CHAPTER 49

56.6K 1.3K 124
                                    

HERE WE GO!

DAYS HAS PASSED.

"GOD DAMN IT! CAN YOU GUYS FUCKING LEAVE US ALONE?"

Nakapamewang na bulyaw ni señorito mula sa nakabukas na pinto. Pawisan siya at ang gulo ng buhok niya.

Ngunit hindi siya tinapunan man lang ng lingon nitong mga taong nakapalibot sa kama kung saan ako nakahiga.

"Geez! You're so fucking loud, man. You don't have to shout alright, we're not deaf ya know!"Kampante na tugon ni Dylan habang kinakalikot ng hintuturo nito ang butas ng kanyang tenga.

Napapailing nalang iyong mga katabi niya na si Jake at Blake na nakaupo sa mahabang couch nitong silid malapit sa  pinto.

"Tch! Look at you man, you are easy to anger and you can't control your temper. Calm down man!"Pagpapakalmang turan naman ni Jaden sa pinsan nitong umiigting ang panga sa galit.

"Oo nga naman Kiero, masyado kang high blood dyan eh. Hindi naman namin aagawin sayo si Rich at saka masosolo mo din sya kapag nakaalis na kami."Sang-ayon naman ni Suzana na nasa tagiliran ng kama malapit sa gawi ko.

"Baka kaya mainit ang ulo niya ay dahil simula ng magising si Rich eh tayo nalang lagi ang nakakausap at nakakasama niya"Pigil tawa naman na ani Skylar.

Hindi rin naitago ni Viola ang pagtawa nito ng mahina dahil sa tugon ni Skylar.

"Sa bagay hindi naman natin siya masisi kasi nga special na babae itong si Richel para sa kanya eh. Biruin mo yon di pa nga sila kasal may anak na sila at triplets pa. Naks, ang lakas ng kamandag mo Kiero."Kantyaw naman ni Suzana kay señorito."Magpinsan nga kayo ni Jake."Sinulyapan niya ang asawa na kanina pa walang imik sa sulok.

Muli silang nagtawanan ng mapaiwas ng tingin si señorito sabay kamot sa ulo nito. Ako naman ay kanina pa pinamumulahan dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Tsk! I'll give you 10 minutes to be with her and after that...Makakaalis na kayo."Irritated nitong anunsyo saka padaskol na lumabas mula sa nakabukas na pinto.

Lihim nalang akong napangiti sa kanyang inakto.  He is so mad at these people.

"Zana! I'll wait for you outside. Hurry up ng makauwi na tayo!"Biglang ani Jake saka kampanteng tumayo.

"Okay! Saglit lang 'toh at lalabas na ako."Malambing na tugon naman ni Suzana sa kanyang asawa.

"Baby, sa labas na muna kami...!"Ani Jaden sa kanyang asawa na si Skylar.

Nginitian lang din siya ni Skylar bilang tugon. Maging si Blake ay tumayo na rin at nagpaalam kay Viola para sumunod sa mga pinsan nito na lumabas.

Nagsinyas naman si Dylan sa asawa nitong si ate Gail na lalabas muna siya. Kaya kaming mga babae lang ang naiwan dito sa loob ng silid matapos magsipag labasan ang mga nagga-gwapuhang magpipinsan.

Ilang araw na din akong nanatili dito sa private room ng hospital at araw-araw din dumadalaw sa akin sila Suzana, Skylar, Viola, at ate Abigail.

Halos araw-araw maraming dumadalaw sa akin na karamihan ay hindi ko kilala at nagpapakilala nalang silang pinsan,or tito at tita ni señorito. Basta ang dami nila at talagang nakakasilaw ang kagwapuhan at kagandahang taglay nila.

Kagagaling lang din dito nila Vincent at nung iba pa nilang pinsan. Ako'y labis na namangha dahil sa mga regalong hinakot nila dito sa silid at halos mapuno na nga ang bawat sulok ng silid dahil sa dami ng regalo nila.

Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito karaming regalo. And i'm so happy kasi pinapakita nila sa akin kung gaano sila kasaya na ako'y buhay pa.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon