n i c e t o m e e t y o u | 0 0 2

971 46 55
                                    

"Sa wakas lunch na!" Sigaw ni Chantele.

"Yan naman lagi gusto mo, eh kumakai— ARAY KO AMAN ABA!" hinampas ako ng babaita sa may braso.

"Kaya katumata—" nanlaki ang mga mata nya sakin, na para bang sinasabing 'hindi ako mataba, chubby lang'.

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at niyaya na nya ako pumunta sa Jollibee, tapat lang kasi ng school kaya malapit lang.

"Oo nga pala, project mo asan?" tanong nya habang nakapila kami para bumili ng pagkain.

"Ayun nasa bahay naiwan, kaasar talaga."

"Yan kase, facebook pa. Buti nga."

"Oo bestfriend talaga kita no? Oo talaga eh." [being sarcastic]

"Maiba nga tayo, so? Anong masasabi mo sa bagong boylet na kaklase natin?"

"Ok lang, bakit?"

"Sa tingin mo, gwapo ba?"

"Kinda."

"Sa tingin mo, single kaya yun?"

"Ay nako, ewan ko sayo, itanong mo nalang kaya sa kanya."

Nanahimik na ang babaita.

Maya-maya ay naghanap na kami ng table namin para kumain.

"Dito nalang tayo ma—uyy, Mita diba siya yun?"

"Alin?" Tumingin tingin ako sa paligid.

"Sino ba yun, si ano— transferee, ayun oh!"
Ginamit nya ang kanyang nguso panturo sa likod ko.

"Unique kasi ang pangalan." Tumingin ako sa aking likuran, at nandoon siya, kumakain mag-isa.

"Tara." Yaya ni Chantele.

"Hoy anong kalokohan na naman ang gagawin mo?" Tanong ko.

"Basta kunin mo yung pagkain mo, dun tayo kakain. Makikipag-friends lang naman tayo sa kanya.[giggles]"

"Huy, ano ba! Wag! Mamaya ayaw ng tao—Chantele ano ba huy!"

Hinila nya ako papunta sa mesang kinakainan ni Unique.

"Hiii! I'm Chantele! You're Unique, tama ba?" Iniabot nya ang kanyang kamay para makipag-shake hands.

"Oo ako nga. Hi, Chantele." nakipagkamay siya.

Ang gwapo ng boses nya mga mare.

"And this is—(to me)huyy Mita aba magpakilala ka." sabay tusok sa tagiliran ko.

"Ahh—hi, Mita nga pala."  iniabot ko rin ang mga kamay ko para makipag shake hands kaso nga lang ang cringy mga mare, ang cringy talaga. Yung hindi mo alam kug kaliwa o kanang kamay yung gagamitin mo. Kaya ayokong nakikipagkamay eh.

Pero ang lambot ng kamay nya ha, naglolotion siguro to. Nahiya tuloy yung kamay ko, ang gaspang.

"Hello." nginitian nya ako. Mukhang matipid talaga sa pagsasalita to.

"Pwede ba kaming makikain dito sa table mo— aray! Ano ba Mita!" hinampas ko yung pwet nya ng malakas.

"Wag na, mahiya ka naman aba." Bulong ko sa kanya.

"Sige, ok lang." sabi ni Unique.

"Ayern naman pala mare eh, payag naman siya, tara na bilis! Umupo ka na dito sa tabi ko." Nauna na siyang umupo sa akin. Walang hiya ka talagang babaita ka.

"Ayy, wait walang gravy itong chicken ko, kukuha lang ako ha? Maiwan ko muna kayong dalawa jan. [winks]"

Tignan mo tong babaeng to, yayain kang umupo dito tapos iiwanan ka bigla.

"Ah—ako na Chantele,kukuha din kasi ako ng ano—"

"Hindi ako na. I can do this oki doki?"

"S-sige." Nauutal kong sabi.

Pumunta na siya muli sa counter.

Di kami kumibo ni Unique, wala ni isa samin ang nag sasalita.

Ang awkward lang, mga mare.

'Kausapin mo kaya no? Para hindi na awkward. Ang hina mo rin teh.' Bulong sakin ng isipan ko.

"Ilang taon ka na?"

balakajanmitaewankosayo.

"17, ikaw?"

"Same."

"Pagpasensyahan mo na yung mga kaklase ko nung pinagtawanan ka nila ah."

"Ok lang yun." ngumiti siya ng onti.

'Hay, ano bang pwedeng topic.' Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siya.

Bigla kong napansin ang adam's apple tsaka jawline nya habang ngumunguya sya ng pagkain.

I find it very attractive.

"Uhm, Mita?"

Argh, yung boses nya. Hindi ko alam kung bakit ang gwapo pakinggan.

"Mita?"

"Ayy! Ano yun?" Sagot ko.

Nakakahiya mga mare, baka napansin nyang nakatitig ako sa kanya.

"Di ka pa ba kakain?" tanong nya.

"Mamaya na, hinihintay ko pa si Chantele."

Speaking of her, aba nasaan na ba si kumare? Inabot na siya ng ilang taon dun sa counter hihingi lang ng gravy.

"Matagal na ba kayong magkaibigan?"

"Oo, nung mga grade 7 pa kami."

"Ahh, ok." Ang tipid nya talaga sumagot.

Lumingon ako sa aking likuran at ayun nga, andoon ang babaita, nakikipagusap sa isang boylet.

"Sandali lang ha? Tatawagin ko lang siya, mukhang naligo na sa gravy yun eh."

"Sige, sige." Tumawa siya ng mahina.

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan ni Chantele.

"Hihi, enebe—you can call me, here my num—"

"Excuse me po?" Singit ko. "Ay— hello po, uhm pasensya na po kayo dito sa kaibigan ko, naabala pa po ata kayo." hinatak ko si Chantele papunta sa tabi ko.

"It's ok." he laughed.

"Mare, 'it's ok' naman daw eh. Hayaan mo na muna kaming mag chitchat with each other."

"Ano ka ba!" Bulong ko." Hindi mo pa nga kilala yung tao ibibigay mo na number mo?"

"Ano ka ba, sabi nga ni Globe, go lang ng go!"

"Hehe, sorry po talaga." Hinila ko na siya papunta sa table namin. Aba, lumamig na yung pagkain namin dun.

"Call me ha! Bye!" Sigaw ni Chantele.

"Langya ka talagang babae ka, naghihintay dun si Unique. Iniwan ko pa naman yun mag-isa."

"Eh bakit mo kasi iniwan?"

"Eh, hinahanap nga kita inabot ka na ng siyam siyam sa counter eh."

"Chance ko na yu— oh? Asan na si Unique?"

"Anong asan, ayan o— Asan na?"

Nakita namin na tumatawid na siya pabalik sa school.

"Bilis kumain ah."

"Alam mo ba hiyang-hiya akong makipag-usap sa kanya kanina, tapos iniwan mo pa ako."

"Sorry na mare. Tara na kumain na tayo malamig na pagkain natin aba."

"Kasalanan mo kasi eh."

"Aba, sorry na nga eh."

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now