여섯: Six

899 66 11
                                    

여섯: Six

Confidence is silent. Insecurities are loud.

Chapter Song: Holler by TTS
---

Yoon-ah's Point of View

Sinamahan ako nung dalawa sa may locker room. Bawat isang estudyanye dito ay may kanya-kanyang locker. Naglagay ako ng ilang libro para hindi maging mabigat ang bag ko.

May ilang students na lumapit sa amin. "Jung, heto ang para sa inyo." pagtawag nung isa kay Jess. Kinuha ni Jess yung flyers. "Malay mo naman pero imposible." Ano ibig sabihin non?

Umalis naman na yung mga kaklase namin. Napairap naman yung dalawa kong kasama. Ibinigay nila sa akin yung parang pamphlet.

'Are you the one?' Yan lang yung nakalagay sa entire page. Nag-aksaya pa sila ng papel para lang dito.

'Maybe you're just seeing not looking.' Nalagay sa pinakababa nung papel. Ibinigay ko naman kay Leesa yung papel. Napabuntong hininga lamang siya habang pinakita sa akin yung papel.

"It's just a silly tradition of this school. Ang alam ko ay halos 3 taon na ginagawa pero walang nangyayari." paliwanag ni Leesa sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "Kilala mo yung pitong lalaki? Sila ang BTS. Bulletsproof boyscouts. Bawat taon ay pinakakawalan nila ang hayop na nagrerepresent sa sin nila. Kapag nahanap ka ng hayop na iyon ay ikaw na ang nagwagi."

Nagwagi talaga?

Tumawa naman ng mahina si Jess. "Last year, it's Jin's turn. His sin is represented by a serpent. Jusko day, walang may gustong makakita non hahaha."

Nakipag high five siya kay Leesa. "At unfortunately, walang tao ang nakakakita ng mga hayop na iyon." dagdag pa ni Jess.

Pumalatak naman si Leesa. "Pero this year, it will be a chaos. Dalawang tao ang ginawa nilang marerelease ng representative nila. Lahat ng tao ay handang magkagulo."

Nakikinig naman ako sa bawat sabihin nila. Astig din pala dito pero nakakaloka. Ang hirap mag adjust sa kung anu-anong ginagawa nila.

"It's Jungkook and Taehyung's turn." bulong ni Jess sa akin.

Medyo nagulat naman ako sa sinabi ni Jess. Bakit sabay sila? "At alam mo ba ang animal na ilalabas nila?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya. "Hindi din namin alam eh wahahaha."

I sighed. Baliw din itong si Jess. Nagkibit-balikat naman ako. Mukhang malaking gulo nga ang mangyayari.

Sinigurado ko na hindi kami magkikita nung mga lalaki na iyon. Nakarating namam ako ng matiwasay sa dorm naming tatlo.

Kailangan ko palang mag hanap ng part time job. Hu, saan ako maghahanap? Kinalabit ko naman si Leesa. "Bakit?" tanong naman niya sa akin.

'May alam ka bang pwedeng kuhanan ng part time job?' I wrote at the piece of paper. Mataman niya akong tiningnan.

"Yoon-ah?" She asked me. "Hmmm, kailangan mo talaga ng part time job?"

Tumango naman ako. I needed it para may ipon din ako papaano. Inilahad naman niya yung kamay niya. "Phone mo." She said.

Binigay ko sa kanya yung phone ko. "Dyan tayo mag-usap. Ikaw talaga!" iling na sabi niya sa akin. "I know a part-time job. Samahan nalang kita this week para makita mo."

I nodded at her. 'Thank you.' I mouthed to her. Yinakap naman niya ako in return. Aish, ang sweet talaga nilang dalawa ni Jess. I smiled at the thought.

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now