CHAPTER 2

88.8K 1.6K 63
                                    

"ANONG sabi mo? Hindi kana papasok sa school?"

Hindi makapaniwalang tanong nitong matalik kong kaibigan na si Lyka. Sinabi ko sa kanyang hihinto na ako sa pag-aaral at ilalaan ko nalang ang oras ko sa paghahanap ng pera.

"So ganon nalang? Paano na yong plano mong makapag-aral sa Flexi University? Babalewalain mo nalang ba ang pangarap mong maging magaling na dancer?. Richel naman! Baka nabibigla kalang. Pag-isipan mo ngang mabuti yang sinabi mo!."Napalabing turan niya pa.

Napapabuntong hininga nalang ako.

"Wala na akong magagawa besh! Ito lang talaga ang alam kong paraan para sa pamilya ko. Sila na muna ang iisipin ko bago ang sarili kong pangarap. Mahaba pa naman siguro ang buhay ko, at diba nga sabi nila habang may buhay may pag-asa. Kaya naman hindi ako nawawalan ng pag-asa."Madamdaming tugon ko.

Pinikit ko ang aking mata at dinama ang napaka sarap na simoy ng hangin. Andito kami sa rooftop ng bahay nila.

May kaya ang magulang ni Lyka. Masagana sila sa buhay at nag-iisang anak itong si Lyka kaya lahat ng gusto niya nakukuha niya.

Hindi katulad ko na lumaking salat sa yaman. Pero ganon pa man malaking pasasalamat ko padin dahil may mababait akong magulang.

Sapat na yon para sa akin at wala na akong iba pang mahihiling. Hindi na baleng mahirap kami basta ang mahalaga kompleto at nagmamahalan kaming pamilya.

"Sige kung yan na talaga ang dicision mo wala na akong magagawa. Magkano pala ang utang ninyo? Baka sakaling may maipahiram ako sayo."Bumaba ang tono ng boses niya.

Napadilat ako dahil sa sinabi nito. Tinampal ko siya sa balikat.

"Naku besh! Salamat nalang. Hindi ko matatanggap ang perang i-aalok mo. Magkaibigan tayo pero hindi ko magagawang manghiram sayo ng pera."Seryosong saad ko.

"Pero besh! Seryoso ako. Tutulungan kita, diba nasa hospital ang tatay mo? Hayaan mong tulungan kitang..."Bago pa man niya maituloy ang sasabihin inawat ko na siya.

"Besh tama na. Gaya ng sabi ko ayokong tumanggap ng pera mula sayo. Baka isipin ng ibang tao pineperahan lang kita, at saka kilala mo naman ako diba? kapag sinabi kong ayoko...ayoko."Pagkwan ay tumayo ako.

Hindi na siya nagsalita. Kilala ko ang ugali ng kaibigan kong ito. Napaka matulungin niya at handa siyang tumulong kapag ginusto niya.

Ngunit alam din niya na ako yong tipo ng tao na di basta-basta tumatanggap ng pera sa kahit na kanino kung hindi ito galing sa sarili kong pawis.

"Sige na nga! Suko na ako. Hindi na kita kukulitin, anong plano mo ngayon?!"Tumayo din siya at lumapit sa akin.

"Luluwas ako ng maynila. Doon ako maghahanap ng pera."May determinasyong sagot ko.

"Ha? Di nga!"Umawang ang kanyang labi. Hindi nito inaasahan ang sagot ko.

"Paalam na besh! Uuwi na ako. Gagabihin na ako eh, dadaan pa ako sa hospital para dalawin si Itay."Pagkwan ay pag-iiba  ko sa usapan.

"Sandali lang!"Humarang siya sa daanan ko. "Linawin mo nga besh? Totoo ba talaga yong sinabi mo na luluwas ka ng Maynila?"Hindi parin siya maka move on.

"Oo nga!"

"Eh diba sabi mo ayaw na ayaw mo sa Maynila kasi maingay at maraming masasamang tao doon?!"Pangungulit niya.

"Noon yon, hindi na ngayon. At saka wala na akong panahon para mag-inarte. Kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho."Sumagi sa isip ko ang kasunduan namin ni Aling Gurang.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon