b e g i n n i n g | 0 0 1

1.3K 52 110
                                    


Ang nakakagising na halimuyak ng kape, ang pagsilip ng sikat ng araw mula sa bintana ng aking condo at—

[alarm clock rings]

ang pag tunog ng alarm mula sa aking cellphone ay isang senyales na late na ako sa school.

"Shocks, na naman."

binilisan ko na ang pag-inom ko ng kape, at dumiretso sa banyo para maligo.

matagal pa naman ako maligo. [sighs]

nang matapos ako maligo, i went to my bedroom para magbihis.

"T-shirt or long sleeves?"

Sa kalagitnaan ng pagdedesisyon ko ay tumunog ang aking cellphone;

You have received one message from kumarengchantelexoxo:

HOY MARE ABA ASAN NA U? LATE KA NA NAMAN MONDAY NA MONDAY HA

nang makita ko ang message ni Chantele, hindi ko muna ito ni-replayan dahil pag ginawa ko yun lalo pa akong male-late.

"T-shirt na nga lang tsaka jeans."

Agad kong isinuot ang mga iyon,  nagsapatos at umalis sa aking condo.

"Kuya bayad po."

"Saan 'to?"

"BeverU po."

Shortened name ng Beverly University, ang isa sa mga sikat na school, doon ako nag-aaral.

'Pambihira naman oh, traffic pa?' reklamo ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking cellphone para replayan si Chantele.

'You have 7 unread messages from kumarengchantelexoxo:

MARE

WOYYY

3GUARD MO SI MAM LINDA HUY BAT WALA KA PA DAW

LAGOT KA PAGPASOK MO

GISING KA NA BA

WOOY MARE

ABA DI KA BA PAPASOK PASAHAN NG PROJECT NGAYON'

"AYY MALAS—"

Napasigaw ako at nagtinginan yung mga katabi ko sa jeep.

Ayan na nga ba sinasabi ko eh, kung ano pa yung pinaka mahalaga, yun pa yung naiwan ko.

"SHOCKS HALA NALIMUTAN KO DALHIN MYGULAY BASTA SABIHIN MO KAY MAM MALELATE AKO TRAFFIC EH"

reply ko sa kanya.

Kaya nagmukmok ako sa jeep nakatingin sa bintana, habang na-stuck dito sa traffic.

Ilang oras ang lumipas, bumaba na ako sa jeep na aking sinakyan at tumayo muna sandali sa harap ng gate ng aming school.

Then the 'anong sasabihin mo' thought popped in my mind, trying to create an acceptable excuse.

Naglakad ako ng mag-isa sa nakakabinging katahimikan ng hallway.

"Nagkaklase na nga sila." bulong ko sa aking sarili.

Nang paakyat na ako sa hagdan ay natatanaw ko na ang pintuan ng aming silid aralan.

"Sanay ka naman nanasasabihan ng late eh. Okay na yun."

Sinilip ko muna kung ano ang ginagawa nila.

Nagsusulat sila.

Pumasok ako sa loob ng dahan dahan upang hindi makagawa ng ingay.

Nang papaupo na ako—

"Miss Mitafella Wenceslao, bakit ka late?"

Tumigil sya sa pagsusulat sa board at lumingon sa akin.

"Ma'am, sorry traffic po kasi eh."

"Alam mo namang traffic, bakit di mo pa inagahan ang pagpasok mo?" mahinahon nyang sabi.

"Ma'am sorry po talaga, di na po mauulit."
Talaga bang di na mauulit? Hayy.

"Sit down."

Umupo na ako sa aking silya, sa aking kaliwa, katabi ko si Chantele, bestfriend ko yan kaya tawag ko dyan 'mare'.

"Pasalamat ka mare, good mood si mam ngayon."

"Ewan ko sayo, tuloy mo na yang pagsusulat ko, kokopya ako mamaya."

Sa kalagitnaan ng pagsusulat namin, may biglang kumatok sa pintuan namin.

"Excuse me po, dito po ba yung klase ni Ma'am Linda?"

"Opo, ako yun. Ano pong—ay class by the way, may bago nga pala kayong kaklase."

Nag-ingay ang lahat.

"Halika, pumasok ka rito." sabi ni Ma'am sa kanya.

"Uyy, besh lalaki!"

"Nako may lalandiin ka nanaman besh."

"Ayy, di naman gwapo mamshie."

"May bago tayong tropa mga tsong!"

"May mabubully na naman tayo oh."

"Kim bok joo? Ikaw ba yan? Hahaha!"

"Woah! Hogwarts na pala ang school natin?"

"Woah ang lamiggg."

Nang siya'y pumasok, umalingawngaw ang boses ng aking mga kaklase, may nagbubulungan at nagtatawanan.

Lalaki siya, payat at nakasalamin, mukhang tahimik at mahiyain. May dalang gitara, talented to pustahan. Hindi naman ganun ka gwapo pero in fairness ha? May jawline.

Ang problema nga lang, anong trip nya at naka turtle neck siya?

"Mare, may bunot na tayo oh, panglinis ng sahig." Tinuro nya ang buhok ng lalaki.

"Hoyy, wag ka ngang ganyan, unang pasok palang nga nang tao sa school inaasar na natin."

"Pero sa totoo lang, cute yung hairstyle nya." dagdag ko.

"Aba! Wag mo sabihin crush mo yan? Nako Mita ha."

"Baliw hindi! Yung hairstyle yung—"

"Quiet down class! Makinig kayo sa kanya. (To him) Sige magpakilala ka na."

Nagsitahimik ang lahat at naghandang makinig.
.
.
.
.

"Uhm, hello. Ako po si Unique Torralba Salonga."



hi mga friends

Halohalo! Yes! First time kong magpublish ng libro! (muscavado si ako huhu) Gumawa ako ng ganitong book kasi, trip oo lang. Dejokeonle. Na-discover ko po kasi yung IV of Spades, banda sila na binubuo ng mga talented at gwapong teenagers. Then, yung vocalist nila, si Unique, caught my attention. Tapos kaboom! Na-inspire na ako gumawa ng fanfictiin dito. Sana magustuhan nyo! [winks]

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum