p i c n i c | 0 0 6

940 46 147
                                    

Maganda ang panahon ngayon. Mataas ang sikat ng araw ngunit malakas at malamig ang simoy ng hangin.

Magandang araw para mag-picnic.

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na kami ni Chantele sa park para maghanap ng perfect spot ng pag-pipicnikan namin.

"Ayy, oo nga pala mare. Susunod nalang daw si Unique. May pupuntahan lang daw sandali."

Oo nga pala no, niyaya niya si Unique.

"Sabihin mo kahit wag na siya tumuloy-wag mo na kasi siyang isama mare." Reklamo ko.

"Eh bakit ba? Eto na nga yung pa-thank you natin sa kanya eh-ayun! Dun nalang tayo sa may puno!" Turo niya.

Nilatag na namin ang banig na gagamitin naming sapin. Oh, pak. Saan kayo nakakita ng nag-pipicnic gamit ang banig? Only in the Philippines.

Puro chichirya lang naman tsaka dalawang isang litro ng root beer ang binili namin. Tsaka bago kami pumunta dito, dumaan muna kami sa Jollibee para bumili ng isang bucket ng chickenjoy.

"Tara! Kain na tayo!" Yaya ko sa kanya.

"Hopia!" hinampas nya ang kamay ko,"Wait lang kasi! Wala pa si Unique!"

"Hayy, ano ba yan. Gutom na ako eh."

"Hintay ka lang kasi, parating na rin yun."

Kinuha ko muna ang cellphone ko para magpalipas oras.

'I-message mo na kaya. Ang tagal nya eh.'

Bago ko siya minessage, pinangalanan ko muna yung number niya.

"Hmm, ano kayang ipapangalan ko?"

'Salongganisa'

Tinype ko na yun at minessage sya, wala na akong maisip na pangalan eh, gutom na ako.

: salonga asan ka na daw sabi ni chantele

Matagal tagal bago siya nag-reply.

: nawawala ako eh.

: ha ano ba naman yan asan ka ba ha

: hindi ko nga alam.

Saan ba kasi nagpunta yun?

: hayy nako anong oras na oh

: huyy

: patawagan na nga kita kay chantele

'Silongganisa' is calling you

Bigla siyang tumawag.

Pinindot ko ang berdeng button at inilagay ang cellphone sa aking tainga.

"Hello? Asan ka na ba ah? Mala pit na maggabi!" Reklamo ko.

"Grabe, may araw pa nga eh." Sagot nya mula sa kabilang linya.

"Asan ka na nga? Kanina pa kami andito ni Chantele, naiinip na kami!" Pangungulit ko.

"Andito na ako."

"Asan?"

"Huyy! Akala ko ba nawawala ka? Saan nga?" Dagdag ko.

Tumingin tingin ako sa paligid.

There was no sign of him.

"Niloloko mo ko eh!"

"Andito na nga ako."

Nagulat nalang ako nang may bumulong sa kabilang tainga ko.

Lumingon ako sa aking likod, hawak ko parin ang aking cellphone.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now