Chapter 9

200K 3.1K 556
                                    

“Iko ..”

“Mauna na kayo .. may pag uusapan pa kami ni Araya. Hinagis ko ang susi kay Ruki at hinawakan si Araya sa braso nya.

“Teka lang Iko ..” pigil nya sakin.

Pero hindi ko sya pina kinggan at tuloy tuloy lang ako sa pag lakad kasama si Araya. Medyo natutuwa ako sa tinatakbo ng pangyayari. This is what I want.

“Iko ano bang ginagawa mo? Akala ko ba tutulungan lang kita mapalapit kay Dara kasi Mahal mo sya.”

“I did’nt say I love her ..

“Ganoon na din yun .. hindi ka makikipaglapit kay Dara kung hindi mo sya mahal ..  “

I look at her sharply.

“And who are you to say that? Wala kang alam Araya .. “

“Iko .. babae ako at alam ko kung anong ibig sabihin ng mga ginagawa mo .. at hindi sa lahat ng oras mangmang ako ..”

I smirk at her.

“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo .. you will just do what I say .. follow me .. and don’t dare to question me ..”  tinalikuran ko sya at nakapa muklsang naglakad palayo.

“Alam mo kasi Iko hindi lahat ng gusto mo makukuha mo sa paraang gusto mo, minsan talaga dapat na magpakababa ka, tanggapin mo kung ano ang ibubunga ng mga ginagawa mo, hindi mo kailangan na gumamit ng ibang tao para makuha ‘to. “

I’m too happy para pansinin ang mga sintimyento nya. Pero nagpatuloy pa din sya sa pagsasalita.

“Natatakot kasi ako Iko .. para sayo para kay Dara, para na din sa sarili ko .. bakit hindi mo na lang daanin sa mabuting paraan ang pagsuyo mo kay Dara, bakit hindi mo na lang sya ligawan ipakita mo sa kanyang mahal mo talaga sya at handa kang maghintay.

“Hindi mo ko naiintindihan Araya .. mahal ko si Dara, eversince the day I can’t remember, pero mahal nya din si Elo, ayokong masaktan pag nireject nya ako, kaya sisiguraduhin kong mamahalin nya muna ako bago ko sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, I don’t want to be the loser.”

“Iko ..”

“Wag ka ng maarte, makikinabang ka din naman .. Umuwi ka na .. magkita na lang ulit tayo bukas.”

Malayo layo na ako ng marinig ulit syang magsalita.

“So ganoon? Ikaw nagawa mo na yung gusto mo samantalang ako ni isa wala pang nakukuha sayo .. ok fine .. hahayaan kita .. pero wag mong isisi s sa iba oras na magkamli ka.” may himig pangongonsensya na sabi nya.

“Ibibigay ko sayo bukas ang kelangan mo.. just don’t ruin my day.”

“Pero Teka lang ..” nakisabay sya sa paglalakad ko ”Paano ako uuwi?”

Napahalukipkip ako sa tanong nya.

“Hindi mo alam umuwi sa inyo?” umiling sya sakin.

“Ang tanga mo naman .. “ sinimangutan nya ako at saka inalis ang tingin sakin.

“Sige hahanapin ko na lang sila Venus .. hindi pa anman sigurro sila nakakauwi .. mauna na ako sayo.” Tumalikod sya sakin at naglakad.

Ewan ko ba kung anong sumapi sakin para pigilan sya.

“Ok fine .. sumabay ka na sakin ..”

“Ha?

“Di ka lang pala tanga .. bingi ka pa ..”

“Isasabay mo ko? May kotse ka ba? Di ba binigay mo kay Sir Ruki yung kotse mo?”

“We can take a cab. Wag kang maarte.”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon