n a s a a n | 0 1 7

376 12 15
                                    

Tulala sa araw ng linggo.

Nakatunganga ako at walang magawa.

Isang linggo ko nang hindi nakikita si Unique.

Hindi siya pumasok ng eskwelahan matapos yung acoustic night. Hindi ko alam kung bakit. Matagal ko nang hindi nakikita yung pagmumukha niya.

Miss ko siya.

Hindi ko rin maiwasan mag-alala. Nakailang send na ako ng message sa kanya nung mga nakaraang araw. Ni-isang reply, wala akong natanggap sa kanya.

Hindi kaya, iniiwasan niya ako?

"Baka may nagawa kang mali ganern. Or may nasabi ka ba sa kanya nung acoustic night, ganern?"

"Wala nga akong nasabi sa kanya!" inis na sabi ko kay Chantele na halos mabalibag ko sa center table ng living room ko yung dala dala kong pagkain.

"Eh ba't hanggang ngayon wala parin?" Umayos ng pagkakaupo si Chantele sa sofa.

"H-hindi ko alam, hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung kamusta siya, kung ayos lang ba siya, hindi ko talaga alam."

"Alam ko na. May idea na ako mars." Tumayo siya sa pagkakaupo niya at kinuha ang phone ko.

"Ho—hoy ano na namang gagawin mo babaita?" pilit kong hinahablot sa kamay niya yung phone ko.

"Tatawagan si Blaster. Diba friends sila?"

"Baliw! Baka mamaya may band practice yun ngayon o gig tapos gagambalain pa natin!" Nakuha ko na ang phone ko mula sa kanya.

Sa bagay, tama si Chantele.

Tinawagan ko na siya. Nag-ring ang telepono at salamat sa Diyos, may sumagot.

"Uy Mita! Na patawag ka? Miss mo ko no."

"Tsk, tumigil ka nga! Yan na naman yang mga banat mo eh." Rinig ang pagkainis sa boses ko.

"Hi Blaster, ehehe." Parinig ni Chantele.

"Tss, pakipot pa." mukhang hindi niya narinig yung pagpapacute ni Chantele sa kanya.

"Hoy Blaster andito ako, HELLO." Hinablot sa akin ni Chantele ang telepono ko at sinigawan ito. "At tsaka hindi ikaw ang pakay ni Mita, si Uniqu—"

Kinuha ko na sa kanya ang telepono ko at tinakpan ang bibig niya.
Kaso nahuli na akong kumilos:

"Si Unique?"

dinig mong nawalan na ng gana ang boses niya, nag-iba ang ihip ng hangin.
Pinanlakihan ko ng mata si Chantele, alam niya ang ibig sabihin ko dun;

'langya kang babaita ka  mamaya ka sakin lagot ka'

Alam niyang iyon yun. Nag 'peace-be-with-you' siya sa akin eh. Sumalangit nawa ang kaluluwa mo Chantele, lagot ka talaga sakin.

Ano pang magagawa ko, narinig narinig na niya eh.

"Ahh—oo, si Unique."

Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin ang pangalan ng hinahanap ko. Narinig ko lang ang pag buntong hininga niya.

"Matagal na akong walang naririnig tungkol sa kanya, ilang beses na namin siyang sinubukang i-contact, pati si Tita Llewelyn hindi ko rin ma-contact eh." paliwanag niya.

"Ganun ba, sige salamat."

"Mita?"

"Bakit?"

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 06, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora