Chapter Eighteen

28.1K 759 90
                                    

Song: Nervous- Gavin James

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Nervous- Gavin James

Bad mood

Hindi naging maganda ang naging takbo ng araw kong iyon. Bukod sa iginugol ko ang sarili ko sa pagrereview, ilang beses na sumasagi sa isip ko 'yung nakita ko sa lobby.

If he's going to give the bouquet to Jessica, bakit hindi niya pa binibigay? Tutal magkausap na naman sila. Ano pa bang hinihintay niya?

Dr. Ramirez even noticed my not-so-good mood. Sa halip na kausapin ko ang pasyente with my usual friendly self, I talked to her grumpily.

"What's up with you, Brittany?" she asks. Napalingon ako sakanya.

"Oh, it's nothing. Don't mind me, Dr. Ramirez."

"You don't usually talk to patients like that. It's odd."

I pressed my lips into a thin line. Tumango ako.

"Wala lang po siguro ako sa mood kaya... ganon?"

Dr. Ramirez sighed. Umiling siya, parang hindi makapaniwala sa naging rason ko.

"We were just reviewing all this time ah? Don't tell me... ayaw mo na talagang magreview pero pinipilit mo lang?"

My eyes widened. Oh, of course I wanted to review! My only focus for this day is to review and do postops for Dr. Ramirez. Nasa plano ko na 'yan sa mga gagawin ko ngayong araw pero unluckily, may nakita kasi ako kanina na masakit sa mata tingnan. Kaya ayun... nabadtrip ako at nawalan ng gana!

Maybe Jessica did that on purpose. She's challenging me, right? Okay, go ahead! Challenge me then. As if papatol ako sa lame moves niya.

"Just tell me if you still want to review. Baka kasi hindi na kaya ng utak mo, pero pinipilit mo parin."

Mabilis akong umiling pagkatapos niyang sabihin iyon. My brain can tolerate a lot of new informations for one day. Wag nga lang mababaling sa iba ang focus ko kasi mahirap na.

"I can still do it, doc."

"Sabi mo 'yan ha? Okay then..."

Then Dr. Ramirez proceeded to ask me more difficult questions.

Natapos lang si Dr. Ramirez sa pagrereview sa akin nang tawagin siya para sa isang biglaang meeting. I decided to go to the on-call room to take some rest. Thankfully no one's here at the moment kaya solong-solo ko pa ito.

I slumped down on the bed. Medyo nakakapagod rin iyong ginawa namin ni Dr. Ramirez kanina. She introduced me to some of her patients and then she'll ask some questions in between. Minsan nga ay magugulat nalang ako at bigla siyang magtatanong.

Buti nalang rin lagi akong may handang sagot. Sometimes she'll get mad at me whenever my answer is incorrect. Well, tao lang rin naman ako at nagkakamali.

Lost in Love (Donovan Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon