Chapter 36

169K 2.7K 228
                                    

“Goodmorning Baby!” masayang bati ni Elo pagkalabas ni Venice ng gate nila.

“Can’t you see? Ihahatid ako ni Dad.” Parehas nilang tiningnan ang papalabas na sasakyan ng Daddy ni Venice.

“Yo Elo .. What’s up?”  cool na tanong ng Daddy ni Venice. Wala sigurong alam ito sa nangyayari sa kanila ni Venice.

“Goodmorning Tito! Susunduin ko sana si Venice pero kayo na daw po ang maghahatid.” Magalang na sabi nya.

“Nagatataka nga ako .. sabi nya di mo daw sya masusundo .. pero dahil nandyan ka na .. sige Venice sumabay ka na sa boyfriend mo .. kailangan ko kasi talagang maaga sa site.” Sabi ng Daddy ni Venice.

Ngumiti si Venice bago nagsalita. “Sorry Dad .. nagbago kasi ang isip ni Elo. By the way .. thanks na lang .. drive carefully.” Paalam ni Venice sa Daddy nya at humalik .. nauna ng umalis ang Daddy nya.

“Look what you did.” Pairap na sabi ni Venice saka sumakay sa loob ng sasakyan ni Elo.

Napabuntung hininga na lang si Elo .. hindi talaga sya sanay sa ginagawa ni Venice.

Tahimik lang syang nagdrive .. habang tahimik lang din si Venice pero pansin ni Elo na kanina pa beep ng beep ang cellphone nito .. busy si Venice sa katext nya. Sa pagkaka alam nya  at sa pagkakakilala nya .. hi di ganito si Venice .. kapag magkasama sila lahat ng pwedeng ikwento nito ay sasabihin sa kanya .. ultimo  pati panaginip nya .. pati ang mga problema ng mga classmates nya ay sinasabi din sa kanya .. hindi rin ito gumagawa ng distraction pag magkasama sila .. pero ngayon .. iba na talaga ‘to. At ang isa pang nakapukaw ng pansin nya ay ang maikli nitong skirt. Oo at Tourism Student ‘to. Sanay syang maikli ang palda nito pero may stocking na suot. Nakalimutan nya pala na Wednesday ngayon .. wash day nila.

“Uhm .. di ba masyadong maikli ang palda na suot mo Baby? Baka mabastos ka sa school  nyan?”  pabirong tanong ni Elo.

Napansin nya ang pagbaba ni Venice ng palda nito na tipong inaayos. Alam nyang naconciuos din ito. “Do you have extra pants?”

“Wala.” Sagot ni Venice.

“Gustong mong bumili muna tayo before tayo puma-“

“Elo .. tama na please? Diba wala na tayo?”

“Wala akong matandaan..”

“Ok. So makinig ka sakin. Simula ngayon wala na tayo .. break na tayo. Hindi mo na ako kailangan sunduin at ihatid sa bahay namin. Hindi mo na kailangan punain ang mga suot ko .. hindi mo na kailangan na alagaan ako. Kasi wala na tayo. Naiintindihan mo ba?”

“Wala akong narinig.”

“Elo .. ano-“

“Wala akong narinig. Hindi tayo break. At walang magbabago.”

“Can’t you see? May nabago na .. ang laki na ng nabago.”

“We’re here.” Pinarada ni Elo ang sasakyan nya sa parking lot ng school nila.

“Elo .. alam kong nakikinig ka kaya sana wag mo ng ipilit pa .. wala na tayo. We’re already done.” Tatlikod na sana si Venice ng bigla syang pigilan ni Elo. At hinatak palabas ng school nila.

Kitang kita naman yun nila Iko at Dara na andun lang sa pagpasok. Nagkatinginan ang dalawa. Napabuntunghininga si Iko sa nakita nya. Tila ata lumalalim na ang gulo sa pagitan nila Elo at Venice.

“What?” tanong ni Iko ng nakitang nakatingin sa kanya si Dara.

“Anong nangyayari sa kanila?” tanong ni Dara.

“Wag mo na silang intindihin Grlfriend kong maganda, tara na ..”

“No Iko. You can’t answer me na hayaan sila. Dahil noong tayong dalawa ang nagkakaganyan si Elo at si Venice ang tumulong satin.”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon