스물여섯: Twenty Six

658 55 11
                                    

스물여섯: Twenty Six

---

she's the type of flower
that can still grow
after a forest fire.

chapter song: fermata by snsd

---

«Leesa's Point of View»

Agad ko namang inilagay yung phone ni Jess sa bulsa ko. Kadarating lang niya mula sa may banyo. "Bakit ganyan ang histura mo? Tumatawa kang mag-isa." puna naman niya. "Saan natin hahanapin si Yoon-ah?"

Mas lalo akong napatawa. "Baka naman safe na siya kasi confident ako na hindi siya mapapahamak." sabi ko sa kanya.

She looked at me. "May alam ka ba na hindi ko alam?" tanong naman niya. Kapag sinabi ko na tumawag si Yoon-ah ay mapupuntahan namin kung nasaan sila. Gusto ko na talagang makita si Yoong pero hindi ako papayag na hindi silang mag-enjoy na dalawa ng manok ko.

"Aba'y wala." tanggi ko naman. Alam ko naman na natawagan na ni Taehyung yung mga kaibigan niya. Wala pa ding pahinga yung anim kahahanap doon kay Yoon-ah. "Don't worry Jess. Maghintay nalang tayo ng balita. You know the seven guys, hindi nila pababayaan yung kaibigan natin."

Tumayo naman ako st sumunod siya sa akin. "Anong ginagawa mo?" tanong niya. Kinuha ko kasi yung maleta at naglagay ako ng ilang damit. "Aalis ka ba?"

I chuckled. "Yeah, pero sasamahan mo ako." Nagtataka man ay naghanda na siya ng damit. "Bring swimsuits and everything." Kinuha ko din ng damit si Yoon-ah pero alam kong malalagot ako sa kanya kasi ako yung namili ng damit niya.

Taehyung said that we can go there. Susnduin namin si Yoong pero di pa sa ngayon kasi nga, alam niyo na yun. Maghanda laman kami na dalawa ni Jess. Pero alam kong may isang lalaki na hindi mapapakali since kasama nung hyung niya yung babaeng gusto niya.

Jungkook is known for being a playful guy.

Yung tipong flappy bird love affair.

Mahawakan lang niya yung babae ay hulog na ito sa kanya. He enjoys himself so much. Pero nagulat kami ng magstick siya sa tabi ni Yoong.

He really changed but this time for the better.

Kahit na manok ko si Kim Taehyung ay natutuwa naman ako sa pagbabago ni Jungkook. Mas lalo tuloy akong nalilito kung sino na nga ba ang manok ko.

Pero loyal pa din ako sa manok ko hehe.

"Malala ka na." I heard her say. Sinunod naman niya yung utos ko na maglagay ng damit sa maleta.

Tunog ng doorbell ang nakapagpatigil sa aming dalawa ni Jess. She looked at me. I sighed. "Feeling ko ay alam ko na ang bisita natin." sabi ko sa kanya.

Sabay na kaming pumunta sa may pinto para tingnan yung nag doorbell. Pagkabukas ng pintuan ay kaagad namang pumasok si Yoongi.

Feel at home ang lolo niyo. Nagkatingnan lang kami ni Jess. He looked like he didn't sleep for a day. "Where's she?" tanong niya sa akin. Umupo naman siya agad sa upuan na nakita niya.

Sumunod pa ang ibang Bangtan members. Mas lalo kaming naloka kasi may dala din silang mga maleta. Saan ba sila pupunta?

"I know that look Leesa. Nasaan sila?" Namjoon asked me. He's eyeing me like I know everything. Wala akong alam ha.

Tinuro ko ang sarili ko. "Teka, bakit ako?" takang tanong ko sa kanila. "Wala akong alam diyan." Wala naman talaga akong alam guys. Ang alam ko lang ay na kay Taehyung si Yoon-ah at wala nang iba pa.

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon