29

36.3K 651 10
                                    


SINIGURO ni Elizabeth na mahimbing at maayos nang natutulog ang mga bata bago niya binaba si George. The kids had so much fun. Nasa sasakyan pa lamang sila pauwi ay nakatulog na ang mga ito. Tinulungan siya ni George sa pag-aasikaso sa mga ito. Iniwan niya ito kanina sa bar upang makaligo at makabihis siya.

Hindi na niya nagawang tuyuin ang buhok niya dahil alam niyang hindi na gaanong magtatagal si George. Kahit nais niya itong manatili ay hindi niya ito maaaring pigilan. He was also tired.

Nadatnan niya itong tahimik na umiinom sa bar. Naupo siya sa katabing stool ng kinauupuan nito. Napangiti siya nang maalala niya noong gabing nagkakilala sila.

"Pinagsisihan mo bang nakilala mo 'ko?" tanong nito nang lingunin siya.

Umiling siya. "Never. Basty is the best thing that has ever happened in my life." Kahit marahil walang nabuong bata, hindi pa rin niya pagsisisihan ang lahat. "Hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil hindi ko ninais na magkaroon ng kahati. Yes, I've been selfish. Ayoko rin ng komplikasyon sa buhay ko."

"Kung nalaman ko ang tungkol sa pagbubuntis mo, malamang na pinilit kita noon na pakasalan ako."

Napangiti siya. Nagsalin siya ng alak sa isang baso. Wala siyang planong uminom kahit pa hindi siya kailangan sa ospital kinabukasan. Pero hindi agad aalis si George at sa unang pagkakataon ay nais niyang makipag-usap nang masinsinan dito. She wanted him to understand her more. Nais niyang mas makilala siya nito.

"Siguro ay kinatakutan ko rin ang bagay na iyon kaya hindi kita kinontak. Naisip kong gagawin mo ang sa tingin mo ay tama kahit wala namang maituturing na pundasyon ang marriage natin. I didn't wanna marry you or anyone else. I just wanted a child. Matagal nang iyon ang gusto ko. Natatakot akong mag-isa pero mas natatakot akong i-commit ang buong buhay ko sa isang lalaki. I want to be free. Most women lose their identity when they fall in love. I want to be me. Kung pakakasalan kita dahil lang sa may nabuo tayo, hindi rin tayo magtatagal. Baka mabaliw tayo sa piling ng isa't isa."

"Who broke your heart?"

Humarap siya rito. "Aside from my father? Someone I knew when I was in high school. I was fifteen. I was the typical pimply geeky girl in school. I looked hideous in my pigtails and braces. Walang nagkakainteres sa 'kin dahil bukod daw sa pangit ako ay napakasungit ko pa."

Ngumiti ito. "Hindi kita ma-imagine na hideous. You're so lovely, Eli."

She grinned. "I know. But back then, I was not pretty at all. Kaya laking gulat ko nang ligawan ako ng pinakaguwapong lalaki sa klase namin, si Robert. He was half-English and every girl swooned at his feet. Hindi ko mapaniwalaan noon na sa lahat ng magagandang babaeng nakapalibot sa kanya ay ako ang pinili niya. He was totally gorgeous. Sabi niya noon, matagal na niya akong pinapanood nang lihim, hinahangaan nang lihim.

"Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Puro papuri at magagandang salita ang naririnig ko sa kanya. He said he loved me. He was my first love. Handa na akong sagutin siya nang maulinigan ko ang pag-uusap nila ng mga kabarkada niya sa basketball court. Doon ko nalaman na pinagpustahan lang nila ako. Pinagtatawanan pala nila ako kapag nakatalikod ako. May girlfriend siya na nasa cheering squad. Napakarami palang tao na nakakaalam na pinaglalaruan lang niya ako. I cried for one night and then I promised I would never shed a tear for that man again."

"You got over it. Hindi naman siguro sapat ang insidenteng iyon upang mabago ang paniniwala mo sa marriage at sa mga lalaki."

"It was the start, George. It was the moment I stopped believing in fairy tales and happy ever afters. Pinaganda ko ang sarili ko para masigurong hindi na uli ako mapagtatawanan at maloloko. Nag-iba rin naman ang takbo ng buhay mo noong disisais anyos ka."

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang