Chapter 58

176K 3K 1K
                                    

Maagang nagising si Elo .. nag alarm ang cellphone nya ng 2AM. Usapan kasi nila na 3am magkita kita sa harap ng bahay nila .. matutulog pa sana sya kaso naisip nya ang bakasyon na hinanda nila .. kaya kahit hinahatak sya ng antok ay pinilit nyang magmulat ..

Pero hindi lang yun .. may humahatak din sa kumot nya .. paglingon nya sa likod ay nakita nya ang kakambal na tulog na tulog ..

Pota .. tumabi na naman pala sa kanya ang kapatid ..

“Hoy! Gumising ka na Iko! Aalis pa tayo!” yugyog nya dito ..

“Hmm maya na .. epal ka naman ..” Asik nito.

Aba’t sya pa ang na-epal. K. tinantanan nya na ang pag gising sa kapatid ..

Nag diretso sya sa banyo nila at naligo .. paglabas nya ay  chinek nya ulit ang phone may isa syang message .. galling sa magaling nilang prinsesa.

Hi Kuya kong pogi!  Wala papala akong dala na gamit. Pakisabi kay Nanay dalhan ako. Maraming salamat!-Miyu

Napakagaling talaga. Sasama sama tapos hindi man lang naghanda .. tinapunan nya ng tingin ang kakambal na natutulog pa din sa kama nya .. ang sarap lang ihulog sa kama para magising.

Tapos bigla nyang naisip na .. bakit nga ba hindi?

Idagdag pa na sya ang pinagbayad nito ng pizza ng mga girls kagabi. Tss.

Kaya naman mabilis nyang hinawakan ang dulo ng kumot na nakabalot sa katawan ni Iko .. saka dahan dahan hinugot  para mahulog ‘to.

Nyeta naman tong si Iko .. may gym-gym pang nalalaman pero napakabigat din naman .. ng malagay nya sa pinakagilid si Iko ay hininto nya na ang pag usod .. saka sya napangiti at dahan dahang  tinulak ang balikat nito ..

Wala pang tatlong Segundo ay nasa carpeted na sahig na ito ..

“Good morning! Hahahhah” tatawa tawa syang lumabas ng kwarto nila.

“Eloooooooooo!” sigaw ni Iko pero mabilis na syang tumakbo para puntahann ang nanay nya ..

“Nay!” katok nya sa kwarto ng mga magulang.

“Nay!” ulit nya.

“Wala. Tulog!” sagot ng Tatay nya. Tamo tong tatay nya. Wala daw pero tulog. Patawa talaga.

“Tay pakawalan mo si Nanay.” Natatawang asar nya sa tatay nya.

“Nyeta ka Elo! Lumayas ka kung lalayas ka!” sabi ni JD.

“Tay di ako lalayas .. may kailangan ako kay Nanay. Suko ka-“

“Ano bay an Elo ang aga aga sigaw ka ng sigaw ..” bumukas ang pinto at nakita nya ang magandang Nanay nya.

“Nay mas maganda ka pa sa madaling araw..” bola nya .

“Elo bilisan mo .. di ako makatulog.”

“Tay wag kang OA wala kay nanay ang unan mo.”

“Wala talaga sa Nanay mo .. dahil nanay mo ang unan ko!” balik sigaw nito.

“Naks galing bumanat Tay ah!”

“Oo .. tamo ikaw naman babanatan ko!” sagot ni Jd.

“Aga aga ang hot mo Taya .. “

Sinara na ni Asha ang pinto at hinarap si Elo.

“Ano ba yun Elo?”

“Nay si Miyu nagtext handaan mo daw sya ng gamit nya ..”

“Yun lang ba?” tanong ni Asha.

“Saka ako din po hehe ..”

“O sya sige .. aayusin ko na .. “

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon