CHAPTER 54

48.2K 1K 221
                                    


"ANONG ginagawa niyo dito, Kira? At sino ang mga kasama mo?"Punong-puno ng pagtatakang bulong ko kay Kira na tumabi ng upo sa tabi ko.

Langhap ko ang mamahaling pabango nito na masarap sa ilong.

Naka white t-shirt lang siya at blue denim jeans. Napansin ko ang necklace nitong suot with silver plated triangle pendant on a silver tone chain and a clasp closure. Bagay na bagay sa kanya.

Tinutulungan niya akong ihanda ang mga pagkain pero panay naman ang subo nito sa isang sandwich.

Actually naka tatlong sandwich na nga siya eh.

At hindi lang siya ang panay subo sa mga pagkaing ginawa ko kundi pati itong si Silver, Brawn at Zander. Hindi naman sila tumutulong kundi lumalamon lang.

"Mga pinsan namin ang mga yan, hipag."Ani Kira, at ang tinutukoy niya ay ang anim na kalalakihang nasa labas ng kubo at may kanya-kanyang ginagawa."Naparito kami para tulungan si kuya."Dagdag niya pa.

Kaya pala sa unang kita ko palang sa mga ito eh hinala ko nang mga pinsan nga sila ng asawa ko.

"Kayo tutulong sa asawa ko? Di nga!"Di kumbisidong atungal ko."At isa pa, wala naman nabanggit sa akin ang asawa ko na darating kayo."Nagtatakang binalingan ko ng tingin si Silver, Brawn at Zander na panay parin sa paglamon.

Silang apat lang ang kasama ko sa loob ng maliit na kubo, ang iba nilang pinsan ay nasa labas at ang iingay nila.

Narinig ko pang tumawa si Silver na nakaupo sa kabilang upuan na nasa tapat namin ni Kira. Magkatabi sila ni Zander at hindi sila makaupo ng tuwid dahil sa napaka laki nila.

Kanda kuba namang nakatayo si Brawn sa harapan ng mesa at lumalamon din ng lumpia. Nakapag tataka naman yatang wala dito si Vincent? Pati ang dalawang kaibigan nila na si Clifford and Xian.

"Frankly...He doesn't know na darating kami kasama itong mga pinsan namin na ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar."Natatawang saad ni Brawn.

"Huh!?"Umawang ang aking labi.

"And i can sense a huge trouble na magaganap today!"Sumisipol na sambit naman ni Kira.

"Absolutely! Hahaha...Hmmm. W-water...give me water Brawn."Naudlot ang pagtawa ni Silver ng mabilaukan ito at pilit kinukulit si Brawn na bigyan sya ng tubig.

Subalit ni hindi man lang sya tinapunan ng tingin ni Brawn.

"Are you nuts? Can't you see? I'm eating! Mind your own business."Asik nito sa pinsan.

Patuloy parin ito sa paglamon ng kanin na binalot sa dahon ng saging.

Ako nalang ang tumayo at sinalinan ng isang basong tubig si Silver mula sa water jug na nasa mesa.

"Jusko! Oh ayan ang tubig mo, uminom kana."Sabay abot sa kanya ng tubig.

Walang alinlangan naman nito iyon nilagok at ilang sandali pa ay nakahinga na sya ng maayos. Para syang nakipag karera sa kabayo dahil sa bilis ng hingal nya.

"Thank you, you save my life. Thank you very much!"Halos kapusin ng hininga na pasasalamat nitong anito.

"Ayan kasi, tatawa-tawa kapa ng malakas eh punong-puno ng pagkain ang bibig mo."Pagkwan ay sita ko sa kanya."Gusto mo pa ng tubig?!"

"Yes please!"

Parang bata naman syang tumango-tango saka bumalik ng upo sa tabi ni Zander at muling dumampot ng bibingka sabay subo.

Dipa nadala at lalamon parin ang mokong. My ghad!

"Hmm so delicious! You make this, young lady?!"Sarap na sarap namang tanong sa'kin ni Zander.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSWhere stories live. Discover now