스물일곱: Twenty Seven

518 45 2
                                    

스물일곱: Twenty Seven

---

honest feeling
and
bad timing
make the most painful
combination.

chapter song: waste it on me by bts

---

« Yoon-ah's Point of View»

"Don't give me that look." I said to him. Kanina pa niya ako tinititigan. Kasalukuyan kaming nakaupo malapit sa dagat. "Masakit talaga ang paa ko."

He looked at my feet. "Stubborn. You should stay inside." He said.

I rolled my eyes. "Kung di mo sana ako tinakot." bulong ko naman sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya. He looked so calm. "Mukhang okay ka na."

He chuckled. "I am not." sabi naman niya. Anong hindi okay sa kanya? "Are you cold?"

Umiling naman ako. "Okay lang ako. Bakit ka naghuhubad?" takang tanong ko. Inihagis naman niya sa akin yung hoodie niya. Okay na sana kung binigay niya. Ang gentleman talaga. "Salamat."

"Come on, I'll carry you." Nagulat ako ng lumuhod siya at nakatalikod na siya sa akin. "Hop in."

"Wag na." tanggi ko naman. "Saan ba tayo pupunta?"

Bigla naman siyang humarap at hinila ako. Nagulat ako kaya napalo ko siya sa balikat. "Ano ba?!" inis na sigaw ko. Tumayo naman siya kaya napakapit ako sa leeg niya.

"You're killing me." Nang sabihin niya ay napabitiw ako ng hawak sa leeg niya. Bigla nalang kasi siyang tumatayo. "Just relax."

Hindi ako lalong narerelax. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dahil siguro sa lamig kaya ganon. "Hijo!" May isang matandang lalaki ang kumakaway sa amin. Lumapit naman siya sa amin. "Kayo ba ang mag-asawa na bagong lipat dito?"

Napaubo naman ako. "Ah hin--" Hindi pa ako natatapos magsalita ay nagsalita na yung kasama ko.

"Yes. Mag-asawa po kami." Halos kilabutan naman ako ng bitawan niya ang mga salitang iyon. Bahagya ko siyang hinampas sa balikat. "My wife gets shy."

Damn, ugh his choice of words.

Natawa naman yung lalaki. "Nako, okay lang yan. Halika at samahan niyo kami sa konting salu-salo." aya naman niya sa amin. Aaminin ko na gusto kong pumunta kasi may pagkain. "Mukhang gusto ng asawa mo." Tinuro naman niya ako.

"Ah eh.." wala akong masabi kasi nahihiya ako na nahuli niya ako na gusto kong kumain. Nagulat ako at lumakad na yung kasama ko at yung lalaki. "Susundan natin siya?"

Hindi naman siya kumibo. Parang nakikipag-usap ako sa bato. Ang sarap niyang sabunutan.

"Welcome!" Isang babae ang lumapit sa amin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Bagay na bagay kayong dalawa. At napakasweet niyo sa isa't isa."

Sweet? Hindi ko makita kung saan banda. Ibinaba naman ako ni Kim sa isang upuan. Tumabi siya sa akin. "Ngayon lang namin kayo nakita dito. Nakakatuwa naman at napunta kayo dito. Ako nga pala si Maria at siya ang asawa ko, si Fernan."

"Ilang taon na ba kayong mag-asawa?" taning sa amin ni Kuya Fernan. Halos hindi nga ako makagalaw sa sinabi niya. "Mukhang bago palang ang pagsasama niyo. Alam ko na magiging maganda ang magiging anak niyo."

"Po? Anak?" di ko mapigilang isigaw. Inakbayan naman ako nung katabi ko. Siniko ko naman siya.

"Soon we'll have kids." He said. Can he just shut up?

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now