열넷:Fourteen

806 67 14
                                    

열넷: Fourteen

People

Who hide
Their feelings
Usually care
The most

---

A/N: Do check out Touch of Twilight in my works. Yooo

----

Yoon-ah's Point of View

Hindi ko pa buong nakwento sa kanila yung nangyari sa akin dahil kinailangan na naming bumalik sa dorm. They insisted that I will just stay at the dorm to rest pero mas lalo akong hindi mapapakali doon.

Kaya ang ending namin ay pumasok kami sa klase.

"Ang kulit mo! You look really pale!" Leesa said while pointing out my face. "Ang kulit mo Yoon-ah." She said while slightly shaking her head. Tinulungan niya akong palitan yung bandages ng mga sugat ko.

I winced in pain. "I'm fine, Leesa." sabi ko sa kanya. Diniinan naman niya yung paglalagay ng bandage kaya napasigaw ako. "Yah! Walang personalan." natatawang sabi ko. Inirapan nalang niya ako.

Si Jess naman ay tinulungan akong ayusin yung gamit ko. Naikopya na din nila ako ng notes  kasi nga absent ako kahapon. "Wag kang hihiwalay sa amin Yoon-ah." Jess said.

I nodded. Inalalayan naman nila ako pero binawal ko silang dalawa dahil kaya ko naman na tumayo at maglakad. Hindi naman ako nawalan ng body parts kaya nagfufunction pa naman ako.

We missed the morning classes kaya sa afternoon class na kami pumasok. Mabuti nalang at wala yung tatlong babae na lagi kaming hinaharang dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sagutin sila.

"Don't worry. May lakad yung power puff girls kaya waley sila dito." Leesa whispered beside me.

I chuckled. She likes giving nicknames to the three girls. Dumating naman yung teacher namin at nagbigay siya ng lecture sa amin. I tried to focus on what she's teaching.

"May hinahanap ka ba?" pang-aasar ni Jess. I shook my head. "Indenial." Hindi ko na masyadong narinig yung mga sinabi niya.

Nagpatuloy sa pagdiscuss yung teachers namin. Ilang lessons din ang natapos namin nung time na iyon. Hindi naman ako magtataka kung na hindi pumasok yung pitong lalaki kasi sabi nga nila na hindi naman sila madalas umattend ng class.

Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko kapag nagkita kami. Nakikita ko naman na hindi sila masamang tao. In fact, yung iba't ibang characteristics yung nagbibigay ng balance sa kanilang pito.

Nang dumating na ang oras ng uwian ay agad na kaming lumabas ng classroom. Pansin ko din yung mga titig na binibigay ng ibang estudyante sa amin.

"Don't mind the stares." Jess whispered while we are walking along the hallway. Hawak niya yung braso ko habang si Leesa ay nakaangkla sa kabilang braso ko. "They found out that you're the special girl of Bangtan."

Kumunot naman ang noo ko. I looked around to see if there are still students who are watching us. Nang wala na akong makita ay bumaling ako kay Jess. "What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Naalala mo yung may nagbigay sa atin ng flyers? Sabi nila na imposible na may makakita ng representation pero nagpakita sila sayo." Leesa explained to me why students were looking at us as we passed by the hallway. "Sabi nga na may tenga ang lupa. May pakpak ang balita."

I sighed. "I'm doomed? What if malaman nung tatlong babae?" pamaya-mayang tanong ko habang pauwi kami sa dorm para magpalit. Nag insist sila na pumasok na din sa part-time para may kasama ako. "They will surely make my life a living hell."

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon