스물여덟: Twenty Eight

550 46 5
                                    

스물여덟:Twenty Eight

---

everything will
be good soon
just hang in there
and
don't worry too much
about it.

chapter song: love maze by bts

---

«Leesa's Point of View»

"Are you sure this is the right place?" tanong ni Jess sa mga kasama namin. Ang nakikita ko lang kasi ay puro puno. How did we end up in here?

Itanong mo sa mga kasama namin. Jusko! Wala silang awa! Wala akong tulog dahil nga nanonood ako ng k-drama. Bigla nalang silang pumasok sa kwarto namin. Akala ko nga ay katapusan na naming dalawa ni Jess.

Mga 4 am palang ay umaalis na kami sa school. Hindi ko rin alam kung pano kami nakaalis ng school kasi alam ko nga ay bawal pero wala eh. Sila ang mga hari kaya ganon. "Leesa, matulog ka muna." sabi naman ni Jess.

I sighed. Palibhasa ay nakakaone week na yata siyang tulog. Yung mga kasama ko ay tulog pero yung mga candidates na manok ay gising. Kinuha ko yung phone ko para manood nalang since yun naman ang ginagawa ko kanina pa.

"Sure ka ba dito Jimin hyung?" rinig kong tanong ni Jungkook. Kanina pa yan na hindi mapakali dahil nga isa siyang manok!

"I'm not sure but let's see." Napatanga naman ako sa sagot niya.

Ang labo mga bes, at yun ang malinaw!

Tiningnan ko yung phone ko dahil hahabol pa yata kami sa halloween dahil malapit na nga yung halloween. Kung tama man si Jimin sa hula niya ay sure akong lagot siya kay Taehyung.

Ah basta labas ako sa usapan nila. Hindi man lang kasi nag update si Taehyung kung nasaan silang dalawa. Hindi naman ako nagrereklamo pero namimiss ko na si Yoona bebe namin.

"Kanina pa tapos yung pinapanood mo." Napalingon ako sa sinabi ni Hoseok. Tiningnan mo naman siya. Parang pamilyar yung hawak niya. "Sayo tong pagkain na to. Panood  nga ng next episode." Mas lalo naman akong napanganga sa sinabi niya.

I clicked the next episode at sabay na kami nanood ni Hosoek. Ibang klase! "Bakit ganon? Diba pwedeng siya yung piliin ng female lead?" Nakikinood din pala si Jimin.

"Hindi pwede? Second male lead siya. " sagot ko naman sabay nood ulit. "Tsaka isa lang ang para sa female lead. Kaya nakakalungkot pag may second male lead."

"Pano yung male lead ay hindi pala siya yung makakatuluyan?" Yoongi asked. Wow ha, nagsasalita pala siya. Kinakausap niya ba kami?

"That's what you call a plot twist." Namjoon said. Napatango nalang kami sa sinabi niya. "Tingin mo ba sino ang male lead?"

Napatikhim naman si Jimin. "Nako hyung, you asked the wrong question. Baka gusto mong magpatayan yan." Napalingon naman ako kay Jess na super tulog! Hindi ko alam kung dapat ba akong makinig sa usapan nila. Masyadong brutal! "Let's ask Leesa. Sino ang male lead?"

Holy black pinkeu! Bakit ako nadamay? Napalunok ako sa tanong nila. "Ahm, saan bang male lead?" tanong ko naman. Gusto ba nilang magsabi ako ng totoo?

"Kay Yoo--" tinakpan naman ni Namjoon yung bibig ni Hosoek. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Alam ko na yung male lead ng k-drama na pinapanood ko pero hindi ko alam kung siya yung makakatuluyan. Baka kasi may plot twist. Pero yung female lead pa din naman ang mamimili sa huli." paliwanag ko naman.

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon