m o r n i n g | 0 0 5

955 48 119
                                    

"ANO?? HINALIKAN KA NI UNI-"."

Tinakpan ko bigla ang bibig nya, nasa loob kami ng classroom ngayon, di pa nags-start ang klase, tsaka kakaunti palang ang mga kaklase namin. Maaga pa kase.

"Ang ingay mo! Kainis ka!"

"Sorry naman, eh kase naman mare! Na shookt si ako sayo! Baka siya na yung forever mo mare!"

"Wait ha? Linawin ko lang, ginawa nya yun para tulungan ako, ok?"

"Wow. Tinulungan ka na, naka points ka pa. Ayy! Mare wait, natapakan ko ata yung hair mo. Ang haba kasi eh! " Sabi nya sabay kindat at halakhak.

"ARAY KO AMAN ABA." Hinampas ko siya sa braso nya.

"Eh teka maiba ako," hinimas himas nya ang braso nya. Nagpasalamat ka na ba dun sa tao?"

"H-hindi pa."

"Ha?? Bakit hindi pa?"

"Eh kase nabigla ako dun sa ginawa nya eh. Nasampal ko pa nga sya pagkatapos eh."

"[facepalms] Ano ba naman yan Mita! Hayy, nako."

"Sorry na! Eh first kiss ko nga kasi diba?"

"Pero alam mo, nung hinalikan nya ko. Parang may naramdaman ako eh, pero hindi ko alam kung ano yun. Hindi ko ma-explain. parang tumigil lahat sa paggalaw."

Pinunasan ni Chantele ang mata nya na kunwaring may luha.

"Anong kaartehan na naman yan?"

"Wala, [sniffs pero wala namang sipon hakhak] [imitates kris aquino] kase na-realize ko na-inlove na pala ang bestfriend ko, like ohmygoish- like bukas ikakasal na kayo, ganern."

"OA mo pa nga."

"Syempre charot lang. Basta pagdating nya dito, pasalamatan mo ha? Tsaka mag-sorry ka rin. Tinulungan ka na nga, sampal pa ang inabot nya. Tapos nilibre ka pa pala ng burger! Aba, kahiya ka mare."

"Opo opo, noted na."

"Ayy-speaking of him! Andyan na siya." Bulong nya sa akin.

May dala parin siyang gitara, same parin. pero this time hindi na siya naka turtle neck. Naka t-shirt, jacket na black, fit na black pants tsaka chelsea boot siya.

Yung feeling na mas fashionable pa yung lalaki kaysa sayo kasi di mo naman masyadong pinag-iisipan yung mga susuotin mo.

Binigyan nya ako ng maliit na ngiti bago siya umupo sa bakanteng upuang katabi ko.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko yung lalaking to feeling ko laging awkward?

"Oh, ano pang hinihintay mo mare? Kausapin mo na. Gorabells!" Bulong sa akin ni Chantele.

'Mita, huminga ka muna ng malalim.' Sabi ko sa sarili ko.

"Uhm, Unique?"

Lumingon siya sa akin ng may pagtataka.

"Hmm?"

"Uhm, gusto ko sanang magpasalamat dun sa ginawa mo."

"Alin? Ahh-" Nilapit na naman nya ang mukha nya at ibinulong sa aking tainga, "yung halik ba? No problem. Tandaan mo ha, first kiss mo ko." Nilayo na nya ulit at kumindat siya sa akin.

"Baliw ka ba! Nagpapasalamat ako kasi niligtas mo ko dun sa lalaking nilapitan ako. Tsaka ano naman kung first kiss kita? Hindi naman big deal sa akin yun."

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now