CHAPTER 22

65.1K 1.3K 177
                                    

ONE WEEK has passed!

At sa loob ng isang linggo na yon ay mas naging mailap ang pakikitungo ko sa aking boss.

Simula kasi ng malaman ko ang totoo ay nagsimula na akong mailang sa kanya at idagdag mo pa ang nangyare sa amin.

Siguro nagtataka na rin siya kung bakit minsan pag nagkakasalubong kami hindi ko siya magawang titigan sa mata.

Mahirap kasing tanggapin ang nalaman ko nung araw na mabuko ko ang katotohanan.

Katotohanang siya at ang misteryosong lalake na nagligtas sa akin noong bata pa ako ay iisa.

Iyong bagay na nakita ko sa gitara niya, yun yong bracelet na bigay ko kay misteryosong guy. Kaya pala malakas ang kutob ko na iisa lang ang pagkatao nila.

Hindi na niya ako naabutan sa silid niya ng mga oras na yon dahil kaagad akong lumabas mula roon at deretchong bumaba patungo sa aking kwarto.

Napaka liit ng mundo para sa aming dalawa.Ngunit kahit papano ay gumaan ang loob ko sa isiping hawak parin pala niya ang bagay na yon.

["Hello...? Anak...? Andyan kapa ba?!"]

Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni inay mula sa kabilang linya.

Ngayon ko lang din sila natawagan dahil masyado na akong naging abala sa trabahong nilaan sa akin ni señorito.

"Inay, nandito pa po ako. Kumusta na si Itay?!"Nagagalak na tanong ko.

["Sa awa ng diyos, magaling na ang iyong Itay. Gusto ka daw niyang makita anak!"]Naging malumanay ang boses ni Inay mula sa kabilang linya.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Masaya ako dahil magaling na ang Itay ko.

"Ako rin po Inay, gustong-gusto ko na rin po kayong makita at m-makasama."Pumiyok na ani ko.

["Aba eh, bakit dika muna umuwi dito? Magpaalam ka sa boss mo. Sabihin mong magbabakasyon ka lang ng ilang araw. Mabait naman ang boss mo diba? Sigurado papayagan ka non."]Turan niya pang aniya.

Napanguso ako at napaisip. Sobra isang buwan na pala akong namamalagi dito sa bahay ni señorito. Malayong-malayo pa ako sa kalahating taon. Tatlong taon pa naman ang kontaratang pinirmahan ko na manatili sa tabi ni señorito.

Kakayanin ko ba ang ganun katagal? Jusko, baka mamuti na ang  balahibo ko sa tagal non.

"Kakausapin ko po ang boss ko, Inay."Pagkwan ay suhestyon ko nalang.

["O sige! Tawag ka lang kapag pauwi kana ha? Para naman makahanda ako ng paburito mong pagkain."]Halata sa boses ni Inay ang tuwa.

Nangingiti nalang ako. Namimis ko na rin kasi ang luto niya,the best parin talaga pag luto na ng isang ina ang pag-uusapan.

Nagpaalaman na kami sa isa't-isa bago ko ibinaba ang tawag. Masyado pang bata ang umaga pero gising na ako para ihanda ang sarili na lumayas sa bahay upang hindi ko makasalubong si señorito.

Sinabihan ko din ang taga sundo ko na maaga siyang pupunta dito para maaga akong makaalis.

Dali-dali akong lumabas ng silid bitbit ang heels na susuotin ko.

Paglabas ko sa pinto nakahinga ako ng maluwang dahil walang señorito na sumalubong sa akin.

Ganun padin kasi ang routine niya. Umaalis siya ng bahay kapag gabing-gabi na kung kailan ako naman ang pauwi.

Sa umaga naman siya uuwi at sa umaga rin ang alis ko.

Mabilis akong humakbang palabas ng gate ngunit laking gulat ko ng makitang wala ang kotse na laging sumusundo sa akin.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon