CHAPTER 33

54.8K 1K 83
                                    

☆Mga mahal kong readers🤗 I'm so sorry for the late update again🙁. Busy lang talaga si Author na makulit😊.☆Saranghae Meeena😘

NAALIMPUNGATAN ako ng tumunog ang aking alarm clock.

Mabilis akong bumangon saka dali-daling lumabas ng kwarto deretcho sa kabilang kwarto kung saan naroon ang kapatid ko.

Kailangan pa kasi siyang gisingin dahil napaka hirap niyang magising. Kahit siguro magunaw ng ang mundo ay wala parin siyang pakialam.

"Uy, Inigo...gising...gising,umaga na oh, may pasok kapa."Inalog-alog ko ang maliit nitong braso.

Ilang sandali pa dumilat na ang bilog nitong mga mata.

"Ate? Inaantok pa ako."Paos na boses nitong anito.

"Hindi pwede,  ang haba na nga ng tulog mo eh. Kailangan mo nang maligo, dali...mahuhuli kana sa school. Bangon na!"Sapilitan ko siyang pinababa sa kama.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos ko. Pumasok na rin siya sa banyo para maligo.

Nag dash naman akong lumabas nang pumitik sa aking isip na gagawa pa pala ako ng agahan.

Walang lingon-lingon akong nagmartsa patungo sa kusina ngunit napapreno ako ng mapansin na napaka linis ng sala.

Wala ring katao-tao.

Nasaan yong dalawa?  Hindi kaya, lumayas na sila?

Haka-haka ng isa kong diwa.

Ngingiti pa sana ako dahil sa pag-aakalang umalis na yong dalawa ngunit dumilim ang mukha ko ng makita ang dalawang maleta na nakatayo sa sulok ng sala.

Putik naman oh! Bakit nandito pa sila? Kainis.

Nakabusangot na mukha akong nagpatuloy sa pagmartsa papasok sa maliit na kusina.

Subalit...

"Ehmbb...!"Natakpan ko ang aking bibig ng maramdaman na para bang ako'y masusuka.

Ako'y nataranta sa pagkat diko mawari kung ano itong nararamdaman ko.

Dali-dali akong pumasok sa banyo malapit sa sala at doon sumuka ng napaka rami.

Umulap na ang mata ko dahil sa walang katapusan na aking pagsuka. Napahawak ako sa aking tyan ng di parin tumitila ang aking pagsuka dahilan upang ako'y maubusan ng lakas.

Oh ghad! Anong nangyayare sa akin? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumuka ako ng ganito kaaga.

Hindi pa naman ako kumakain ng kahit na ano, Pero bakit bigla nalang akong sumusuka?

Hindi kaya...?

"Inay ko po! Hindi pwede, paano kung...!"Naudlot ang  bulong ko sa sarili ng may magsalita.

"Are you alright?!"

Lumukso ang aking puso ng marinig ang nag-aalalang boses ni señorito mula sa aking likuran.

Mainam pa ay inayos ko ang aking sarili. Hindi pwedeng mahalata niya ang namumutlang mukha ko.

Tumayo ako matapos kong i flush ang cubicle. Lumapit ako sa sink ng cr, matapos kong maghilamos ng mukha ay walang imik kong nilagpasan si señorito.

Bagamat natigilan ako ng huliin nito ang braso ko.

"Hey brat! I'm asking you if you're alright or not?!"Nandun parin ang pag-aalala sa namamaos nitong boses.

Hindi ko parin magawang tapunan siya ng tingin.

"O-okay lang po ako señorito, sige po magluluto pa ako ng agahan."Tugon ko nang hindi siya hinarap.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon