t h e k i s s | 0 0 4

1K 53 168
                                    


Hapon na.

Pababa na ang sikat ng araw.
At heto kami. Nasa school parin ni Chantele, inaayos ang bookshelf namin.

Umuwi na sila James at Rhea, meron pa daw silang 'other important things to do' may ka-echosan pang nalalaman, tatakas lang naman sa cleaners.

"Mare, di pa ba tayo uuwi? Pwede naman natin tong ituloy bukas ng maaga habang wala pa sila." suggestion ni Chantele.

"Wag na, konti na lang to eh. Ipapagpabukas ko pa ba? Mauna ka na, baka hinahanap ka na ni mother dear mo."

"Ihh, ayoko nga. Hihintayin kita, baka mamaya ikaw pa magsara ng school eh. Bilisan mo na kasi jan!" Reklamo niya.

"Ehh kung tulungan mo nalang kaya ako para matapos na to, good idea diba?" [being sarcastic]

Wala, love ko lang talaga ang pagiging sarcastic.

"Oo na eto na tutulong na."

Sa wakasss! Natapos na din ang pag-lilinis namin. Bumaba na kami at pumunta muna pansamantala sa Jollibee, tapat nga lang kasi ng school namin. Magpapalamig muna kami sandali.

"Nandito na rin naman tayo Mita bumili na tayo ng pagkain natin, nagtatawag na naman yung tiyan ko ng pagkain eh."

"Sige, gutom na rin ako eh."

Pumila na kami at nag-order ng pagkain.
Tinake out na ni Chantele yung pagkain nya kasi kailangan na talaga nyang umalis, bawal kasi siya gabihin. May curfew kasi sa kanila. Ako dine-in nalang muna.

"Oh sya mare, uuwi na ako ha-di ka pa ba uuwi?"

"Di pa. Maya maya na."

"Sure ka?"

"Oo, kaya ko na to. Ako pa, kilala mo naman ako."

"Sige sige, ingat ka ha? Bye mare, bukas ha? Wag mo na kalimutan yung project mo, binigyan ka na ni sir ng isa pang chance."

"Opo, nakatatak na po sa utak ko. Bye! Ingat!"

"Wag ka na masyado magpapagabi! Ingat pag-uwi!"

Nag thumbs up ako, at umalis na siya.

Naghanap na ako ng table na kakainan ko, umupo ako dun sa may malapit sa bintana.
Kinuha ko ang aking cellphone at isinalpak ko na ang earphones ko sa aking tainga para makinig ng music.

Nang matapos na akong kumain, napagdesisyonan ko nang umuwi. Sabi sakin ni Chantele wag akong magpapagabi.

Lumabas na ako sa Jollibee at naglakad papunta sa waiting shed, medyo malayo yun sa school namin.
Matagal tagal rin bago ako nakarating sa waiting shed, umupo muna ako para magpahinga at maghintay ng masasakyan pauwi.

Habang nakaupo ako, ay pinagmasdan ko ang mga kainan sa tabi tabi na punong puno ng mga makukulay na ilaw at nagkakasiyahang tao. Tinanggal ko ang aking earphones pansamantala.

Naririnig ko ang mga boses na nagtatawanan at kumakanta mula sa videoke.

"[Sighs] Hayy, nightlife. Gabi na nga."

Habang nakaupo ako ay biglang may lalaking tumabi sa akin.

"Hi miss, may kasama ka ba?" sabi nya, na parang may masamang balak.

Hindi ko siya sinagot.

"Kung gusto mo, magstay ka muna dun oh. Sa may bar. Libre ko na drinks."

"Sorry ho. Hindi ho ako umiinom."

"Sige na, libre ko naman eh. Tsaka, delikado na dito sa labas." Dahan dahan nyang sinabi ang mga huling kataga.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now