마흔셋:Forty Three

446 22 9
                                    

마흔셋: Forty Three

💜——————💜

«Jess' Point of View»

One week. Isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang bagay na iyon. I've never been so afraid in my whole existence except when it happened.

"Kulang yata kayo." Mataas ang sikat ng araw pero pinapakulo na nila ang dugo ko. The powerpuff girls had rerurned. Syempre, kasama yung kapatid ko sa kanila. Binigyan niya kami ng masamang tingin.

I didn't hate my sister. I just hate the way she treated other people. "Going mute just like her?" tanong ni Seol.

"Nagsalita ang pantay-pantay ang bangs." Natawa ako sa banat ni Leesa. Kanina pa kami wala sa mood tapos sasali pa sila. "Tingin ka muna sa salamin, girl." payo pa niya. Well, hanga naman kasi ako sa bangs ni Leesa. Walang makakatalo sa perfect bangs niya. Hindi nga ito nagagalaw.

She's savage as I am. Magsasalita na sana si si Yeri pero nagsalita ako. "Palaki ka muna neneng." sabi ko naman. Aba, hindi ako papatalo kahit hindi nagkakalayo ang height namin.

My sister glared at me. Mukhang bored na rin sila kasi hindi kumpleto ang Bangtan nitong mga nakaraang araw.

Wala namang nakaalam ng nangyari bukod sa amin kaya mas lalong naging mahigpit yung school dahil sa nangyari.

Hindi na talaga kami makakatakas kahit na gusto namin. Unless ay kami yung pitong kasalanan na iyon. They had the privilege.

Ang unfair diba?

Umalis na kami bago pa kami mapa-away sa tatlo na iyon. Mabuti nalang at wala kaming last subject dahil absent yung teacher namin. Agad kaming bumalik sa dorm namin.

"Girls." bati ni Hoseok sa amin. Nasa tapat siya ng kwarto namin. Nakasandal siya sa pintuan. Hindi ko alam kung paano siya nakaakyat dito. "Let's go." sabi naman niya sa amin.

"Saglit lang. Kunin lang namin ang gamit namin." sabi ko naman. Super bilis naman niya kasing mag-aya. Mabuti nalang at naihanda na namin ang gamit namin. Pumasok kami sa kwarto at binato nalang namin yung bag namin sa kama at kinuha yung nakahanda naming gamit.

"Magkita nalang tayo sa east wing gate." pahabol niya sa amin. Hula ko na ang laman ng bag niya ay puro pagkain. At malakas ang feeling ko na naraid na niya yung ref namin. Mabilis siyang nawala sa paningin namin.

"Ninja ba yun?" tanong ni Leesa. Naglakad na kaming dalawa. Sa east wing nalang kami magkikita. "Mukhang naraid na niya yung pagkain natin." She knew that Hoseok could do that.

Hindi na rin muna kami pumasok sa part-time job namin dahil bukod sa nangyari ay mukhang may trauma pa kami. Tumunog ang phone ko. "Langya, ang kulit ni Daniel." wala sa sariling sabi ko.

Hindi ko alam pero alam na niya yung nangyari kay Yoon-ah. Medyo nag-aalala ako kasi malaki ang possibiliy na kasama rin sa gang si Daniel. Paano kung may away na ganito?

Baka ikamatay pa namin ng maaga ng mama niya kung may mangyari sa kanya.

Nakita ko si Leesa na busy magsulat. Sinilip ko naman ito. "Scoreboard ba yan?" di ko maiwasang itanong. Alam ko naman kung para saan yun. Hanggang ngayon ay walang sumusuko sa aming dalawa  sa paglalaban ng manok namin pero parang alam naman namin ang ending nito.

Nakarating na kami sa east wing. Nakita naman namin na prenteng nakatayo sa pinto ng kotse si Yoongi. "Kung siya yung magdrive, pass ako." sabi ni Leesa. Agree naman ako sa sinabi niya. "Baka pag naging bad mood siya ay itapon niya yung kotse. Partida, nasa loob tayo nung kotse." paliwanag niya.

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now