang langgam sa bahay namin! Gusto mo dalahan kita?" Napapikit ako ng mata ko ng mariin nung maalala ko yung pangyayaring yun.

"Ayaw ko!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Luna, kailan pa kayo naging close?" Tanong ni Crissy. Hindi naman umimik si Shan at nakinig lang sa amin.

"Nung araw na nag pinagpili ako ni Mr. Jones. Wag na kayong magtanong." Tumango tango naman silang dalawa.

Biglang tumayo si Jett sa kinauupuan niya at nagpaalam na lalabas lang daw muna siya saglit dahil may aasikasuhin pa daw siyang bagay. Ang sabihin mo hindi bagay ang aasikasuhun niya kung hindi tao.

Inabot ni Shan ang cellphone ko para tawagan ko sila mama at papa dahil baka nag aalala parin sila hanggang ngayon. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Hello ma!" Masigla kong bati sa kanya na parang wala akong iniinda.

"Hello anak, kumusta ka na?" Bati niya mula sa kabilang linya.

"Ayos naman po ako, may kailangan lang po kaming gawing malaking project kaya po baka sa linggo pa po namin matatapos ito kaya sa monday nalang po ako uuwi ng bahay. Wag po kayong mag alala nandito naman po yung mga kaibigan ko."

"Ano pa bang magagawa ko? Sige anak maiingat ka diyan. Wag mo kaming alalahanin ng papa mo. Pagbutihin mo ang pagaaral mo."

"Sige po, ipapakuha ko nalang po yung mga gamit ko sa kanila Shan. Mag ingat po kayo diyan."

"Sige anak ikaw din. Magpakabait ka."

"Babye! I love you po kayo pong dalawa ni papa!"

"We love you to anak." Nag end call na ako.

"Ang sweet niyong pamilya. Sana ganyan din ang pamilya ko." Sabi ni Shan. Magkahiwalay na kasi ang mommy at daddy ni Shan. Nasa poder siya ng daddy niya ngayon habang ang mommy niya naman ay nasa Canada na may bago ng pamilya.

"Naiingit din ako sayo." Sabi ni Angus na umupo sa upuan na nasa tabi ng kama."

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi wala sila palaging oras para sa akin." Ngumiso siya. Kara pala naging abmormal ang anak nila kasi nasanay na siyang walang pamilya sa tabi niya.

"Wala ka bang kapatid?" Tanong ko ulit.

"Mayroon pero nasa may sarili na siyang pamilya." Sagot niya.

"I actually envy and pity you at the same time." Panimula ni Cedric. Nagulat kami sa biglaang pagsasalita niya. Akala ko aamagin na siya sa kinauupuan niya.

"I envy you because of your family bond but i also pity you because you can't show your true feelings to them and that will actually make things worst because your lying to them without even knowning it."

Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala namamalayan na pwede ko pala silang masaktan kapag hindi ko sinabi sa kanila ang totoo kong nararamdaman.

"Friend nose bleed ako." Bulong ni Crissy. Tinadyakan naman siya ni Shanlie.

"Kung minsan kailangan mong itago ang totoong nararamdaman mo sa mga taong mahal mo para hindi sila masaktan." Bawi ko sa kanya.

"Pero ikaw din ang mahihirapan kaya habang may oras pa magpakatotoo ka sa kanila dahil hindi mo rin naman gugustuhin na ituring ka nilang parang iba."

"Sila ang lakas ko kaya hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na nahihirapan ako."

"Its your choice, pero kung ako sayo haanapin ko ang totoong ako kahit pa libutin ko pa ang buong mundo para mahanap ko lang ito." Yan ang huling sinabi niya bago lumabas. Ewan ko ba kung ako lang o talagang may double meaning ang sinabi niya. Hay, bahala na nga. Sumasakit ang ulo ko.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now