26

36.5K 674 12
                                    


NANIKIP ang dibdib ni George nang buklatin niya ang hardbound photo album na ibinigay sa kanya ni Elizabeth. Maaari iyong tawaging scrapbook kung nilagyan nito ng mga palamuti. Ang kanyang ina ay mahilig lagyan ng kung ano-anong disenyo ang mga album nila ni Iñaki. Ang album ni Sebastian ay malinis, tuwid, at proportioned ang lahat ng larawang nakalagay. Walang kahit anong arte.Ang nasa unang pahina ay printed copy ng mga sonogram. Mga larawan ng tiyan ni Elizabeth ang nasa sunod na pahina. Everything in her pregnancy was documented in detail.

Parang may sumipa sa sikmura niya nang makita ang unang larawan ng mag-ina. Sa palagay niya ay sa ospital iyon kinunan. Elizabeth was breastfeeding Sebastian. Kitang-kita sa larawan ang pagmamahal ni Elizabeth sa kanilang anak. Nakangiti ito nang masuyo habang nakatingin sa sanggol na karga-karga nito.

Elizabeth wanted her kid. She loved Sebastian with all her heart. Kahit wala siya sa buhay nito sa nakalipas na limang taon, nakakasiguro pa rin siya na minahal at kinalinga nito si Sebastian.

He flipped the pages. Napakaraming baby pictures ng anak niya. Parang lalo siyang nahirapang huminga. His throat constricted. Matagal na niyang alam na pagdating sa mga anak niya ay mababaw ang mga luha niya. Nakakahiya kung iiyak siya sa harap ni Elizabeth.

"P-puwede k-ko ba itong m-mahiram?" tanong niya. Hindi niya napigilan ang pagkabasag ng kanyang tinig. He wanted to make a copy of all the pictures.

Hindi ito tumingin sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalabas ng ilang hardbound album na katulad ng hawak niya. "You can have it."

Nagulat siya sa sinabi nito. "R-really?"

Tumango ito. "Palaging tatlong kopya ng litrato ang ipinapagawa ko." Tila nahihiyang nagkibit-balikat ito. "Backups in case may mangyari sa orihinal na kopya." Pinagpatong-patong nito ang apat na photo album at iniisod sa harap niya. "This was his baby book." Iniabot nito sa kanya ang isang makulay na hardbound baby book. Naka-emboss sa harapan niyon ang pangalan ni Sebastian. Sa unang pahina ay larawan nito noong sanggol ito.

"Narito ang medical history niya noong bata siya. Hindi siya sakitin. Ano naman akong klaseng doktor kung hindi ko masisiguro ang kalusugan ng anak ko? Pero siyempre ay hindi maiiwasan na paminsan-minsan ay dapuan din siya ng sakit. Iyakin siya kapag may lagnat siya katulad ng ibang mga batang may dinaramdam. Hanggang ngayon kapag may lagnat siya, gusto niyang palaging kinakarga at nilalambing." May inilabas na naman ito sa kahon. "Immunization. Nasa prefilled syringes ang vaccines niya. I saved all the syringes. Don't laugh at me, I happen to be sentimental when it comes to my kid."

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ilang syringe na nasa individual glass cases. Pero hindi niya ito kailanman pagtatawanan. Kung alam lang niya na puwede pala ang ganoon ay malamang na ipina-preserve din niya ang mga syringe na itinurok kay Iñaki noon.

May mga inilabas uli ito. "Ito ang naunang baby things niya," nakangiting sabi nito habang ipinapakita sa kanya ang mga lampin at bib na may burda pa ng pangalan ni Sebastian. Ipinakita rin nito sa kanya ang baby socks, bonnets, sweaters, at kung ano-ano pang damit ni Sebastian noong baby pa ito. "These were his favorite toys." Sunod nitong inihilera sa harap niya ang mga laruan.

Napatingin siya sa mukha ni Elizabeth. Her face was glowing. Her eyes were shining like stars in the darkest night. She was very lovely. He felt his heart swelled. Nais niya itong hilahin at yakapin nang mahigpit na mahigpit at huwag nang pakawalan. He wanted to thank her for loving Sebastian so much. Pero hindi siya makagalaw kahit utusan niya ang kanyang sarili. His eyes were on her. Hindi niya kailanman pagsasawaang titigan ang kagandahan nito.

"I'm afraid I can't give these things to you, George," apologetic na sabi nito. "Masyadong importante ang mga ito at hindi ko maaaring i-duplicate. You can take pictures or you can borrow them. But I want them back."

Tango lang ang naitugon niya. He was too overwhelmed to even speak.

"Oh! This is his first drawing!" Ipinakita nito sa kanya ang naka-laminate na papel. Sebastian had drawn a dog under a sun. "Ang sabi nila, nagmana si Basty kay Pablo. He loves drawing and coloring."

"You don't mind if he's not going to be a doctor?" tanong ni George.

Umiling si Elizabeth. Her eyes softened. "He can be whatever he wants to be. Susuportahan ko siya sa lahat ng bagay. Basta masaya siya, magiging masaya rin ako para sa kanya." Naglabas pa ito ng ilang naka-laminate na papel. Mga drawing ni Sebastian ang karamihan sa mga iyon. May ilan din na test papers sa school.

Napansin niyang namasa ang mga mata nito nang ipakita sa kanya ang mga card na ibinigay rito ni Basty. Binasa niya ang mga nakasulat sa card. Happy Birthday, Mommy. I love you. Happy Mother's Day, Mommy. Merry Christmas, Mommy. Thank you, Mommy. Take care. His heart contracted violently. Nainggit na naman siya kay Elizabeth dahil hindi niya naranasang mabigyan ng mga ganoon ni Sebastian.

"For a five years old, he's so smart," sabi niya.

"Maaga siyang natutong magbasa at magsulat." Pasimple nitong pinahid ang mga luha nito. "Kahit tinulungan siya ng uncle niya sa pagsusulat ng mga ito... I'm sorry, George. I know I've been selfish for five years. I'm sorry."

Nginitian niya ito. Masasabi niyang wala na siyang maramdamang galit. Paano siya patuloy na magagalit sa isang babae na minahal nang husto ang anak niya? She admitted she was at fault. Hinayaan siya nitong maging parte ng buhay ng anak niya. She was sharing all these private things with him.

"It's okay, Elizabeth. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Ang importante ay ngayon at bukas. Makakatanggap naman siguro ako ng cards sa Father's Day, Christmas, at sa birthday ko. Ang mas importante para sa 'kin ay nakakasama ko na si Basty ngayon." Nakikita at nakakasama na kita,

ngalingaling idugtong niya.

Nginitian siya nito. May inilabas na naman ito. Nais niyang matawa. Hindi ba ito mauubusan? Para sa isang working mom, she did so well.

"These are home videos." Iniabot nito sa kanya ang ilang mga CD. "I was lucky to videotape his first walk. Recently lang, nakasali siya sa play sa school. Kahit mga small performance lang niya sa school ay nariyan at naka-document. God, you can't believe how freaked out I was on his first day in school. It wasn't even a real school but I was panicking. Maaga akong nagising to prepare. I can't cook so I let Nana Milagros do the cooking while I watched..." Ikinuwento nito ang detalyadong nangyari noong unang araw ni Sebastian sa school.

Naaaliw na pinakinggan niya ang mga kuwento nito. Pagdating kay Sebastian ay nag-iiba ito. Nagiging napakadaldal nito at tila hindi man lang ito aware doon. Napakasarap pagmasdan ang mukha nito lalo na kapag kumikislap sa pagmamahal ang mga mata nito. Nawawala ang pagiging malamig at pormal nito. She was by far the loveliest woman he had ever met.

"Hindi ako nag-freak out noong mag-exam ako sa medical board o sa kahit anong exams. Pero nagpi-freak out ako tuwing may school activity si Basty. I don't wanna pressure him his studies. I want him to enjoy school pero kabado talaga ako. Ang saya-saya ko noong unang beses siyang umuwi na may star. Mas masaya pa nga ako noon kaysa nang malaman kong doktor na ako..." Hinayaan niya itong magkuwento nang magkuwento hanggang sa tila maging aware ito sa ginagawa nito. Her face was flushed as she pressed her lips together. "I'm sorry. I got carried away," she mumbled.

Natawa siya. "I love hearing your stories about Basty." I simply love hearing you talk.

She sighed dreamily. "Being Basty's mother is the best thing that ever happened to me. Thank you. Kung wala ka, wala rin akong Basty."

Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya at hinila ito palapit sa kanya. Bago pa man ito makapiyok, naikulong na niya ito sa mga bisig niya. Napasinghap ito nang malakas at sinubukan siyang itulak pero hindi niya ito hinayaan. Ayaw niya itong pakawalan.

Ibinaon niya ang kanyang ilong sa buhok nito at sinamyo ang bango nito. Napapikit siya. Hindi muna siya nag-isip ng kung ano-ano. He loved having her in his arms. She fit into his arms perfectly as if she belonged there.

"George..."

"Thank you for loving my son so much."

oman",serimϧ

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now