CHAPTER 52

46.7K 928 107
                                    

((WARNING: Short SPG))

Author: Hisashiburi everybody! Hehe namis ko kayo.😉

*ONE YEAR LATER...*

"HMMM...!"Napaungol ako ng mahina at naalimpungatan.

Pakiramdam ko parang may mainit na bagay na dumadampi sa likod ko.But the feeling is so good. Nakikiliti ako na ewan, parang gustong-gusto ko ang bagay na yon na gumagapang sa bawat parti ng likod ko.

Paakyat sa aking batok, pababa sa aking shoulder and...

"You are enjoying this huh?!"

Napamulat-mata ako ng marinig ang isang napaka pamilyar na baritonong boses na nagsalita mula sa aking tainga.

Napangiti akong tumuwid ng higa paharap sa taong may-ari ng tinig na iyon. Unang sumalubong sa akin ang hindi nakakasawang ngiti sa kanyang mapulang labi for a man like him.

"Nakow naman ang asawa ko lang pala, ke aga-aga naglalambing na."Namamaos pa at malambing na ani ko sabay hila sa batok nito dahilan upang mapadagan sya sa aking ibabaw.

"Kanina pa kita ginigising pero ang hirap mong gisingin!"Maamong tinig na tugon nito sabay himas sa aking magulong buhok.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Paano naman ako magigising eh kesarap ng tulog ko at isa pa ilang gabi na din akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa isa sa mga anak namin.

Mahigit isang taon na rin kaming magkamasa bilang mag-asawa nitong mahal kong asawa na dati kong boss. Napaka bilis ng panahon, parang kailan lang noong mga panahong boss and servant pa lamang ang relasyon namin sa isa't-isa.

Pero ngayon, kami ay mag-asawa na at may sarili ng pamilya.

"Sorry na mahal, alamo naman na ang hirap patulugin si Trevor eh dahil sa sipon niya. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahaba kaya pagpasensyahan mo na ako ha!?"Nakangusong usal ko.

Napalitan ng lungkot ang kanina'y nakangiti nyang expression.

Pinaka titigan nitong maigi ang aking mga mata at kapagkwan ay dahan-dahan nito akong hinalikan sa labi.

Halik na dampi lamang pero matagal.

"It's okay, i understand my wife."Pabulong at namamaos na anito."Ako na bahala sa kanya mamayang gabi."Dagdag nya pa.

I smiled at him.

Mukang bagong ligo ang mahal kong asawa dahil sa napaka preskong amoy niya.

Langhap ko masyado ang napaka bangong hininga niya na nakakabusog. Napaka perpekto talaga ng asawa kong ito kaya nga masasabi kong napaka swerte ko.

Hindi ko akalain na ang dating masungit at bugnuting señorito Kiero Monterelaos ay may ganitong katangian din pala.

Napaka dami na rin ang nagbago sa kanya simula ng kami ay makasal at magsama sa isang bubong bilang mag-asawa.

Hindi na sya laging bugnutin at lagi na itong nakangiti na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

He is a great husband and a good father for our triplets. He never missed to take care of our kids. Lagi niya ito inaalagaan kapag may pinagkakaabalahan ako or kapag gusto nito akong magpahinga.

Kahit naman may mga yaya na ang triplets namin ay hindi nito gusto na ipaubaya nalang ang lahat sa mga yaya's. Gusto niya bilang lalake ay mapanindigan nito ang kanyang tungkulin bilang isang asawa at ama para sa mga anak namin.

Isa siyang kahanga-hanga bilang isang asawa at ama ng mga anak ko. Mas marami pa nga syang alam na bagay tungkol sa kung paano alagaan ang mga bata kesa sa akin eh.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon