CHAPTER 1

121K 1.8K 126
                                    

8 YEARS LATER

"OHH anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko. Nalilito litong-litong lito! Sino ang pipiliin ko...mahal ko o mahal ako."

"Uy Richel itigil mo nga yang kakatilaok mo!"

Naudlot ang pagkanta ko dahil sa pang-eepal nitong tiyahin ko.

"Tita naman eh! Kumakanta po ako, ginawa niyo pa akong manok eh."Nakangusong sambit ko.

Napaigtad pa ako ng ibagsak niya sa tabi ko ang isang malaking basket na naglalaman ng sari-saring gulay.

"Kumakanta ba kamo? Naku Richel, mas magaling pang kumanta yong mga  daga kesa sayo. Oh heto linisin mo at ipalit mo dyan sa mga nalantang gulay. Akin na nga yang talong na hawak mo, ginawa mo pang microphone 'tong talong eh. Ikaw talagang bata ka."Heto nanaman siya sa kakasermon niya.

"Tita naman..."Diko pa natatapos ang sasabihin ko nang tapunan niya ako ng matalas na titig dahilan upang matigilan ako.

"Ayusin mo na yan. Aalis muna ako, babalik ako mamaya at gusto ko sa pagbalik ko maayos na yang mga yan. Maliwanag?!"Nakapamewang na saad pa niya.

Ako naman ay hindi nalang umimik. Napapabuntong hininga nalang ako.

Ayaw ko lang suwayin itong Tita ko kahit minsan napaka sungit niya. Malaki kasi ang utang na loob ko sa kanya, siya lang kasi itong may mabuting kalooban na tanggapin ako bilang taga bantay nitong mga paninda nya.

Dahil sa kanya kaya kahit papano kumikita ako ng pera. Sapat na upang makatulong ako kay Inay at Itay sa hanap-buhay.

Bunsong kapatid ni Itay itong si Tita Munna na hanggang ngayon wala parin siyang asawa. Kaya siguro palaging mainitin ang ulo.

Pinagpatuloy ko ang aking pagkanta kahit wala naman sa tono. Madali kong inayos ang mga gulay dahil mahirap na baka masermonan nanaman ako kapag diko ito tinapos.

"Hi Richel! Pabiling sitaw."Natigilan ako sa ginagawa ng may magsalita sa likod ko.

Tumayo ako ng tuwid saka hinarap ang pamilyar na taong nagsalita kanina. At sa aking pagharap ay ganon nalang ang paglapad ng aking ngiti dahil sa aking nakikita.

Mga pamilyar na customer itong nasa harapan ko. Sila ang dahilan kaya mabilis maubos itong paninda ni Tita Munna.

Dahil dito sa mga lalakeng nakapila para lang bumili ng gulay.

"Naku ang aga niyo yata ngayon ah, Denniz."Nakangiting saad ko.

Hindi magawang makipagtitigan sakin nitong si Denniz na nangunguna sa pila.

"Dapat lang! Para makita ko ang iyong kagandahan, Richel.Di hamak naman kasi na mas maganda kapa sa umaga"Nahihiyang sagot niya.

Nakz naman! Ang corny lang.

"Richel! Singkamas ang akin."Untag naman ni Ranz na nasa likod ni Denniz.

"Tatlong kalabasa para sakin, Richel."Pasigaw na saad naman ni Gino na nasa likuran ni Ranz.

At ganun din yung mga nasa likod nila kanya-kanya sila ng order. Hindi na ako naninibago sa ganitong eksena, simula kasi ng tulungan ko si Tita Munna magbenta ng gulay dito sa magulong palengke eh nagdagsaan naman itong mga binatilyong bumibili na puro mga kabarangay ko din naman at halos kasing edad ko lang din.

Natutuwa ako kasi mabilis maubos itong paninda namin ni Tita. Pero isang bagay lang ang pinaka malaking problema ko kapag sa ganitong sitwasyon.

Ang mga nakakamatay na titig sa akin nitong kapwa ko tindera.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon