c i v i l w a r | 0 0 3

929 45 57
                                    


Habang naglalakad kami sa may hallway papunta sa classroom namin, kinuwento ko yung mga pinag usapan namin ni Unique, yung bago nga naming kaklase.

"Ano ba naman yan mare, pakikipag-usap na nga lang, di mo pa magawa."

"Eh matipid nga kasi sumagot! Anong magagawa ko? Alangan makipag 'fast talk' ako dun, mamaya mag assume siya na may gusto ako sa kanya."

"Mare," [sighs] "ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na 'ayy kailangan ko na ng inspiration or motivation para makapagtapos ako ng pag-aaral' achuchuchu."

"Ha?"

"Hindi ba sumagi sa isip mo na kailangan mo na ng bae, ganern?"

"I-direct to the point mo na ka—"

"BOYFRIEND KASI, AYAN. GETS MO NA?"

"Boyfriend?"

"Ayy nako bahala ka nga jan."

[short silence]

"Hindi eh. Di pa ako ready, aral muna kasi mare bago yang mga ganyan."

"Sus naman, 'aral muna', 'di pa ako ready', aba Mitafella! Tatanda kang dalaga nyan. Ilang years mo nang dinediscard yang topic na yan."

"Hindi ko pa kasi alam kung paano magmahal. Yun kasi yun."

"That's the point girl! Kaya ka nga mag-boboyfriend, para matuto kang magmahal."

"Basta, 'love yourself' muna. Oo nga pala, sino yung kausap mong lalaki sa counter kanina?" Tanong ko.

"Ayy iniiba—nako mareeee! Ayun nga! Ikaw kasi hinila mo ko agad eh, di ko tuloy naibigay yung number ko."

Pag usapang boylet talaga, hayy jan ka magaling Chantele eh. [slow claps]

Kami lang dalawa ang naging magkaclose ever since. Hindi kasi kami pareho mahilig makipag-socialize. Parehas pa kaming awkward. Tsaka parang magulang ko na rin yan, payo dito, payo doon. Kaya ayun nagkasundo ang mga bruha.

Pumasok na kami sa loob ng classroom, wala pa si Sir. [checks her watch] 15 minutes pa.

Umupo na kaming dalawa sa aming upuan at nagkwentuhan.

[10 minutes later]

"Haha! Baliw ka ta— ayy sorry po! Hala sorry!"

Bigla kasing may tumabi sa akin, natamaan ko ata ng siko ko.

"Hindi, ok lang." Hinubad nya ang salamin nya at hinimas ang mata nya.

Si Unique pala.

'KAHIYA KA GURL, YAN SIGE TAWA PA, HAMPAS PA, KULANG NALANG MAGWALA KA EH.' Sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako kay Chantele.

"Owwww, he need some milk." Bulong sa akin ni Chantele.

"Ano bang meron dun at every single day nalang sa personal or sa chat sinasabi mo sakin yan??" Bulong ko sa kanya.

"Di ka kasi updated. Sikat kasi yun sa internet."

"Ewan ko sayo." [sighes]

Lumingon ako ulit kay Unique.
Nagd-drawing siya, lalaki na parang tinatanggal yung mukha ganern, pero maganda naman. Talented talaga.

"Ang weird na cute." sabi ko.

"Ahh—salamat." napangiti siya.

Pumasok na sa loob ng classroom yung iba naming mga classmates na nakatambay sa labas, 5 minutes nalang kasi eh.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now