PROLOGUE

235K 2.6K 320
                                    

(REMIND KO LANG NA ITO ANG LAST SERIES NG LIMANG STORIES NATIN AT KUNG GUSTO NIYO SIMULAN SA ATING UNANG STORY, THEN CHECK THIS OUT.)

*SERIES #1>JAKE MONTERELAOS(YOU ARE MINE)

*SERIES #2>BLAKE MONTERELAOS(FIGHT FOR YOU)

*SERIES #3>JADEN MONTERELAOS(DEEPLY IN LOVE)

*SERIES #4>DYLAN MONTERELAOS(TINAMAAN AKO SAYO)

*SERIES #5>KIERO MONTERELAOS(BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUS)

WARNING: EXPLICIT.
(Many involve themes not suitable for minors. Read at your own risk.)

((Ito na ang last series ng ating ADONIS BEAST OF STARS members.))

SERIES #5
KIERO MONTERELAOS

***

".RICHEL...R-Richel...?"

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na sigaw ng nanay ko sa aking pangalan mula sa labas ng aking munting silid.

".Inay naman eh! Natutulog ang tao. Mamaya niyo na ako gisingin."Naiinis na sambit ko sabay takip ng unan sa aking mukha.

".Richel lumabas ka dyan bata ka."Halos gibain na yata ni inay ang pinto ng silid ko sa lakas ng hampas nito.

Sa sobrang inis ko napilitan akong bumangon upang lapitan ang nakasarang pinto na hindi naman naka lock dahil wala naman talagang lock itong marupok na pinto.

Nakapagtataka lang na ayaw pang pumasok ni inay eh madalas naman siyang pumasok sa kwarto ng walang pasabi.

".Inay naman,pwede naman kayong..."Natigilan ako ng makitang nakaupo sa sahig ang aking ina.

Nanghihina siya at pinagpapawisan ng malagkit. Sunod-sunod din ang paghinga niya ng malalim kaya nataranta na ako.

".Inay? Inay? Anong nangyayare sa inyo?!"Nag-aalalang tanong ko sabay luhod sa tabi niya.

Umangat ang kamay nito at pinatong sa maliit kong balikat.

".R-Richel anak, p-puntahan mo si A-Aling Adarna. D-dalhin mo siya dito, b-bilisan mo."Namimilipit sa sakit na usal ni inay.

".Inay naman, ang layo kaya ng bahay ni Aling Adarna mula dito sa atin ah. At saka bakit ko naman siya dadalhin dito?!"Nagsalubong ang makakapal kong kilay.

".Richel! Manganganak na ako. Kaya puntahan mo na si Aling Adarna at sabihin mong manganganak na ako. Dalian mo...ahhhh!"Napapa-kagat labing sigaw na ni inay.

Mas lalo tuloy akong nataranta. Nakalimutan kong ngayong buwan pala manganganak si inay.

".Po? Bakit naman po hindi niyo agad sinabi?!"Wala sa sariling napatakbo ako palabas ng pinto ngunit napa preno ako ng may masagi ang utak ko.

Bumalik ako kay inay na panay ang daing dahil siguro sa nasasaktan na ito.

".Eh inay? Nasaan si Itay?!"Pagkwan ay tanong ko.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon