Chapter Twelve

33.1K 836 38
                                    

Song: Stone- Alessia Cara

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Song: Stone- Alessia Cara

Benjamin

I woke up with a massive headache. I groaned in pain. What the hell did I do last night?

Ha! Now you regret drinking so much, Brittany! Serves you right!

Hindi ko alam kung paano pa ako nakapunta dito sa tent ko at kung paano pa ako nakahiga dito. I must be good at handling myself when drunk then? I smirked, feeling a little proud of myself.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na alalahanin ang lahat nang nangyari kagabi pero wala talaga. Ang tanging naalala ko lang ay ang pitong bote ng beer na nainom ko. Naalala ko pa ngang di ko naubos 'yung isa, e.

Tumayo ako sa kama at humanap ng Tylenol sa medicine bag ko. I swear! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito kalalang sakit ng ulo! This is so unusual! I usually don't experience headaches after I drink, ngayon lang talaga! Siguro kasi sobrang dami ko talagang nainom.

Huminga ako ng malalim at umasang mawawala na ang sakit ng ulo ko mamaya maya kaya naman ay tumayo na ko. Ngunit kasabay ng pagtayo ko ay tsaka ko naramdaman ang pinakamasamang pakiramdam na naramdaman ko sa buong buhay ko!

I suddenly felt nauseous. Walang kahit ano dito sa loob ng tent ko para mapaglabasan ko ng suka ko kaya dali-dali kong binuksan ang tent upang ibuwal na ang mga nainom ko kahapon.

I hold on to the tree for balance. My legs feels so light because I don't really feel well today. Pero hindi pwede 'to. Today is our last day! At kung kailan last day tsaka pa ako hindi sasama sa mission!?

No, no, no way!

Doon ko inilabas ang lahat ng ininom ko kagabi. I shut my eyes dahil hindi gumana ang pag-inom ng gamot sa akin dahil sumasakit parin ang ulo ko. Napamulat nalang ako muli ng mga mata nang may biglang naalala sa nangyari kagabi. My eyes widened.

"I kissed him..." that came out as a whisper. Tila nagproproseso pa sa isip ko ang lahat.

How come I did not remember that a while ago?!

"I kissed him!" mas malakas ko nang sinabi ngayon, medyo nagpapanic. "Oh my god!"

Nagpalinga linga ako sa paligid upang tingnan kung may nakakita ba sa akin o nakarinig man lang. Ngunit nang mapagtanto kong wala naman ay huminga ako ng malalim at tsaka nagmamadaling pumasok muli sa tent.

Pinagsasampal ko ang sarili ko para gisingin talaga ang diwa ko. Maybe I'm just hallucinating things. After all, I'm not fully sobered yet. May tama parin ako kahit kakaunti.

Ngunit nagbago ang lahat nang maalala ko ang lahat lahat! I remember waving and smiling at him bago ako magtungo papunta sa tent ko. Kahit ang pagkakabagsak ko sa sahig at ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil kinuha niya ako ng bagong tent ay naalala ko rin!

Lost in Love (Donovan Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora