b l a s t e r | 0 1 4

723 32 55
                                    

"Mitaaaa!"

Sigaw ng lalaking pamilyar ang boses, si Blaster.

Lumapit siya sa akin.

"Dinaanan kita sa condo mo ah, wala ka na dun. Maaga ka bang nagpunta dito sa school?" Tanong niya.

'Wag mo nang sabihin na natulog ka kila Unique, Mita. Mag-iisip yan ng malisya.' Sabi ni brain sa akin.

"Ahh, oo nagpunta akong maaga. M-may project nga kasi kami diba?" I answered nervously.

"Ahh, ok. Tara uwi na tayo! Hatid na kita sa inyo." Yaya niya.

[Sigh of relief]

"S-sige."

Oo hinahatid sundo na ako niyan, wala eh, hindi ko naman mapipigilan yan. Mike Enriquez yan eh, hindi ka tatantanan.

Uwian na namin, gusto ko nang umuwi sa bahay jusko pagod na ako sa mga pa-quiz ng mga prof namin. May tatapusin pa kaming project.

"Mita!"

Sino na naman ba yon.

Lumingon ako at nakita ko si Unique, nakita niya rin ako at nakangiting papalapit sa amin ni Blaster.

"Unique! Bebe ko!" Tumakbo si Blaster papunta sa kanya, at niyakap niya si Unique.

Nakita ko mula sa malayo na balak siyang halikan ni Blaster sa pisnge, pero pinipigilan siya ni Unique.

"Blaster! Ano ba-huy! Umalis ka nga!"

Napabitaw naman si Blaster mula sa pagkakayakap.

"Bakit bebe ko, di mo na ba ako love?" He pouted with a trying-hard puppy eyes.

"Yak,'bebe'. Kadiri ka." Sabi ni Unique.

"Tss, arte mo." Niyakap ulit siya ni Blaster.

"Ano ba-Blaster!"

Ayan na, nagbangayan na.

Napangiti nalang ako sa istura nila. Ang cute nilang dalawa, para silang magkapatid.

"Cute nyo."

Sabay silang napatingin sa akin.

Nakahawak sa buhok ni Unique si Blaster tapos si Unique naman pisil pisil yung pisnge ni Blaster. Yun ang posing nila.

Napabitaw naman sila sa isa't isa, at napaiwas ng tingin.

"Uuwi ka na ba?" Nakangiting tanong ni Unique.

"Ahh o-"

"Oo, sabay na kami." Blaster interrupted at inakbayan niya ako.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Unique.

"Ahh-o-ok."

"Ingat kayo ha. Sige, kailangan ko narin palang umuwi." Dagdag niya.

"Sige, sige bye bebe ko!" Blaster waved a goodbye.

Nakatalikod na siya, palakad na sana siya papalayo nag biglang;

"Nikkoi!" Sigaw ko.

Napalingon siya.

"Ingat." Sabi ko.

Tumango lang siya at pinapatuloy na niya ang paglalakad niya.

"Nikkoi na yung tawag mo sa kanya?" Tanong ni Blaster.

"Ah, ano kasi-" Nagbuhol yung dila ko.

"Ano, ahh sabi niya kasi, yun nalang daw itawag ko sa kanya." Paliwanag ko.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now