p r o j e c t | 0 0 9

782 36 167
                                    

Papalabas na ako sa condo ko, papasok na ako sa school.

Biglang may lalaking bumungad pagbukas ko ng pintuan.

"Blaster?"

"Morning!" Nakangiti niyang bati.

"A-anong ginagawa mo dito?" Napakunot ang noo ko.

"Sinusundo ka." He smirked.

Hmm?

"Eh paano mo nalamang dito ako nakatira?" Sinara ko na ang pinto.

"Diba nga hinatid ka namin dito nung Saturday?" Paalala niya.

Ayy, oo nga pala.

"Ayy! Oo nga pala, ano ba yan nakalimutan ko." Napakamot ako ng ulo.

"Haha, kumain ka na ba?" Hinawi niya ang buhok niya.

"Nag-kape lang ako, tinamad na akong magluto eh."

"Ha? Hindi pwede yun."

"Eh, hindi naman kasi ako kumakain sa umaga." Sagot ko.

"Tss, tara nga."

"Huyy-"

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami pababa ng condo.

Pagkababa namin, hinila niya ako papunta sa isang karinderia sa tabing kalsada.

"Teka anong ginagawa natin dito?"

"Maaga pa naman eh, kain na muna tayo." Sabi niya sabay kindat.

"Blaster, wag na-"

"Please?" He said with a puppy eyes.

"Aish, sige na nga."

"Yehey!" Sabi niya na parang batang nakabili ng lobo.

"Ate dalawang order ng lumpia shanghai tsaka sinigang na hipon."

Umupo na kami at naghintay ng in-order niya.

"Di ka sanay kumain dito no?" Tanong niya.

"Hoy, excuse me kumakain din ako dito." Pagtataray ko.

"Gaano kadalas?"

"Mga once- minsa-pag feel ko kumain ganun." I crossed my arm and looked away.

"Puro Jollibee lang ata yung kinakain mo eh." Kumuha siya ng kutsara at tinidor sa may bucket na nasa table at pinunasan ito ng tissue.

"Alangan magpunta pa ako dito para lang mag-lunch, eh ang lapit lapit na nang Jollibee sa school natin few walks away lang."

"Chill ka lang! Umagang umaga, hahaha!" Kumuha siya muli ng kutsara't tinidor at pinunasan ulit ito ng tissue.

"Oh, kutsara tinidor mo." Binigay niya ito sa akin.

"Thanks." Matipid kong sagot.

"Eto na po yung order niyo, Ma'am, Sir."

"Salamat, ate!"

Nilanghap niya muna ang amoy ng pagkain.

"Hmmm, ang bango. Tara kain na tayo!"

Binigay na niya sa akin ang isa sa mga shanghai at sinigang na hipon.

"Parang masyadong madami yung kanin."
Reklamo ko.

"Akin na, bigay mo sakin." Nakangiti niyang sabi.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now