EIGHTEEN

48 7 5
                                    

"Bakit kaya kami dinala dito ng isang matipid na Luna delos Reyes?"

"Totoo kayang may himala?" Sunod sunod nilang tanong na dalawa habang nakatunganga sa labas ng mall.

"Dapat kahapon niyo pa tinanong sa akin yan." Pag susungit ko. "Tara na nga." Hinila ko na sila papasok sa loob ng mall.

Pumasok kami sa isang optical shop. Nagtaka naman yung dalawa dahil bago pa naman yung salamin na bigay nila sa akin.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Crissy.

"Oo nga. Gutom na ako, gusto ko ng ice cream." Pagmamaktol naman ni Shan.

"Mamaya na yung ice cream bibili lang ako sandali nang contact lens tapos pwede na tayong maglibot."

"Para saan yang contact lens? Akala ko ba ayaw mo nang ganon tapos ngayon basta basta ka nalang bibili."

"Basta." Ngumiti ako sa kanila bago naglakad papalapit doon sa isang doctor.

Ilang minuto pa ay natapos na ang paghihintay naman at nakuha na namin ang mga contact lens na pinamili ko.

"Nagdadalaga na ang babaita." Parinig sa akin ni Crissy. Tumawa naman silang dalawa.

Pumunta kami sa isang ice cream parlor dahil gusto ni Shan ng ice cream. Nag order kami at naghintay. Buti nalang mabait ngayon si Shan dahil daw sinamahan namin siyang bumili ng ice cream nilibre niya na kaming dalawa ni Crisanto.

Nagtawanan kami at nag kwentuhan habang kumakain. Dahil sabado ngayon at wala masyadong gagawin pwede namin gawin ang gusto namin.

"Kumusta na pala si tito, Luna." Napahinto naman ako sa tanong na iyon.Hindi ko pa nakakausap si mama simula kagabi.

"Hindi pa siya nagigising." Ngumiti ako ng mapait sa kanila.

"Ayos lang yan. Magigising si tito."

"Kilala ko si tito, matibay kaya yun." Tinap nila ang likod ko. Nagmukha tuloy akong bata na pinapagaan ang loob ng mga magulang niya gamit ang ice cream.

"Ang drama niyong dalawa." Sumimangot ako sa kanila.

"Wag ka nga pa cute diyan Luna. Hindi ka cute." Sabi ni Crissy.

"Okay."

"So saan na tayo pupunta?" Tanong ni Shan.

"Malamang itutuloy yung pag sho-shopping." Pagmamaldita ni Crissy.

"Sure! Alam ko na!" Parang may magandang idea si Shan na nakalap kung saan. " Bakit kaya hindi natin bigyan ng total makeover si Luna tutal simulan niya na."

"Thats a good idea!" Nag appear silang dalawa. Napasinghap naman ako.

"Hindi ko na kailangan yun."

"Kailangan kaya-!" Hindi na natapos ni Shan ang sinasabi niya nung may biglang sumingit.

"Hello po mga ate." Nahihiyang bati ni Natalie. Kumaway at mgumiti naman sa amin si Scarlett.

"Oh anong ginagawa niyo dito Natalie?" Tanong ni Shan.

"Nag shopping lang po kami kaso maaga pa buti nalang nakita po namin kayo." Sabi ni Scarlett.

"Ganon ba sige sama kayo sa amin."

"Bibigyan namin ng total makeover si Luna, game ba kayo?" Tanong ni Crissy sa kanila.

"Opo!" Sabay nilang tango.

"Yun naman pala! Tara na!" Wala na akong nagawa. Ginuyod na nila ako papunta sa isang beauty salon.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanila.

Chasing StarsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang