5

44.1K 723 7
                                    


"YOU'RE wearing that?"

Muntik nang matawa si Elizabeth sa reaksiyon ni Pablo pagkakita nito sa ayos niya. Lalabas siya para dumalo sa bridal shower ni Aila. Sa makalawa na ang kasal nito. Sa halip na tipikal na bridal shower na nasa iisang venue kasama ng mga babaeng kaibigan nito ay napagpasyahan nilang mag-barhopping. Aila didn't have many girlfriends. Apat lang silang magkakaibigan na malapit talaga sa isa't isa. Panlima nilang kasama ang magiging hipag nito. Upang mas masaya raw, they didn't make any plans. Bahala na raw kung saan sila mapadpad at kung ano ang gagawin nila.

Hindi siya kumportable sa ganoon dahil nasanay siyang nakaplano ang lahat ng kilos niya. Pero wala siyang magagawa dahil hindi naman niya iyon bridal shower. Hindi maaaring siya ang masunod. Hindi rin maaaring hindi siya sumama dahil magtatampo sa kanya si Aila. Siya pa mandin ang maid of honor nito. She decided to indulge her friend one last time.

"You're going barhopping wearing that shiny little dress?" tanong uli sa kanya ni Pablo.

Umikot siya sa harap nito. "What's wrong?"

"What's wrong?" nanlalaki ang mga matang gagad nito. "Tingnan mo nga 'yang hitsura mo."

Natawa si Elizabeth. She knew she looked good. She looked sexy and elegant. Nakasuot siya ng sequined dress na hapit na hapit sa katawan niya. Long sleeved iyon at conservative ang neckline. Ang hindi marahil gusto ni Pablo ay naka-expose ang buong likod niya sa damit. Masyado rin iyong maikli.

"Wear something else," utos ni Pablo.

"No," she said.

"Why not?"

"Because I look good in this dress. Aila chose this for me. Ayaw niyang magmukha pa rin kaming mga doktor na naligaw sa bar." Kahit naman matandang dalaga siya, hindi ibig sabihin niyon ay manang siya. Kagaya rin siya ng ibang mga babae na mahilig sa fashionable clothes and shoes. She also loved shopping, dressing up, and looking good. Hindi siya katulad ng ibang doktor na stiff at masyadong pormal kung manamit.

She knew what her assets were and she was using and showing them off well. Hindi siya pangit at kahit na wala siyang planong mag-asawa, hindi siya magpapakamanang. She looked beautiful and stunning, she knew that, too.

"Mababastos ka niyan sa bar, eh." Napakamot si Pablo sa ulo habang nakatingin sa damit niya at tila iniisip kung ano ang maaari nitong gawing paraan doon.

Natawa siya. "Mukha ba akong bastusin, Pablo?"

Umiling ito. "No. You just look too good and too sexy. Lalapitan ka ng kung sino-sinong lalaki."

"Is that a bad thing?"

"Yes. Alam mo ba na puwedeng mauwi sa motel o hotel room ang mga lasing na nagkakilala sa bar?"

Napangisi siya. "I think I can handle a one-night stand." Namilog ang mga mata nito. Tila naeskandalo ito sa narinig. Napahalakhak siya. "Pablo, I'm almost thirty. Kung maka-react ka naman, para kang very conservative virgin. Huwag ka nang mag-alala sa 'kin. I appreciate the concern pero matanda na ako—mas matanda ako sa 'yo. Alam mo naman na kaya kong palayuin ang mga lalaking magkakainteres sa 'kin. I'm very good at that. 'Wag mo nang gaanong pansinin ang suot ko. Let me have fun tonight."

"Okay," napipilitang sabi nito. Wala itong magagawa dahil siya pa rin ang masusunod sa kanilang dalawa. Hindi siya magpapalit ng damit dahil lang sinabi nito. Pero na-appreciate niya ang concern at protectiveness na ipinapakita nito. "Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakalasing. Kapag nalasing ka, tawagan mo ako para masundo kita."

Tinapik niya nang marahan ang pisngi nito. "Opo, Kuya." Nang sabihin ng kawaksi na nasa labas na ang sundo niya ay lumabas na siya ng bahay. Sumakay agad siya sa kotse ni Aila.

"I'm so excited!" halos patiling sabi ng kaibigan niya bago nito pinaandar ang sasakyan.

"Yeah. I am, too," sabi niya. Pagbibigyan lang talaga niya ito. Hindi siya sasali sa kalokohang maiisip ng mga ito kahit masabihan pa siyang killjoy o spoilsport.

in;line-height88̥

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now