Chapter Twenty-One

31.1K 1K 230
                                    

Song: Terrified- Katherine McPhee ft

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Terrified- Katherine McPhee ft. Zachary Levi

Baby

Months after Kiel's departure to Afghanistan ay dumating naman si Jaxon. Kasama ako ni Margaux noong sinabi sakanya ng nurse na nandidito ang asawa niya. Nung una ay nababadtrip pa siya dahil hindi nalang diretsahin nung nurse kung sino ang nandito.

Pero binalewala niya nalang iyon nang makita na niya ang asawa niya na naghihintay sakanya. She immediately press a kiss on his lips, mukhang miss na miss na niya ito.

It's also been months since I've taken my last examination as a resident. Ngayon ay hinihintay ko nalang ang result kaya hindi pa ako pupwedeng maging attending kahit na gustong-gusto ko na!

I gotta say that I somehow did well on the exam. The questions are tricky and confusing pero naitawid ko naman ng maayos ang sagot ko. Thanks to Dr. Ramirez! Malaking tulong talaga iyong mga cases na ipinahiram niya sa akin.

Ngayon ay kinakabahan nalang ako para sa resulta. I hope I'll pass the test because I exerted so many efforts to review! At tsaka... 'yung halik ni Kiel ang nagpamotivate sa akin na galingan ko sa exam kaya kailangan talaga ay makapasa ako.

Lumapit ako sakanilang dalawa. Napansin naman ni Jaxon ang prisensya ko. Ngumiti siya sa akin bilang pagbati. Ganoon rin ang ginawa ko.

"Are we still going to have lunch together?" tanong ko kay Margaux. Nilingon niya ako.

Dahil nandito ang asawa niya... malaki ang chance na iwanan niya ako. Margaux tends to prioritize her husband more than her cousin. Nakakatampo!

"Of course!" sagot niya. Whoa! I'm surprised she did not ditch me today. Bumaling muli kay Jaxon. "Baby, you should join us. Kumain ka na ba?"

Umiling ito kaya napangiti si Margaux. Pumalakpak siya.

"Very well! Come on, we're about just about to buy our food." Aya nito sakanyang asawa.

She looks very excited now. Malayong-malayo sa itsura niya kanina na mukhang badtrip na badtrip. Maybe that's because of Jaxon. Iba talaga ang nagagawa kapag in love.

Wait... What am I even saying?

We ordered foods from a fast food chain at tsaka dinala ang mga inorder namin sa helipad. Madalas kasi ay dito kami kumakain nila Margaux, Ethan, at Rico. Bukod kasi sa mahangin dito, tahimik pa at makakapagnilay ka pagkatapos mong dapuan ng toxicity sa loob ng ospital.

What I meant by toxicity is Jessica. Simula talaga noong araw na iyon ay iba na ang tingin na ibinibigay niya sa akin. She's almost glaring at me sa tuwing makikita ko siya. Minsan ay nagpaparinig pa tuwing dadaanan ako.

Pero wala naman akong pake.

Tahimik kong tinatapos ang aking pagkain habang nag-uusap ang mag-asawa. Nagkakamustahan silang dalawa. Nagulat nga ako at hindi ako dinapuan ng inggit kahit na sweet na sweet na sila sa harap ko, e.

Lost in Love (Donovan Series #3)Where stories live. Discover now