28

34.1K 582 16
                                    

"HINDI ito ang daan papunta sa museum," sabi ni Elizabeth kay George na siyang nagmamaneho. Napapayag siya nito na ang sasakyan na lang nito ang gamitin nila sa pamamasyal. Ang plano nila ay magtungo sa Mind Museum.

Nginitian siya ni George. "I know. Hindi tayo pupunta sa museum. Parang mas maganda sa amusement park na may rides." Sandali nitong nilingon ang mga bata sa backseat. "Mas gusto n'yo sa amusement park kaysa sa boring na museum, 'di ba, kids?"

"Yes!" mabilis na sagot ni Sebastian.

Sunod-sunod namang tumango si Cassandra.

Namilog ang kanyang mga mata. "I feel betrayed! Hindi boring ang Mind Museum. They love it there."

Bumungisngis si Sebastian. "Pero mas masaya 'pag may rides."

Humalukipkip siya, kunwari ay nagtatampo. "Nagplano ako para sa inyo, 'tapos gaganituhin n'yo ako?" Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na nagwala na siya at igigiit niya ang gusto niya. Pero masyado siyang masaya para tumanggi at magreklamo. She wouldn't spoil the kids' fun just because things weren't going her way. Hindi siya ganoon ka-unreasonable.

Hinawakan ni George ang kamay niya at hinalikan habang nakatingin ito sa daan. Napapitlag siya at napatingin dito. Why did he do that? Parang wala sa loob nito ang nagawa. Nasa daan pa rin ang tingin nito at hindi nabubura ang ngiti sa mga labi nito. Hindi nito pinapakawalan ang kamay niya at hindi rin niya mahila iyon mula sa pagkakahawak nito.

"Is it okay?" tanong nito nang marahil ay mapansin ang katahimikan niya.

It's totally okay to hold and kiss my hand. You can do it any time and anywhere you want.

Tumikhim siya. "May magagawa pa ba ako, eh, ikaw ang may hawak ng manibela?"

"Pero kung hindi ka kumportable—"

"Hindi ako magwawala dahil lang nagbago ang plano. I want things organized and in order, but I can be fun, too. I'm not really that uptight." Basta ito at ang mga bata ang kasama niya ay magiging okay siya. Alam niyang magiging masaya sila.

"It'll be fine, Eli. Mas exciting kung hindi nakaplano at kung hindi natin inoorasan ang mga bata. Hindi naman sa kinokontra kita. Hindi sa sinasabi kong hindi ka masayang kasama. I just thought... if you feel anxious or uncomfortable, just tell me then we'll plan something else. We'll stick to it."

Napangiti siya dahil totoong nag-aalala ito na baka hindi siya maging kumportable sa biglang pababago ng plano. "Be carefree and have fun, that's the plan we should stick to."

Nabura ang lahat ng bahid ng pag-aalala sa mukha nito. Pinisil nito ang kamay niya at muling hinalikan. "Yes, that's the plan. Thank you, Eli."

Hindi siya makatugon dahil abala siya sa pagpapakalma ng kanyang puso. Pagdating nila sa amusement park ay walang pagsidlan ang katuwaan ng mga bata. Mas gusto nga ng mga ito ng rides kaysa sa educational tour sa museum. Sinamahan nila ang mga ito sa bawat rides na magustuhang sakyan ng mga ito.

Kinantiyawan pa niya si George na tumatanda na ito nang sukuan nito ang mga bata. Nahihilo na raw ito at baka magsuka na. Sa amusement park na rin sila kumain ng lunch. May picnic ground ang park at maraming baong pagkain si George. Nakaprepara na ang mga pagkaing iyon pagdating nito kanina sa kanilang bahay.

"Natulog ka ba kagabi o pag-uwi mo ay nagluto ka na kaagad?" natatawang tanong niya habang kumakain sila. The man could really cook. Kahit simpleng mga putahe lamang iyon ay napakasarap pa rin. Maganang kumain ang mga bata.

"Hindi rin ako makatulog sa excitement kaya nagluto na lang ako," tugon nito. Sinubuan nito si Cassandra na nasa kandungan nito. "Ang tagal na mula nang huli ko 'tong naranasan. Nang magbinata na si Iñaki, iba na ang gusto niyang bonding. Habang baby pa ring maituturing si Basty, sasamantalahin ko ang pagkakataon na katulad nito." Masuyo nitong ginulo ang buhok ni Sebastian. "Huwag ka munang magmamadaling lumaki, bunso, ha?"

"You've done a very good job being a father to Iñaki. For someone who started at sixteen, you've been great."

"Hindi naging madali ang lahat."

Tumango siya. "Alam ko. Hindi kailanman magiging madali ang pagiging magulang."

"You're a great mother, Eli. Thank you for loving my son. Thank you for wanting and having him in your life."

Naalala niya ang kuwento sa kanya ni Iñaki tungkol sa ina nito. "Anak ko rin siya. Of course I love him with all of my heart." Hinagkan niya ang ibabaw ng ulo ni Basty. "At saka malay mo, hindi pa si Basty ang bunso mo. You look like you can fancy having a daughter just so you could spoil her rotten."

Tumawa ito habang yakap-yakap ang pamangkin niya. "That's a thought."

He would look so beautiful with a daughter. Malamang na mas spoiled ang bata. She was very willing to give him a daughter. Namilog ang kanyang mga mata sa naisip. What the hell was the matter with her?

"Are you okay, Eli?"

"Y-yeah. May naisip lang akong hindi katanggap-tanggap."

"You wanna share it with me?"

"No, it might ruin your appetite." Wala siyang karapatang mag-isip ng tungkol sa mga ganoong bagay. Wala nang maaaring mamagitan sa kanila ni George kundi pagkakaibigan. Bakit ba hindi niya makalimutan ang gabing pinagsaluhan nila na si Sebastian ang naging bunga?

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now