r e d w i n e | 0 1 1

818 44 113
                                    

Binuksan niya ang pinto ng kanyang kwarto at tinurn on ang switch ng ilaw.

Wow.

Kinda cozy in here.

"Halika dito sa loob."

"H-ha? B-bakit, ano bang gagawin?"

"Basta pumasok ka nalang." Sabi niya habang naghahalungkat ng gamit niya sa kanyang drawer.

Dahan-dahan akong pumasok, at lumapit sa kanya.

Bigla siyang humarap sa akin.

Nakatitig lang siya sa akin.

Tapos bigla siyang ngumiti.

"H-hoyy, ano n-nang gagawin?" Nauutal kong sabi.

Unti-unti siyang lumapit sa akin.

Ako naman, naka-istatwa lang sa lugar ko. Hindi makagalaw yung mga paa ko.

Lumalakas yung tibok ng puso ko.

Nararamdaman kong namumula yung pisngi ko.

[tug-dug-tug-dug-tug-dug]

"Tulungan mo kong ibaba yung telescope." Tinuro niya yung telescope na nakatayo sa gilid katabi ang bintana, hindi parin niya inaalis ang tingin niya.

Jusko yun lang pala mga mare. Parang hindi naman niya kayang buhatin yun.

Impossible talagang maging bading to eh.

"Ahh-ahh ok." Umiwas ako ng tingin.

"Ang cute mo." Tumawa siya.

Sinungitan ko lang siya at tumayo lang ako sa isang gilid, naghihintay ng iuutos niyang gawin ko.

"Tara dito, hawakan mo yung tripod ng telescope."

Sinabit niya ang camera niya sa leeg niya.

Kinuha ko ang tripod, hawak hawak niya ang mismong telscope at bumaba na kami.

Pumunta kami sa may likod ng kusina nila, may garden pala sila doon. Kahit medyo maliit, ang taray parin kahit papaano.

"Itayo mo nalang jan." Turo niya sa may gitna.

Tinayo ko na iyon sa lugar na tinuro niya at inattach na rin niya ang mismong telescope.

Umupo muna ako dun sa may improvised bench nila. Ang creative ng utak ng pamilyang to ah.

Umupo rin siya sa tabi ko, pakabayo ang upo pero nakaharap sa akin. Wala namang sandalan.

Tumingala lang kami sa kalangitan.

Walang umiimik sa amin. Tahimik lang kaming nag-masid.

Ngayon, katahimikan lang ang bumalot sa buong atmospera.

Tinitigan namin ang buwan na naka-smile shape ngayon.

"Ang galing oh, ngumingiti yung buwan sa atin." Sabi ko.

"Oo nga. Ang ganda."

Nakita ko sa gilid ng mata ko, nung pagkasabi niya ng mga katagang iyon, tumingin siya sa akin. Hindi ko na ito pinansin.

Kunwari nalang, hindi ko alam.

[sound of silence]

Pumasok muna ako sa loob ng kusina at kinuha ko na muna ang 'astronomy book'  na nakapatong sa dining table at bumalik dun sa tabi ni Unique.

Binuklat ko ang libro ko, at nag-basa.

Pinilit kong basahin ang bawat sentences.

"Walang pumapasok sa isip ko." Sambit ko.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now