Chapter 25

182K 3.2K 1.4K
                                    

Pinigilan ni Iko si  Dara sa pagpasok ..

“Do you think kailangan natin kausapin si Yesha?” tanong nya kay Dara.

“Kung meron man dapat kumausap kay Yeshai kaw yun .. kasi ikaw ang kamag anak nya .. but I think ipagpalipas mo na lang muna yan .. hayaan muna natin sila. “Sometimes you need to take a break, to forget the ache.”

Again tumalikod na si Dara para pumasok ng pigilan ulit sya ni Iko ..  this time hindi lang basta pigil .. kundi niyakap nya ito .. ng mahigpit .. sa pamamagitan man lang ng yakap na iyon ay maipakita at maiparamdam nya na may isang taong handang sumalo sa kanya once na bumabagsak na sya.

“Dara I know how much you love my Brother .. I know I’m  not like him .. hindi nya ako kasing talino .. hindi nya ako kasing cute .. but please ,.. can you give me a chance?”

Mahigpit na yakap yakap n Iko si Dara .. kaya hindi alam ni Dara kung nag jojoke ba si Iko or serysoso ba ito .. dahan dahan na pinakawalan ni Iko si Dara at tumitig sa mukha nito.

“Chance for what?” kinakabahang tanong ni Dara.

“Chance to be your bestfriend. Kung nahihirapan ka ng maging kaibigan si Elo dahil sa nararamdaman mo para sa kanya .. wag mong kalilimutan na nandito lang ako .. a friend who you can lean on.”

Dahil sa sinabing yun ni Iko hindi na pigilan ni Dara ang mapangiti .. hindi nya akalin na may ganung side din pala si Iko.

“Thank you ..” nakatungong sabi nya.

“Thank you lang?” parang naghihingi pa si Iko ng more than thank you ..

“Ano pa bang gusto mo?” natatawang tanong ni Dara,

Agad naman binuka ni Iko ang mga kamay nya para yakapin ni Dara. “A simple hug is enough to know na tinatanggap mo ko as your bestfriend ..”

And then .. they hug each other.

“Bestfriend?” tanong ni Iko.

“May magagawa pa ba ako? Ang pilit mo eh ..” ntatawang sabi ni Dara.

Naunang pumasok si Dara .. hindi agad nakasunod si Iko sa kanya dahil sa sumagi sa isipan nya ..  kung si Dara minahal si Elo dahil sa pagiging bestfriend nila .. siguro naman .. pwede ding mangyari na mahalin sya ni Dara dahil mapaplapit na sila sa isa’t isa.

“Iko ano jan ka lang?” natatawang sumilip si Dara sa loob ng pintuan.

“Eto na po ..” pumasok na si Iko at sumunod kay Dara.

Nagdiretso sila sa isang sulok at magkatabing naupo .. napatingin si Iko kay Dara ng kunin nito ang kamay nya .. hindi para makipag holding hands .. kundi para silipin kung anong oras na  sa relong suot nito ..

“Alas kwatro na .. tss makakauwi pa kaya tayo nito?” nagaalalang tanong ni Dara kay Iko.

“Hindi na siguro ..”

“Hindi ka nag wo-worry?” tanong ni Dara sa kanya.

“Nope. Anjan ka naman eh .. for sure di ako mabobored.” Nakangiting sagot ni Iko.

Nilabas ni Iko yung cellphone nya at ang headset .. tapos nilagay nya sa tenga ni Dara yung isa.

At syempre pa .. pinatugtog nya ang kantang matagal nya ng gustong kantahin sa harap ni Dara.

Now playing .. saranghae

“Kaninong version ‘to?” tanong ni Dara ng marinig ang lalaking kumakanta.

Kung ito may panaginip ay
Ayoko nang magising
Ang pag-ibig ko’y patuloy at
Aaminin ko sa’yo saranghae

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon