36

31.8K 539 2
                                    

HINDI pa man nagigising si Sebastian ay nakaalis na ng bahay si Elizabeth. Hindi lamang dahil ayaw niyang makita si George sa umaga. Naka-indefinite leave si Aila sa ospital kaya naka-endorse sa kanya ang mga pasyente nito. May naghihintay na siyang pasyente na nagle-labor na. Nagbilin na lang siya kay Marie bago siya umalis.

Inabala niya ang sarili para hindi niya gaanong maisip si George. Nang makatanggap siya ng text mula kay Marie na nagsasabing naroon na si George sa bahay at inaasikaso ang anak nila ay medyo nakalmado siya. Kahit paano ay may masaya sa kanila ng anak niya. Kahit hindi na niya makuha ang mga bagay na gusto niya, kahit siya na ang masaktan, huwag lamang ang kanyang anak.

She would get used to things. She would get over him. She would be happy and content again—without him.

Maghapon siyang naging abala. Pagkatapos ng clinic niya ay hindi muna siya umuwi sa bahay nila. She needed to check on Aila who had done nothing but cry these past few days. Tuluyan nang umalis si Dondon sa bahay ng mga ito.

Pagdating niya sa bahay nina Aila ay ang inaanak niya ang unang hinanap niya. Natagpuan niya ito sa kusina at pilit na pinapakain ng yaya pero nakatikom ang bibig nito habang panay ang pag-iling. Her eyes were swollen and red. Parang kagagaling lamang nito sa mahabang pag-iyak.

Elizabeth's heart went out to. Nakangiting nilapitan niya ito at hinagkan ang ibabaw ng ulo.Kaagad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya.

"Ninang!" Tumayo ito sa upuan nito at naglambitin sa leeg niya. "Ninang, si Mommy..." Namasa na naman ang mga mata nito.

Naupo siya sa silya nito at kinandong ito. Pinahid niya ang mga luha nito. "Did Mommy shout again?" masuyong tanong niya.

Humihikbing tumango ito. Dahil lulong si Aila sa pagdadalamhati, hindi na nito gaanong napapansin ang anak nito. Madalas itong nagkukulong sa silid at umiiyak. Ilang beses na nitong nasigawan ang anak. Alam niyang hindi naman nito sinasadya. Sadyang hindi lamang nito alam kung paano pakikitunguhan ang pagdadalamhati at pagkabigo.

Kalat na kalat sa madla ang pagkakaroon ng relasyon ni Dondon sa isang sikat na artista. Hantaran nang ipinapakita ng dalawa ang relasyon ng mga ito. Palagi niyang sinasabi kay Aila na huwag na lang nitong pansinin ang lahat at umiwas na ito pero hindi nito magawa. Alam niyang hindi madali. Alam niyang labis itong nasasaktan. Pero walang mangyayari kung hindi nito susubukan, kung hindi ito hahakbang palayo.

"Mommy just isn't feeling well," sabi niya sa inaanak niya. Sinikap niyang ipaliwanag dito ang sitwasyon ng ina nito sa paraang maiintindihan ng murang isipan nito.

Siya na ang nagpakain at nagpatulog sa inaanak niya. Habang hinahaplos niya ang buhok nito ay nahiling niya na sana ay hindi ito maging katulad niya. Sana ay maging matatag ang kaibigan niya upang may masandalan ang anak nito. Nang masigurong himbing na ang bata ay pinuntahan na niya si Aila sa silid nito. Nadatnan niya itong nakahiga sa kama at umiiyak.

Binuksan niya ang lahat ng ilaw sa kuwarto nito. "Overkill na 'to, Aila, ha?" Iniligpit niya ang mga bagay na pinagbabato nito. Her room was a complete mess. Hindi niya alam kung paano ito nakakatagal doon.

"I'm not like you, Eli," naiinis na sabi nito habang pinapahid ang mga luha nito. Napakaraming tissue paper sa gilid ng kama nito. Hindi ba ito nagsasawa at napapagod sa pag-iyak? Kumuha siya ng gloves sa bag niya at humugot ng plastic bag sa isang drawer. Pinagdadampot niya ang soiled tissue paper.

"I can't function like you," dagdag na sabi ni Aila habang pinanonood nito ang ginagawa niya. "I can't function at all without Dondon."

"You don't know that. at least try. It has been more than a week already. He's happy right now, okay? He's not coming back. Tanggapin mo na lang."

"Why can't you be a typical friend?"

"I've been coddling you these past few days. Do you think I don't understand?" Itinigil niya ang kanyang ginagawa at umupo siya sa kama. "I understand that you're heartbroken. I know how it feels like. For a minute, please forget your worthless ex-husband because I need my best friend, Aila. I'm in love and it hurts."

"W-what?" gulat na tanong ni Aila. Tila hindi nito madesisyunan kung maniniwala o hindi.

Bumuntong-hininga siya bago siya yumakap dito. "The one-night that I was so determined to forget has turned out to be the love of my life." Natagpuan niya ang sarili na sinasabi ang lahat dito. She needed to tell somebody. Hindi siya maaaring magsabi kay Pablo dahil masyado itong masaya. Alam din niyang kokomprontahin nito si George at ayaw niyang ipahiya siya ng kapatid niya. Ayaw niyang malaman ni George ang nararamdaman niya.

Hindi siya na-guilty na kay Aila na emotionally unstable siya nagsabi at naglabas ng saloobin. She had been with her since her marriage officially fell apart. She needed her. She needed someone who could understand exactly how she felt.

"It's okay to cry," ani Aila habang hinahagod nito ang likod niya.

Umiling siya. "Nah. Kulang pa sa 'yo ang mga tissue mo."

Tumawa ito—totoong tawa. "Sino ang mag-aakala na darating din ang araw na ito sa buhay mo, Elizabeth. Napakasuwerte ni George. Sabi ko naman sa 'yo, never say never."

"I'll get over him," pangako niya rito at sa kanyang sarili. Alam niyang hindi magiging madali na lumimot ngunit determinado siya.


Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now