FIVE

69 39 13
                                    

Smells disgusting?! Bakit may tae bang mabango?! Ano?! Sagot!

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Tinulak ko siya at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay.

"I was gonna ask you that." Wala ganang sagot niya at naghugas na rin ng kamay.

"Nakita mo na nga yung ginawa ko dito diba? Naamoy mo pa nga. Kairita!"

"This is the restroom for the artists only so your not supposed to be here." Kasalukuyan siyang nagpupunas ng kamay.

"Ito kaya yung tinuro ni manong guard kanina kaya dito ako pumasok-." Hindi na niya ako pinatapos at iniwan niya akong mag isa sa cr na nakatunganga.

Bastos talaga yung artista na yun! Nag ayos muna ako bago ako bumalik sa pila. Nakita ko si Shanlie na nakaupo sa pwesto parin namin kanina. Umupo ako sa tabi niya.

"Saan ka galing bruha?!"

"Umuwi lang ako sa bahay, namamahay yung pwet ko. Kailan ba magbubukas yan?" Pagiiba ko ng topic. Mukhang hindi naman siya naniwala sa una kong sinabi pero pinabayaan niya nalang.

"Wag ka mag alala malapit na." Tumingin siya sa relo niya.

After very many minutes nakapasok na kami sa main venue. Nakahanap kami ng pwesto sa pinaka harap pero hindi kami umabot sa gitna. Oo nga pala, dalawang VIP tickets ang binili ni Shan so pwede namin ma-meet and greet mamaya ang Moonlight Fire (MF) pero kailangan kong umiwi ng maaga kaya naman magpapaiwan nalang si Shanlie sa back stage mamaya.

Nagsimula nang lumakas ang hiyawan kahit na wala pa namang lumalabas ng stage. Naglaro nalang ako ng games sa cellphone ko para malibang. Mahigit twenty plays na ang nalaro ko nung nagsimula na ang countdown.

"10..9..8..7..6..5..4..3..2..1!!!"Sigaw nilang lahat. Biglang naghati ang malaking LED sa dalawa at iniluwa nito ang anino ng apat na kalalakihan. Unang naaninag ng mata ko ay si Jett 'The Playboy' na pinapaikot ang drumsticks niya sumunod naman si Angus ' YOLO Man' na may hawak na bass guitar sumunod naman sa kanya ay si Cedric 'Cute Nerd' electric guitar. Huli ko naman naaninag ang sikat na jerk na diretso ang tingin sa mga tao. Sino pa ba?

Nakilala ko sila dahil buong linggo sila pinaguusapan ng buong school. So, sino ang hindi makakakilala sa kanila kung ganon. Sa lahat ng lugar napuntahan mo wala kang kawala sa mga sinasabi nila tungkol sa Moonlight Fire.

Pumunta sila sa kanya kanya nilang pwesto at nag simula nang tumugtog. Kaya hindi magkaundagaga itong katabi ko.

I got your fingerprints on my skin
Ever since that day you've let me in
I feel your vibes, they are circlin'
You cut so deep, cut so deep
Who needs love leaning to one side
We're free fallin' in the jungle lights?
You have it all, got me on standby
You cut so deep, cut so deep

'Cause I thought that the trust had gone
Didn't see this comin' along
You made me a believer
You made me a believer

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Syd dahil sa ganda ng boses niya pero parang narinig ko na yung kanta before. Tumingin ako kay Shanlie na tuwang tuwa habang sumasabay na kumakanta.

"Shan! Diba hindi sa kanila yung kanta!" May halong pagtataka ang sinabi ko.

"Yup! Hindi mo ba alam na cover band sila?" Tumango tango nalang ako at binaling ko ulit ang tingin ko sa harapan. Kung cover band sila grabe naman sila kasikat dahil may sarili silang concert at may mga fans pa.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now