s o r r y | 0 1 5

754 33 52
                                    

February naaaaaaaaaa!

Sa wakas.

After ilang weeks ng paggagawa ng project, natapos na namin yung project namin kay Ma'am Linda at ngayon na namin ipapasa yun.

Lunch namin, nakatambay ako ngayon sa may hallway, nakikinig ng Debussy playlist ko.

Oo, minsan nasa mood ako makinig ng classical music, especially pag nagbabasa ako ng libro. Mas nakakapagfocus ako.

Nagulat nalang ako nang biglang may babaeng nakatayo sa gilid ko at nakakunot ang noo.

Tinanggal ko ang earphones ko.

"Hmm?" Pagtataka ko.

"Mareeeeeee!" Sigaw ni Chantele.

Kakabalik lang niya last week galing dun sa family reunion nila. Nakahabol siya sa paggawa ng project namin.

"Ayy nako! Kanina pa kita tinatawag! Dun palang oh!" Tumuro siya dun sa may hagdan na papunta sa 2nd floor.

"Busy ako mars. Mamaya nalang." Isinuot ko na ulit ang earphones at bumalik na ako sa pagbabasa ng libro.

"Ano ba yang pinakikinggan mo?" Sabi niya at maririnig mong, asar na asar siya dahil sa tono ng pananalita niya.

  She seated beside me and snatched the other pair of my earphones.

"Jusko, nakakaantok naman to." Tumayo siya muli.

"Yaan mo nga ako, nagbabasa ako hindi mo ba nakikita?" Pagsusungit ko at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng libro.

"Teka may sasabihin kasi ako!" Asar niyang pinadyak ang mga paa niya at nagkamot ng ulo.

"Ano ba yun?" I asked without looking at her.

"I-calligraphy mo nalang yung mga pangalan natin sa last page ng scrapbook. Wala pa yung mga pangalan natin dun eh. Tsaka isa pa, pangit yung penmanship ko." Paliwanag niya.

"Buong pangalan?"

"Kahit surname tapos first name nalang."

"Ok copy that. So pwede na ba akong magfocus sa pagbabasa ko? Malapit na akong matapos—"

"Ehh!" She interrupted and closed my book.

Nanlaki yung mga mata ko.

"Teka hindi naka bookmark—"

"Now na mars gawin mo na." Yaya niya.

"Mamaya nalang mare—"

"Bakit kailangan pang gawin mamaya kung pwede namang ngayon na? Bilis na kasi!" She pulled me papunta sa classroom namin.

________________

Nang paakyat na kami ng hagdan, biglang tumunog yung phone ko.

You have a new message from Blasterfff:

: metaaaaa <3

Ano na naman kayang problema neto.

: yoww bakit what ur problem

: tatawag ako sayo ha

: bakit naman?

: basta sagutin mo nalang ha

Maya-maya'y tumatawag na siya.

Blasterfff is calling you.

"Wait lang Chantele, tumatawag si Blaster." Napatigil ako sa may hagdan.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now