l a s t n i g h t | 0 1 3

909 38 149
                                    

Nasilaw ako sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana. Minulat ko ang mga mata ko at nag-inat-inat.

Nang makaramdam ako ng sakit ng ulo, bigla akong napa-upo.

Ayy, teka-parang may mali.

"Ahhhhh!!!!!" Napasigaw ako.

Narealize ko na wala ako sa bahay ko.

May narinig ako na mga takbo. Napalingon ako nang biglang bumukas ang pintuan at may nakita akong lalaking naka-salamin at babae.

Pamilyar na sakin yung lalaki.

"Mita! Anong nangyari?" Lumapit na sa akin si Unique.

"Iha? Ok ka lang ba?" Tanong ng babae.

T-teka, hindi kaya-nanay ni Unique to?

Napatulala nalang ako sa kanilang dalawa.

"Sige, na Ma. Ako nang bahala." Sabi ni Unique sa babae.

'JUSKO OO NGA NANAY NIYA' Pagsigaw ko sa isipan ko.

Kahiya ka girl, sisigaw sigaw hindi mo naman pala bahay.

Eh kasi naman, paano ba ako nakatulog dito? Hindi ko pa maalala yung mga nangyari kagabi-

Bigla kong nakita yung basahan sa may sahig.

(Last night)
'Sumuka ka sa t-shirt ni Unique.' Paalala sa akin ni brain.

Shocks, ano ba 'tong ginawa ko.

Napatitig ako bigla kay Unique at napahawak sa buhok ko. Inaalala ang mga kahihiyang ginawa ko kagabi.

"Teka ano bang nangyayari sa'yo?" Yumuko siya nang onti.

"Nanay mo ba yun?" Nanginginig yung boses ko.

"Oo, bakit?" Tanong niya na may pagtataka.

Napanganga nalang ako.

'KAHIYA KA TALAGA MITA, YOKO NA I WAS DAYING INSAYD NA' Sumisigaw ako sa isip ko.

"Paano ako nakatulog dito?" Mahinahon kong sabi, trying not to panic.

"H-ha?" Nauutal niyang sabi.

"Uminom kasi tayo ng ano, red wine. T-tapos lasing na lasing ka na, sabi mo 'dito nalang ako matutulog', tapos ayun dito ka na natulog." Paliwanag niya, habang hhinihimas niya ang kanyang batok.

"Sumuka ka pa nga-"

"ALAM KO YUN, NAAALALA KO NA NG ONTI." Nilubog ko na ang mukha ko sa unan habang nagdadabog.

Dahan dahan kong inaangat ang ulo ko nang ma-realize kong hindi ko pa siya natatanong kung;

"Sa'n ka natulog?" Kinakabahan kong tanong.

"Sa tabi mo."

Nanlaki yung mga mata ko.

"ANO?" Tumayo ako sa kama pero paluhod.

"Magkatabi tayo." Sabi niya pero hindi nakatingin sa akin.

AANZJZJSHSBSBHSJAKSNBXXH

"Pero sa sahig ako syempre." Nakangiti niyang sabi.

......

Binato ko sa kanya yung unan.

"IKAW TALAGA HINDI MO SINABI AGAD." Binulong ko nalang yun ng malakas kasi baka mamaya marinig pa ako ng nanay niya na sumisigaw na naman.

s h a t t e r e d   h e a r t s ;  a unique salonga fanfictionWhere stories live. Discover now