CHAPTER 17

58.5K 1.2K 42
                                    

"ITAPON lahat ng yan!"

Nagising ako dahil sa mga kalabog na naririnig ko. At may mga yabag din ng paa mula sa labas ng aking silid.

Bumangon ako habang nakapikit ang mata.

"Ayusin niyong mabuti baka mabasag...!"

Don na ako napamulat ng mata dahil sa boses ng babae na nanggaling malapit sa aking silid.

Mabilis akong bumaba mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa nakasarang pinto. Hindi ko na tinangkang ayusin ang aking sarili at ako'y marahang lumabas mula sa silid nang...

"Ilagay mo yan dyan,at kayo naman...ingatan niyo ang paglinis sa chandelier.Mas mahal pa yan sa buhay niyo!"

Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa aking nabungaran na hindi ko kailanman inaasahan.

Anong meron? Saan planeta galing ang mga taong ito?

Napako ang mata ko sa babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan ngunit nakatalikod siya at abala sa pagsasalita habang ang mga taong nagkalat sa loob ng bahay ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

May naglilinis ng sahig,may naglalagay ng bagong prutas at iba pang pagkain sa refrigerator. May mga naglilinis sa tatlong banyo ng sala,may naglilinis ng malaking chandelier sa kisame,at kung ano-ano pa.

Jusko! Sino ang mga taong ito? Paano sila nakapasok sa bahay at anong ginagawa nila?

"Anak nang...Uy,sino kayo? Anong ginagawa niyo?!"Malakas na boses kong aniya upang makuha ang atensyon nila subalit...

Ni isa sa kanila walang nagsalita at hindi man lang nila ako nagawang tapunan ng tingin maliban dito sa maliit na babaeng kaharap ko.

Nakasuot siya ng maiksing palda na hapit masyado sa maliit nitong bewang, pinaresan niya ng blouse na sakto lang sa katawan niya at lahat ng yon ay kulay blue. Naka bun style naman ang buhok nito, itsura palang di maikakailang supladita ang babaeng ito.

"Ikaw...!"Walang emosyon siyang lumapit sa akin.

"A-ako?"Duro ko sa aking sarili.

"Bakit, sino paba sa tingin mo?!"May pagka bruha niyang tugon.

Sabi ko na eh! Maldita ang babaeng ito.

Malikot ang mata akong lumapit sa. kanya."Aba'y akala ko, siya ang tinutukoy mo...!"Ininguso ko ang babaeng nagpupunas ng sahig.

Nagsalubong ang kilay nitomg kausap ko.

"Wag mo akong pinipilosopo ah!"Nakapamewang niyang sambit.

Tinarayan ko din siya."Eh sino ba kasi kayo?!"

"Mamaya kana magtanong,magpalit ka, ito ang isuot mo. Bilisan mo at wala na tayong oras."Ma awtoridad nitong sabi at walang alinlangan niyang inihagis sa akin ang isang plastic bag.

"Eh teka? Ano ito? At anong...!"Diko pa natatapos ang sasabihin ko ng may dalawang babae ang humila sa akin papasok sa kwarto ko.

Hanggang sa tinulungan pa nila akong mag-ayos at magbihis.Napaka bilis ng pangyayare na para bang kasing bilis ng shooting star.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili na nakasakay na pala ako sa isang mahabang car.

Ito yata yung tinatawag nilang Lamborgini.

Katabi ko itong si miss blue, naguguluhan parin ako sa mga nangyayare kaya dina ako nakatiis na hindi siya tanungin.

"Tang-ina! Sino ba talaga kayo? Saan niyo ako dadalhin?"Iritada kong tanong.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon