s a t u r d a y | 0 0 7

937 46 118
                                    

Saturday na, sa wakas.
Pwede na akong makapagpahinga.

Pero may bumabagabag parin sa isip ko.

Siya.

Hindi ko na masyadong pinapansin si Unique. Siguro naging affected lang ako masyado dun sa sinabi niya nung isang araw.

Teka bakit nga ba ako affected?

Ilang tawag na ang hindi ko nasasagot tsaka ilang messages na ang na-rereceive ko.

'You have 10 new messages from 'Salongganisa'

: kamusta binibini.

: Mita.

: Huyy, Mita.

: Nakailang tawag na ako sayo huyy.

:Wala ka bang load? Gusto mo pasahan kita?

: Busy ka siguro.

: Psst.

: Mitaaaa.

: Mita, ok ka lang ba?

: Kung may problema ka andito lang ako.

Ayan ka na naman.

Napatawag bigla si Blaster.

Oo nga pala, binigay ko sa kanya yung number ko.

"Hello Blaster?"

"Mita! Kamusta?" Naririnig ko ang tunog ng mga instrumento sa backround. Mukhang nasa band practice siya.

"Ahh, ok naman. Napatawag ka?"

"Ahh, eh kasi may gig kami mamaya sa Route 196, eh baka gusto niyo manood ni Chantele?"

"Sige ba wala naman akong gagawin mamaya eh. Anong oras ba?" Tanong ko.

"Mamayang gabi, aabangan nalang namin kayo ni Unique mamaya."

Shocks, oo nga pala, andoon si Unique.

Hindi na ako pwedeng tumanggi.

"Ahh-sige, sige."

"Sige bye! Salamat, kitakits!" Bati niya.

"Bye." Inend na niya ang tawag.

Bakit ba hindi ko agad naisip na andoon nga pala si Unique, hayy.

Ang mabuti pa, tawagan ko na si Chantele.

Calling 'kumarengchantelexoxo'

"Hello mare?"

"Mare, iniinvite tayo ni Blaster sa gig nila."

"Ayy sige, bet ko yan! Anong oras ba?" Tanong niya.

"Mamayang gabi daw."

"Ahh, sige sige-ayy diba andun din si-"

"Oo, alam ko. [sighs]"

"Eh, paano na yan? Tutuloy pa ba tayo?"

"Oo, gorabells lang."

"Oh sya sige sige. Susunduin na kita diyan maya maya. Baboosh!"

"Sige."

Inend ko na ang tawag niya at nag-asikaso.

Kumain muna ako ng meryenda at saka naligo.

Nang makatapos na akong maligo, pumasok na ako sa aking kwarto para magbihis.

"Poporma pa ba ako?" Sabi ko sa sarili ko habang naglalagay ako ng tawas sa kili kili ko.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt