서른하나: Thirty One

436 32 14
                                    

서른하나: Thirty One

---

if i told you
everything
that was on my mind,
would it make a difference?

---

«Yoona Im Point of View»

It's been a week. Simula nang bumalik kami ay parang may nagbago. Bumalik na ang lahat sa dati. Mas okay naman yung ganito. Hindi ko na kailagan mag-alala.

Hindi nga ba Yoona? Ang gulo ng utak ko.

Nakita ko na paparating yung si Park at Hosoek. Mukhang pupunta sila sa dance studio nila. Nang makita ako ni Hosoek ay tumigil siya at tumango. Park didn't bother to look at us. Parang wala lang siyang nakita.

"Anong drama nila?" pamaya-mayang tanong ni Leesa. "Silent treatment?" takang tanong niya habang pabalik kami sa dorm namin.

Ano nga bang nangyari?

"They are being their usual self." sagot ko naman. "Matagal na silang ganon, hindi ba?" pagkompirma ko naman.

Nagbihis naman kami. Free day namin ngayon. Tumayo si Jess at pagbalik niya ay inabutan niya kami ng kutsara. "Dahil dyan, kumain tayo ng ice cream." She said with a grin. Habang kumakain ng ice cream ay nanood na din kami ng movie.

"By the way, malapit na yung Christmas break." Leesa said with a smirk. She hits the pause button ng pinapanuod naming movie. "Saan tayo magbabakasyon?" She asked.

Napatingin naman ako sa kanila. "Ahm dito?" takang tanong ko. Hindi naman yata kami makakaalis ng Academy.

Jess laughed. As in malakas siyang tumawa. "Sira ka talaga Yoong. Pinapayagan umuwi kapag Christmas break." paliwanag niya. "May resort yung Tita ko. Gusto niyo dun?" alok niya sa amin.

Napaupo naman si Leesa. Mukhang naging excited na siya sa narinig niya. "Yun ba yung maganda yung view?" tanong niya. "Pwede din! Nakakaexcite naman ito! G ka ba Yoong?"

I smiled. "Okay lang naman. Hindi ba nakakahiya sa Tita mo?" takang tanong ko sa kanya.

Jess smiled. "Sus. Ilang linggo na niya akong kinukulit kaya pumayag na ako. Free naman ang stay doon." She explained. "Mag exchange gift kaya tayo?"

"Oo nalang Jess. Tayong tatlo no? Ang saya." sabi naman ni Leesa kaya napatawa naman ako. Yung expression kasi ng mukha niya yung nagdala.

"Edi isali natin yung powerfuff girls." suggest naman ni Jess. Agad kaming umalma ni Leesa. Naiisip ko palang ay parang sumasakit na yung ulo ko sa mga nangyayari. "Hala sorry Yoong."

I nodded. "Okay lang ako." sagot ko naman. Wala na nga akong maramdaman nitong mga nakakaraang araw. I don't know of that's a good thing or not. "Mas okay na din yung silent treatment nila."

I sighed. Pagod na pagod na ako sa mga nangyayari. "Bakit Yoong? Bakit mas okay?" tanong sa akin ni Leesa.

I smiled sadly. "Ayokong maging attached sa kanila. Baka kasi sa bandang huli, bigla nalang silang mawala." paliwanag ko naman. Nakita ko naman na nakikinig na yung dalawa sa akin. "Remember, I ran away from home."

I needed to tell them the truth. Ayoko nang tumakas.

"Nasabi mo nga sa amin." Jess replied. "Okay lang ba na magkwento ka?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at nagsimula na magkwento. "I ran away from home when my parents died." panimula ko. Nakita ko na natigilan silang dalawa. I know that stares. Matagal ko nang natanggap ang mga ganoong tingin.

"I am home schooled. Ni wala akong naging kaibigan sa buong buhay ko. I am used to that feeling. Then nagbiro ang tadhana at sinubukan ako. That night came. I can sense na may hindi mangyayaring maganda pero hindi ako nagpaapekto. Nagkamali ako. Pinasok kami ng mga armadong lalaki. Ang bilis ng mga pangyayari.."

I don't know if I have a gift or a curse. Nakakabasa ako ng aura ng mga tao pero kahit na may ganoon akong kkakayahan hindi ko man lang nailigtas ang pamilya ko. Tinanggal ko yung contact lenses na suot ko.

I am really different from other people.

Biglang pumatak ang mga luha ko na matagal ko nang pinipigilan. I am not an open book. Each one of us has a chapter that we don't read aloud. "My mom said that I should run away pero kahit ganon ang ginawa ko ay hindi pa rin ako matahimik. I am hunted by those memories until now. Naduwag ako dahil hindi ko nagawang tulungan ang mga magulang ko." 

Yinakap nila akong dalawa. I really cried this time. Nahihirapan na akong magpanggap na kaya ko. All my life, hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan. Pero habang nagkakaroon ako ay parang gusto na naman silang kunin sa akin. "It will be okay.." I heard Leesa said.

"He's here.." bulong ko naman. Hindi na magiging okay ang lahat.

"Sino?" tanong agad sa akin ni Jess. Bahagya niya akong hinarap sa kanya. "Yoona, may hindi ka ba sinasabi sa amin? Sino yung humahabol sayo?"

"My parents' murderer." mabilis kong sagot. "We've met. Muntik na niya akong mapatay pero may tumulong sa akin." pag-amin ko naman sa kanila. Naramdaman ko na mas himigpit yung yakap ni Leesa sa akin. I hugged her back.

"Hindi namin hahayaan na masaktan ka niya. Tandaan mo yan." I looked at Jess. Her words really comforted me.

"Yeah! Bakit namin papayagang masaktan ang prinsesa namin? We can help you, you know." Leesa said. "Kailangan ulit natin ng back-up."

"Comeback niyo Leesa?" Mukhang inaasarna naman ni Jess si Leesa. Nakita ko na nalukot ang mukha ng kaibigan ko. "Uy bet niya na magcomeback."

Napatawa naman ako. Thanks to them at gumaan ang pakiramdam ko. Ang tagal ko nang gustong sabihin sa kanila iyon. Mas nakakahinga na ako ng maluwag sa ngayon. "Guys thank you." I said with a small smile. "Sobrang swerte ko at nakilala ko kayo." pag-amin ko naman.

Ginulo naman nila ang buhok ko. "Ikaw pa ba? Ang lakas mo sa amin." Jess said with a grin. Pinagpatuloy  na namin ang naudlot na movie.

"Pero yung mga manok, wala nang pag-asa?" Napatingin ako kay Leesa. "Diba natin silang gagawing fried chicken?"

Hindi pa yata sila tapos sa mga alagang manok nila. "Nasaan ba yung mga alaga niyo ng makilala ko naman." sabi ko sa kanilang dalawa. Instead na sumagot ay puro tawa lang ang narinig ko. "Sige, ang saya talaga."

Hindi pa rin sila tumigil. "Wahahaha! Epic talaga. Nakasama mo na nga yung is--" Tinakpan naman ni Leesa ang bibig ni Jess. "Bastos ka talaga!"

"Bastos, nakahubad!" pang-aasar ni Leesa. "Hayaan mo Yoong. Malapit muna silang makilala. Pero for now, mag eevolve muna yung mga manok."

Nagtaka ako sa mga sinasabi nila. I can't read between the lines of their story. "Anong mangyayari sa kanila?" pagsakay ko na lamang sa trip nila.

They smirked. That sync is scary. Kinilabutan nga ako ng sabay silang ngumisi. "Gagawin namin silang dragon." Jess said.

"O kaya angry bird." Leesa suggested. "Ano ba mas okay?"

Nailing nalang ako sa kanila. Patuloy pa din sila sa pagtatalo na dalawa. I closed my eyes for a second then smiled. "I hope that everything will be okay." bulong ko sa isip ko.

Kahit na alam kong malayo pa ako sa katotohanan na iyon. Sa ngayon, yun muna ang panghahawakan ko.

---

A/N: Kalma. Darating tayo doon.

Why is Hosoek so damn fine? My hearteu.

Laters XX

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now