Chapter Thirty-Five

31.3K 821 44
                                    

Song: Run To You- Glennis Grace

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Run To You- Glennis Grace

Overwhelmed

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. I turn to look at who it is. At dahil bagong gising, hindi ko pa maaninag ito noong una. Ngunit nang tumagal ay nakita ko si Amy na mukhang bihis na bihis na.

"What?" I asked. I'm still half awake. Medyo late na ako natulog kahapon dahil inikot ko itong buong barracks. Nakipag-usap pa ako sa ibang doktor dito kaya late na akong nakapasok sa tent.

"It's time for work." She answered.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Mukhang madaling araw palang! Bakit ang aga aga niya akong ginising?! I groaned.

"Amy, it's only five o'clock in the morning. It's still early for work." I said and tried to go back to sleep. Mabilis niya naman akong pinigilan.

"It's already nine o'clock. We'll be heading to the critical area at ten."

Mabilis akong napatayo nang dahil sa sinabi niya. It's already nine o'clock?! Bakit parang ang dilim dilim pa?

"Why did you just wake me up now?" natataranta kong tinanong.

"You were such a heavy sleeper. I've been trying to wake you up for the fifth time already."

Napakamot nalang ako ng ulo at tsaka kinuha na ang damit na susuotin ko ngayon. I turn to Amy again.

"Saan maliligo?" tanong ko.

"Just go out and you'll see it immediately."

Kumunot naman ang noo ko pero sa huli ay lumabas nalang rin ako. This isn't the same barracks Margaux went to when they first came here. Balita ko kasi nalusob ng mga terorista ang barracks nila noon kaya ayun at sira sira na.

Kinusot ko ang aking mga mata nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Umagang-umaga na nga talaga! Bakit ang dilim sa tent namin? Hindi pa ako kumakain pero kailangan na namin umalis ng ten!

Ang higpit pa naman ng mga sundalo dito pagdating sa oras. Pag sinabi nilang ten o'clock, dapat saktong ten ayos na lahat. I sigh heavily. Bakit ba kasi late na ko natulog kahapon? 'Yan tuloy!

Kung hindi lang talaga marami ang napagusapan namin kahapon, baka ang aga ko sigurong nakatulog! Hirap talaga maging madaldal!

Kumunot naman ang noo ko nang hindi ko makita kung nasaan ang paliguan dito. Yes, I roamed around yesterday pero hindi ko nakita kung nasaan ang CR! Weird, right?

Lumapit naman ako sa isang sundalo habang dala-dala ang aking toiletries.

"Hey," pagbati ko sakanya. Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Yes, Ma'am?"

"Do you know where the bathroom is?"

Agad niya namang tinuro sa akin ito. Nung una ay hindi ko pa alam kung ano ang itinuturo niya hanggang sa mapunta ang tingin ko sa isang parang maliit na bahay. Nagulat naman ako.

Lost in Love (Donovan Series #3)Where stories live. Discover now