마흔둘: Forty Two

481 34 16
                                    

마흔둘: Forty Two

I grew a flower that can't be bloomed
In a dream that can't come true

-Fake Love

💜———————💜

«Leesa's Point of View»

I am literally dying inside. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil kanina pa nawawala si Yoon-ah. Sana pala ay sinamahan ko na siya kanina.

Nakasakay kami sa kotse ni Taehyung. Hindi siya nagsasalita kaya lalo kaming natatakot ni Jess. Seryoso lang siya sa pagdrive ng kotse niya.

Mabuti nalang at may tracker yung phone ni Yoon-ah. Mas madali namin siyang mahahanap. "She'll be fine." bulong naman ni Jess sa akin. Yinakap ko naman siya. I hope she will be fine.

Napahinto kami sa isang bahay. "Stay here." Inabot ni Taehyung yung phone niya sa amin. "Call my hyung." sabi niya at bigla nalang nawala.

I opened his phone. Napasinghap nga kami ni Jess sa nakita namin. Kung di lang kami nasa seryosong sitwasyon ay baka nagfangirl kaming dalawa.

Yoon-ah's his lock screen.

He's damn whipped. That's for sure.

"Taehyung, wher--" Hindi na natapos ni Seokjin ang sasabihin niya dahil nag-umpisa na si Jess na magsalita.

"Can you help us? Nasa kotse kami ni Taehyung. Tinulungan niya kaming hanapin si Yoon-ah. Nilock niya kami sa kotse niya. Napakanice ng kaibigan niyo." naiinis niyang sabi. She's really worried about her.

Wala tuloy kaming magawa kundi ang maghintay sa kanya. Agad namang namatay yung tawag. "Bastos din talaga yun." Jess said with a sigh.

"Papunta na sila." Yun na lamang ang nasabi ko. Sana ay maging okay na si Yoong. Hindi ko alam kung anong gagawin namin kapag may nangyari sa kanyang masama.

She's like a sister to me and Jess.

We like to protect her. Madami na siyang pinagdaanan. Hindi na sana madagdagan iyon. She can lean on us this time "Nakapabait talaga non. Nilock tayo!" inis na inis na sabi ni Jess.

Kinakabahan ako dahil mag-isa lang si Taehyung sa loob. Hindi namin alam ang gagawin kapag may nangyari sa kanyang masama.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may nakita kaming kotse na dumating. Nagmamadaling tumakbo papasok ng building sila Seokjin. Kasunod niya sila Namjoon. "They are scary." bulong ko naman. Iba narin ang mood ng maknae line. Parang anytime ay kaya nilang manakit ng tao.

Nilagpasan lang nila kami. "Ano pa nga ba ang aasahan natin?" sabi ni Jess habang nakasandal sa akin. "Mga snob, hanep." she mumbled.

Gusto ko mang itayo ang bandera naming mga babae pero paano? Hindi nga kami makalabas sa nakalock na kotse. Ang nice diba?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig kami ng putok ng baril. Hinawakan ni Jess ang kamay ko. She's crying right now. Hindi na maganda yung mga nangyayari ngayong gabi.

Ayokong may masaktan sa kanila. Naging mabuti naman sila sa amin kahit na may reputasyon sila sa ibang tao. They are human beings, after all.

Bawat segundong lumilipas ay parang oras na sa amin. Hindi kami mapakali dahil wala kaming idea kung anong nangyayari sa loob. I prayed that everything will be alright.

Pwede bang maging maayos ang lahat kahit ngayon lang?

---

«Third Person's Point of View»

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon