k a m u s t a h a n | 0 1 0

730 34 79
                                    

So ayun nga, mag-kakagrupo kami.

Pinag-usapan namin kahapon na sa bahay nalang nila Unique gagawa ng project, since may telescope rin naman sila tsaka camera.

Kaka-dismiss lang ng klase namin, andito kami ngayon sa labas ng school, hinihintay si Rhea, ngayon na kasi kami gagawa para maaga kaming makakapagpasa. After two weeks February na din eh.

"Susulpot pa ba yun?" Reklamo ni Chantele.

"Ano ka ba hintay lang tayo ng onti, darating na yun." Sagot ko.

Sa totoo lang, pati ako naiinip na rin.

"Mauna na kaya kayo, sabay nalang kami ni Rhea." Matamlay na sabi ni Unique.

Kahapon pa to matamlay ah, bakit kaya?

Simula nung nakita niya akong sinundo ni Blaster kahapon, ayun naging matamlay na siya.

"Nako, hindi na Unique! Sabay sabay na tayo, para si Rhea yung manlilibre ng pamasahe natin hehe." Nakangiting sabi ni Chantele.

Maya-maya'y nakarating na rin ang bruha matapos ang ilang dekada, char lang. Ang OA ko naman.

"Pero syempre charot lang, hindi papayag yan." Bulong sa akin ni Chantele.

"So? Let's go?" Sabi ni Rhea habang nakasabit ang Chanel na shoulder bag sa wrist niya.

Shoulder bag nga eh diba, bakit nasa wrist?

"Dapat nga kanina pa eh." Sabi ko.

"Buti nga nakapunta pa ako eh." Depensa niya.

"Tara na nga! Hindi ako pwede gabihin!" Yaya ni Chantele.

Nang papalakad na kami papuntang waiting shed-

"Mita!"

Si Blaster, tumatakbo papunta sa amin.

"San ka ba nagpupupunta? Hinahanap kita kanina pa ah." Hingal na hingal siya.

"Huwaw! Kung umasta si kyah parang boyfriend ah." Pang-aasar ni Chantele.

"Malay mo naman diba? Soon to be, diba Mita?" Nakangiti niyang sabi.

Seryoso ka ba, Blaster?

"Ewan ko sayo. Bahala ka jan, aalis na kami." Sabi ko sa kanya.

"Uyy, biro lang-teka sa'n kayo pupunta?"

"Gagawa kami ng project sa bahay ni Unique, oh siya aalis na kami bye!" Sagot ni Chantele.

Hindi na pinagsalita ni Chantele si Blaster at hinila na ako papuntang waiting shed, sumunod naman sila Rhea-

"Teka asan si Unique?" Tanong ko kay Chantele.

"Ha? Anong asan? Eh andito lang yun kanina-"

"Ayun na oh! Nakaupo na sa may waiting shed nauna na sa'tin, duh." Rhea rolled her eyes.

Huwaw, ang bilis naman? Kanina lang katabi ni Chantele ah.

May something kay Unique ngayon.
Parang umiiwas siya kay Blaster.

Last week naman ang close niya kay Blaster, tapos ngayon parang hindi naman niya pinapansin.

Ayy, wait-ohmygulay wag niyo sabihing-

Hindi kaya, nag-out na siya kay Blaster? I mean- kaya ba niya ako ni-reject kase, bading siya?

Possible.

Pero imposible din eh.

Iba kasi yung tingin niya pag-tumitingin siya sa akin eh. Oh, ako lang talaga yung gumagawa ng malisya?

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now