Chapter Eleven

31.4K 919 105
                                    

Song: Everyday- Ariana Grande ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Everyday- Ariana Grande ft. Future

Lips

Late na akong gumising kinabukasan. Nag-sisi kasi ako sa ginawa ko kahapon. At isa pa, I don't want my cousin to blame me again. If that happened, baka parusahan na niya ako.

Or worse, ang maging kapalit noon ay mas dagdagan niya ang ibibigay niyang pasyente sa akin!

It's not that bad to sleep inside a mosquito net to be honest. Actually, nag-enjoy ako. Ang cute kasi tingnan ng hinihigaan ko habang may ganoon.

Naalala ko 'yung pangarap ko noong bata ako. I asked my parents to put a canopy in my bed. My parents hated the idea, of course. Sabi nila sisikip lang raw ang kwarto ko kapag ganoon. But I insisted. I really want a canopy inside my room!

In the end, hindi parin ako ang nag-wagi. They really hate the idea. Habang ito namang kapatid ko, sabi ay kulambo nalang daw ang ilagay ko dahil may pagkakahawig naman daw ang canopy doon.

Kahit kailan talaga wala siyang kwenta. That's why if I needed help from someone, he's the last person I'm going to ask. Because he's the only person I know who will give me a non-sense answer, kaya mas mabuti nang hindi ko nalang siya tanungin pa.

Nakakamiss naman pala ang isang 'yun kahit papano. I haven't talk to him ever since we arrived here in Marawi. Naging busy na kasi agad ako simula nang dumating na kami. I'm sure he's also busy with our business.

My father's focus is always on him. He loves to watch my brother run our business kaya eto namang kapatid ko, sobra-sobrang pressure ang nararamdaman sa tuwing ipapaalala sakanya ni Daddy na siya na ang mamamahala sa business namin once he retires.

Well, one-year nalang naman bago siya tuluyang magretire. Kaya... good luck, Benjamin!

I went out of the tent at agad ko rin namang nakasalubong si Margaux. Mukhang papunta na rin siya doon sa breakfast table.

"Oh? Late ka atang gumising." Aniya. Sinabayan ko naman siya sa paglalakad.

"E... baka makarma na naman ako kapag ginising ulit kita ng maaga, e." umirap ako. She chuckled a little.

Nandoon na ang iba naming kasama nang makarating kami sa breakfast table. Erin gave space for Margaux and I. Tumabi ako kay Tracy.

"Sorry, Brittany, at walang dalang pagkain sa'yo si Kiel. Si Captain Ventura lang ang meron at para kay Margaux pa!" pang-aasar ni Rico. Kinunotan ko siya ng noo.

I wasn't even expecting for Kiel to get me my food again! Talagang unexpected lang ang nangyari kahapon.

"Di bale, ako na ang kumuha ng sa'yo. Baka kasi umasa kang may magdadala parin para sa'yo, e." Tumawa siya ng malakas. Hinampas naman siya ni Tracy sa kanyang braso. Agad siyang nag-reklamo sa sakit na naidulot nito sakanya.

Lost in Love (Donovan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon